Kahit Maputi na ang Buhok ko (One Shot)

736 22 3
                                    

Anu nga bang pinagkaiba ng Immortal sa Eternal ?

Ang Eternal walang simula at walang hangganan, pero ang Immortal may simula at wala ding hangganan.

========================================================================

Madali lang naman ibalik ang nakaraan..

Ang mahirap, eh yung ibalik yung mga taong nakasama mo sa nakaraan.

**Nagsimula ang lahat nang mgabata pa kami**

Ang sabi nga ng mga mas nakatatanda, ang mga bata ay wala pang muwang o pag iisip..

Oo, totoo.. pero sa pagmamahal hindi utak ang nag didikta,..

Puso..

Mga bata palang kami lagi na kaming magkasama at lagi niya din akong inaalila. Mas lalaki pa nga siyang kumilos kesa sa'kin. Ako ang gagawa ng saranggola, siya ang maglalaro. Ako ang magbabalat ng saging, siya ang kakain.

Hindi dahil takot ako sa kanya. Pero ewan ko ba? Hindi ko alam kung bakit ko siya sinusunod.

Isang araw hinarang ako ng mga batang siga sa kalsada. Pinagbaba-bato nila ako.

Pero bigla silang nagtakbuhan..

Dahil dumating siya..

Ang babaeng laging nang-aalila sa'kin, na ngayon ay nagtatanggol na sa'kin..

"LAYUAN NIYO ANG KAIBIGAN KO!!" Sigaw niya sa mga bata habang hinahabol niya ang mga ito.

Lumapit siya sa'kin.. inalok niya ko ng tulong para tumayo..

"Ang lampa mo talaga!! Pa'no mo ko ipagtatanggol pag mag asawa na tayo?!!"

hindi ko alam kung bakit niya sinabi yun. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.. hindi ko maipaliwanag pero masaya, masaya ako..

****

Magkasama kaming nagHigh school. Lalo pa kaming naging malapit sa isa't isa..

Magkatabi kaming nakahiga sa ilalim ng isang puno sa taas ng burol, dun kami unang nagkakilala nung bata pa kami..

Tinanong niya ko..

"mamahalin mo pa ba ko pag puti na yung buhok ko?"

Sumagot agad ako.

"OO NAMAN!! Sabay kayang puputi yung buhok natin! kaya no choice na ko! HAHAHA!"

Lumingot siya sa'kin. Ngumiti siya tapos bigla niyang kinurot yung pisngi ko.

"Loko loko ka talaga! haha" sabi niya sa'kin

nakatitig lang ako sa kanya.. Napakaganda niya talaga.. Lalu na pag ngumingiti.. Masaya ko pag napapasaya ko siya..

"Sophia.. Pag nakapagtapos na tayo nagpag-aaral. Pangako ko sayo papakasalan kita agad!" sabi ko sa kanya.

Bigla niya kong sinabunutan tapos niyugyog yung ulo ko. Ganyan talaga siya. haha. Sanayan lang yan.. haha.

Bigla niya kong hinalikan sa pisngi.. nagulat talaga ko nun. Tapos bigla siyang tumakbo pababa ng burol. Pagbaba niya ng burol bigla siyang sumigaw..

"Tupadin mo yang pangako mo! Kung 'di lagot ka sa'kin!!"

Natawa nalang ako. hahaha. Kakaiba talaga siya..

***

Nakatapos na kami ng pag aaral.. Naging isa akong abogado, at naging guro naman siya..

Kahit Maputi na ang Buhok ko (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon