Chapter 3 Pt. 2 - I'm Justin Riley Elizalde

30 1 0
                                    

[ Justin Riley Elizalde's POV ]

Ang haba naman niyan author.

(Hindi ko kasi alam itatawag ko sayo ehh.)

J.R. na lang kasi author para mas maikli.

(Sige na nga. Babaguhin ko na.)

Thank you author *KISSES*

[ J.R's POV ]

Sorry sa pag - uusap namin ni author ahh. Ako nga pala si Justin Riley Elizalde, you can call me anything you want. But not Riri dahil si Rae lang pwedeng tumawag sakin niyan, kahit di pa niya talaga ako kilala. Pero gagawin ko lahat para mapalapit ako sa kanya. I will do everything.

Papasok na ko ng room namin (actually magkatabi lang kami ng room ni Rae). Buti na nga lang lumabas na si Ma'am nung lumabas si Rae kaya nakalabas din ako.

Nagulat ako ng biglang may kumalabit sakin " J.R.sino yung kausap mo sa labas ? " tanong sakin ni Yves habang nakasmile AGAIN.

Yves Desiderio, this guy can't take away the smile from his face. Laging nakangiti, kaya parang lagi kang nilloloko. Pero mabait tong lalaking to. Mabilis nga lang mabanas . Pero mabait siya.

" Yung magandang babae. Si Rae yun, Rae Joy Vega buo niyang pangalan. " sagot ko sa kanya. Alam ko buo niyang pangalan noh. Ganun talaga.

" Pano mo nalaman yung name niya ehh bago ata yun dito sa school ? "

" Dati ko pa siya kilala, pero di ko alam kung natatandaan niya pa ko. " sabay kamot ko ng ulo.

" Kwento mo dali "parang batang sumandal sa desk ko si Yves ng hindi tinatanggal ang ngiti niya, mas lalo pa atang lumaki ang ngiti nitong ulol.

Bumalik ulet yung mga nakakatuwang nangyari saming dalawa nung grade school pa lang kami. Grade 2 kami nun at hinding hindi ko malilimutan yun dahil doon nag - umpisa ang akala kong puppy love pero hindi pala, kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nalilimutan.

Siguro nagmumukha na kong bakla sa mga sinasabi ko. May puppy love pang nasasama na ang lakas makabading. Pero hayaan na natin, POGI pa rin naman ako.

May play kasi sa school namin nun, Sleeping Beauty yun. Ako yung napiling Prince at si Rae naman si Aurora, yung tulog lang na Princess. So yung part na ikikiss ng Prince si Princess, ayan yung ayaw kong part sa play namin.

Ewan ko ba pero para bang natatakot akong halikan siya, pero di ko alam kung bakit.

Practice na nung scene na kinakatakutan ko. " J.R. kiss mo na si Rae " sabi ng teacher namin.

Umiling ako bilang senyales na ayaw ko. Kasi nga natatakot ako. Pero sa tingin ko hindi ako natatakot nun, naiilang lang talaga akong halikan siya.

Lumapit sakin si Ma'am at lumuhod para maabot ko siya " Bakit naman J.R. ? Ayaw mo ba kay Rae ? "

Umiling lang ulet ako. Tiningnan ko si Rae. Nakapikit siya. Kasi nga dapat tulog siya.

Nagulat ako ng bigla niyang binuksan ang mga mata niya at tumingin sakin. Mas lalo tuloy akong nahiya sa kanya.

" Maganda naman si Rae diba ? Bat ayaw mo siyang halikan. " sabi sakin ni Ma'am.

Oo nga maganda nga si Rae. Sa totoo nga lagi siyang pinag - uusapan ng mga lalaki sa room namin. Kaya nga marami din nainggit sakin nung ako yung napiling maging Prince ni Rae noon.

Tiningnan ko ulet si Rae, nakatingin pa rin siya sakin. Nginitian niya ko, pinilit ko na lang ding ngumiti.

Hinila ko yung tenga ni Ma'am palapit sa bibig ko " Natatakot po kasi ako ehh. "

Napangiti si Ma'am sa sinabi ko " Bakit naman ? " hinila niya ko pababa ng stage.

" Di ko rin po alam ehh. Basta po natatakot ako. " yan lang nasagot ko kay Ma'am. Hindi ko namantalaga alam kung bakit ehh.

" Siguro may crush ka sa kanya. Hihihihi. " napapahagikgik si Ma'am " Namumula ka ohh. May crush ka nga sa kanya " at hinila na ulet ako ni Ma'am paakyat sa stage.

" Sige J.R. ahh. Kahit hindi mo muna halikan ngayon si Rae. Basta kapag play na hahalikan mo talaga siya ahh." sabay kindat sakin ni Ma'am na mas lalo kong ipinagtaka.

" Opo. " ang tangi kong nasabi dahil sa pagtataka.

" Allright. I think we can call it a day. Thank you. " pagtatapos ni Ma'am sa practice namin.

Lumabas na ko ng auditorium para hintayin si Manong Driver sa labas ng school. Pero nagulat ako ng biglang may tumawag sakin " Prince J.R. ko. "

Napalingon ako mas lalo akong nagulat ng makita ko kung sino ang tumawag sakin sa ganung pangalan. Si Princess Rae ko lang naman.

" Ahh, ehh, Bakit Rae ? " nauutal ako ng di alam ang dahilan.

"Sabi kasi ni Ma'am sakin di mo daw ako kayang halikan. Sabi nga ni Ma'am wag ko daw sabihin sayo ehh. Pero gusto lang kitang tulungan para sa play natin. "

Who to Pick ( ON - HOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon