Hindi ko alam kung pa'no ito sisimulan
Simumulan kung paano ako magtatapat,
Magtatapat ng aking nararamdaman
Nakita kita kasama mo siya at,
Magka-akbay kayong dalawa mukhang masaya at nagtatawan pa
At napagtanto ko sa sarili ko na kayong dalawa na pala,
Ngayon,paano ko ito tatakbuhan at tatakasan,
Tatakbuhan at tatakasan ang aking nararamdaman
Ang sakit,
Ang sakit-sakit na makita kita may mahal na
Naiinggit ako
Naiinggit ako sakanya dahil kayo ang tinadhana at hindi tayong dalawa.
Wala naman akong magagawa dahil isang hamak na kaklase mo lang ako na humahanga saiyo.
At alam ko na hanggang tingin na lang ako sayo
YOU ARE READING
Spoken Poetry and Hugot lines
RandomThe poem that I'll publish is all mine.I wrote the poem and my Hugot lines based on my experience such as feelings,hurt and pain...that's all.