Chapter 1

65 3 2
                                    


Angel's POV

'Hoy Anghel! Balita ko break na kayo nung syota mong bugok? Sinong unang nagbitaw ng bomba?' Tanong sa akin ni Char lalaki yan gwapo macho at dakilang chismoso. Char short for Charlito ang baho kase ng pangalan

'Sino pa ba edi ako. Alam niyo namang hindi ako ang bine-break up ako ang nang bi-break up! Ha!' At nagtawanan naman sila kaya sumabay na rin ako

*boink!

'Aray ano ba- Trina ikaw pala! Ang sakit lang ha! Kailangang mangbatok!' Bigla ba naman akong binatukan siya nga pala Si trina ang babaeng kikay pero ang lakas mangbatok

' Nakipagbreak ka na naman! Aba wala yatang tumatagal sayo! Ano bang problema mo!' Reklamo ni Trina

Panong may magtatagal e mga weak naman ang nagiging boyfriend ko puro reklamo daig pa nila ako.. Ako tong babae pero hindi naman ako nagrereklamo pag mas inuuna nila ang dota at lol kesa sa akin sinusuportahan ko pa nga sila. Hay mga lalaki nga naman.

'Hayaan mo na siya Love malaki na Si Anghel hindi na bata yan mukha na ngang gurang e' hahahah' abay loko yun a'
Agad Kong nilapitan Si Ray short for Raymundo ang lalaking patay na patay Kay Trina na lagi namang inii-chapwera ni Trina

'Tigilan mo nga ang kaka-love mo dyan baka masapok kita! Makaalis na nga may gagawin pa akong assignment' at agad umalis si Trina na sinundan ni Ray

'Baklaaa!' At yan naman si Pao short for Paolito pinsan ni Char at isa tropa namin. Bakla siya pero gwapo at matalino siya lang sa mga tropa ko ang naging kaklase ko.. Di niyo lang natatanong pero matalino ako always top 2 ako sa class namin si Pao ang no. 1 kahit naman kase nagbboyfriend ako e hindi ko naman napapabayaan ang pag-aaral ko.

'Bakit Pao? Ano na naman yang dala mong balita? ' ang lalas kasi makasigaw

'Bakla! Si Papa Kenneth yung jowakis mo! May kasamang gurlalo na mukhang tinapa! Kaloka break na kayo no? Ha sinasabi ko na nga ba!' Ay kita niyo bakla talaga . Di pa nga ako sumasagot nag assume na agad ayan kaya minsan nasasaktan.

'Oo. At hayaan mo na sya baka yun yung way niya para maka move on sa isang katulad Kong napakaganda, sexy at matalino ha!' Walangya yung kenneth na yun! Akala ko matagal siya bago makahanap ng iba! If I know tino-two time niya ko.

'Ay oo nga pala Anghel Una na ako may dadaanan pa ako. Sige babye' agad namang umalis Si Char. Hindi siya namin ka year level kaya iba ang oras ng Pasok at uwi niya. 'Okay! Ay paki daanan naman sa condo ko si Mr.Toby pakainin mo ha! Nakalimutan ko kasi. Babye!' Si Mr.Toby Ay yung alaga Kong Siberian husky. Bigay sa akin ng Kuya ko.

'Bakla late na tayo! Andun na ata Si Ms. Puff ! Huhuhu sayang ang beauty ko! Balita ko pa naman may transferee na papabol! ' pagiinarte ni Pao

'Okay lang yan kesa absent! Tsaka minsan lang malate. Tara na para masilayan ko na ang transferee'ing sinasabi mo at mahusgahan na! Bwhahaha' gwapo kaya yung transferee hmm sana

'Ay malandi lang kakagaling lang sa break up . haist! Tara na nga ang iniiiit! Tayiz na gurlalu!'

Agad kaming naglakad ng mabilis papunta sa room namin.

Naakita namin na kakapasok pa lang ni ms. Puff sa room kaya sumunod na kami. Buti na lang late din si ma'am .

Nagsiupuan na kami after naming bumati Kay ma'am. Tabi kami ni Pao kaya nagkwentuhan lang kami habang naglelecture Si ma'am nag advance reading kase kami ni Pao kaya alam na namin yan.

Habang nagtuturo si ma'am biglang may kumatok sa pinto ng room at bumukas ang pinto

Nilapitan naman ni ma'am ang tao sa may pintuan. At pinapasok din agad ni ma'am.

Pumasok ang isang lalaking naka eyeglass na kulay blonde ang hair. Matangkad at matipuno siya. Maputi at medyo singkit ang eyes at matangos ang ilong.

Kung susumahin GWAPO.

CHANGE [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon