CHAPTER 2

59 1 2
                                    

Angel's POV

'Hi. I'm Park Steven. I'm half Korean half Filipino. Nice to meet you all.' Pagpapakilala ni gwapo.

K. Half Korean pala. Pwede na. Bigla kong tinulak si Pao kaya nalaglag siya nasa may right side ko kase siya at pader na ang left side ko.

'Aray bakla ang sakit ha! Bakit ka ba nanunulak?' Di ko naman pinansin si Pao at tinawag ang bago naming kaklase.

'Steve! Dito ka na umupo! Pinapaubaya na ni Pao sayo yung upuan niya.' Nakangiti kong sabi.

'Grabe ka bakla pwede mo namang sabihin sa akin ng maayos kailangang manulak! Hmp.' Agad na nagmartsa si pao sa may likuran ko katabi Si Calix isa sa manliligaw ko na trip niya. If I know kinikilig lang yan dahil makakatabi na niya Si Calix.

'Mr.Park umupo ka na duon sa Tabi ni Ms. Breac. At ng makapagsimula na ako' sabi ni Ms. Puff

Agad namang lumapit si Steve. Steve tawag ko kase para maiba! Bwahahaha. Umupo na siya sa Tabi ko at naglabas ng isang notebook at ball pen at kinopya ang naunang notes ni ma'am sa blackboard. Di man lang ako pinansin.

'Uhm..hi Steve ako nga pala si Angel Breac!' Pagpapkilala ko at nag offer ng hand shake

Tiningnan niya lang ako saglit at binalik agad ang mata sa board. Ay snob siya! Ang ganda ko naman para hindi niya pansinin.

'Steven not Steve.' Bigla niyang sabi .

Ang lamig ng boses. Nakakapangilo. Tao ba to. Masyadong cold e.

'I don't care. Gusto ko Steve ang tawag ko sayo. Hmp.' Napaka.

Kring~~

Oops.. May tumatawag sa phone ko. Nakalimutan Kong i-silent.

Tiningnan ko Si ma'am at nagpaalam na may tumatawag.

Tiningnan ko ang phone ko at Si Kuya Arthur ang tumatawag. Ano na naman kayang problema nito.

| hello Kuya? Ano na naman? May klase ako | sagot ko kay Kuya

| Ay okay naman ako kamusta ka naman? Ang gandang bati ha! Nasa airport ako sunduin mo ko. |

| teka--|

Call ended. Ay bastos! Ha! Ano ba yan. Di ko naman alam papunta duon at saang terminal siya!

Bzzzt. Ay may nagtext.

_______
From: Kuya A.

Nasa NAIA ako terminal 3
Bilisan mo.

_______

Haaaay! Kainis naman. Bahala na nga itetex ko na lang si Pao na sabihin Kay ma'am na emergency.

Agad na akong dumiretso sa airport at naghintay magbabaan yung maga tao.

'Bebe ko!' Ayun na ang siraulo kong kapatid aba mukhang andaming pasalubong . nilapitan ko agad siya. Naka open arms pa sya ha! Anong akala niya yayakapin ko siya! Dumiretso ako sa bagahe niya at hinila yung isang maleta.

'Tara na! Mukhang madami kang dalang pasalubong.' Agad siyang sumimangot at hinabol ako.

'Grabe siya di mo ba ako na miss ? '

'Hindi. Tama na drama. Alam ba ni mama na umuwi ka na? ' tanong ko sa kanya habang nilalagay ang gamit niya sa taxi.

'Hindi pa. Kaya nga habang di pa nila alam dun muna ako sa condo mo di pa ako nakaka kuha ng sarili kong condo unit e.' Hay dagdag palamunin na naman ako.

'K. Basta may bayad. 5k a month. Bawal umangal.'

'Okay. No problem. 5K a month .'

Nagpahatid na kami sa condo ko ata inayos ang gamit niya sa guest room ko siya pinatuloy.

Ang condo unit ko may dalawang room isa para sa akin at isang guest room. Regalo sa akin ito ng lolo ko sa part ni mama

Ang pamilya ni mama ay may-ari ng isang company. Mayaman ang angkan nila mama. While sa papa ko na naman ay di ko alam. Bata pa lang ako iniwan na kami ni papa. Ayaw kasi sa kanya ng pamilya ni mama. Kaya ayun iniwan kami. Hindi kami ipinaglaban.

'Angel sa labas na lang tayo kumain. Tinatamad akong magluto. At tsaka wala ng laman ang ref mo. Mag grocery na rin tayo ' sabi ni Kuya Arthur

'Okay. Bili din tayo ng dogfood paubos na rin yung dogfood ni Mr.Toby.'

Agad ako nagpalit at pumunta na kami sa mall.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CHANGE [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon