(Update: Last 2 chapters. This is just a short story.)
Time flies so fast and Levi's now graduating. She's heading to her school together with her mother and father.
Both of her parents are so proud of her, sino ba namang hind? She's one of the Cum Laude at sya pa ang magde-deliver ng speech. Despite of how hard being a architecture student e hindi ito naging hadlang kay Levi. She pushes herself to her capacities and even sa mga akala nya ay hindi nya magagawa. She's also a scholar kaya talagang nakakaproud ito.
'Finally.' She told herself.
After their graduation ceremony kay kumain muna sila before heading back to Davao.
A week before graduation ay inasikaso na agad ni Levi ang kanyang mga documents and even her part time job.
"Babalik ka na ba talaga ng Davao, be?" Tanong ni Melinda, kasamahan nya sa trabaho.
"Dun naman talaga ako, e. Pero don't worry, bibisita naman ako dito. Sabihan nyo lang ako o yayain."
"Mamimiss ka namin, Vian." Sabi naman ni Ella.
"Oo nga, Vian. Mamimiss namin pagiging seryoso mo. Ikaw kaya yung pinakamatino sa amin dito, diba Ma'am Anna?" Sabi ni Ralph, isang architect.
"Mag-iingat ka, Vian. We really appreciate your work here. And I have a good news, Mr. Yu will open a new branch sa Davao and he's planning to get you kapag natuloy iyon and if hindi, ang sabi nya ico-contact nya ang ibang firms at ire-recommend ka nya because you'ved done such a wonderful work. And we will see each other naman sa mga seminars and conventions." Sabi ni Ma'am Anna sa kanya.
"Wow. Talaga po ma'am? Thank you po ng marami sa inyong lahat."
After Levi's despidada party, it's time to say goodbye to her workmates who became her family during those lonely days nya, the works and pressures that makes her busy to forget all her problems and the chance to enchance her skills was an honor for her.
When Levi reached Davao, she immediately opened her facebook account. She reactivated her account. She changed her profile picture, yung graduation picture nya. And after that napunta sya sa kanyang newsfeeds at ang unang nakita nya ay ang larawan ni Hera at Nikko na magkatabi. Nakayakap si Nikko kay Hera.
Levi was shocked. Para syang nabuhusan ng malamig na tubig. Nanigas sya sa kanyang nakita at hindi pa maprocess sa kanyang isipan ang larawan.
Anong meron kay Hera at Niko? Tanong nito.
Agad namang may nag pop up na messages sa kanya, flood messages from Rosie. Isa sa mga barkada nya.
"Lenaaaaa!"
"Len! Leche!"
"Leeeeeen! Kamusta ka? Congrats, Len!"
"Yung bff mo inahas si Nikkoy!"
"Nag-away lahat sa GC dahil sa kanya. Ayun nag leave si Nikko."
"Nainis talaga ako. Alam naming nawala ka, pero ang sabi ko may rason ang lahat."
"Len, hindi sya nakaantay."
"Leche yang Hera na yan. Hindi mo maisip na sya pa talaga. Sa lahat ng babae sa mundo bakit yun pa?"
Sunod sunod na chat ni Rosie sa kanya.
Hindi na napigilan ni Levi ang kanyang mga luha, nag-uunahan na itong magbagsakan.
She tapped reply. "Rosie, hindi ko alam. Rosie, ang sakit. Yung picture nila yung una kong nakita after I reactivated my account. Kailan pa sila?"
"Last month yata, Len. Oo last month. Kase nung nagkita kami kase fiesta kina Darren ayun dinala nya si Hera, tumaas lahat ng kilay namin. Bakit sila magkasama? Sabi naman namin ah baka close lang sila kase diba pinakilala mo. Pero after 1 hour e umalis naman din dahil may lakad, pero nagulag kami kase hinalikan ni Nikko sa pisngi si Hera. Dahil doon, kinompronta namin sya. Naging open forum na yung fiesta kina Darren. Len nasasaktan talaga ako, kase sabi nya pa Len sila na daw. Akmang susuntukin sana sya ni Wade buti napigilan namin. Len, ito yung sabi nya before sya umalis hindi ko kasalan, sadyang nahulog lang ako sa kanya."
"Salamat, Rosie. Magcha-chat lang ako sa GC natin. Akala ko magiging okay na ako kapag babalik na ako dito. Pero hindi pala."
She stalked Nikko and Hera's facebook account, ayun ang daming pictures together. Sobrang sweet.
Iyak ng iyak lang si Levi sa kanyang mga nakita. Hindi sya makapaniwala na gagawin iyon sa kanya ni Nikko.
Mugto ang kanyang mga mata, ayaw nya sanang umalis ng bahay kaso kailan dahil kailangan nyang bumili ng mga personal na gamit nya.
She dressed up something comfortable - tshirt and pants and wears a pair of shoes.
Habang namimili sya nga toner ay nahagilap ng kanyang mga mata si Nikko at Hera sa isang lane, magkahawak ang kamay habang palakad lakad.
Nanikip ang kanyang dibdib at nabitawan nya ang kanyang mga dala.
Agad naman syang nabalik sa wisyo nung inabot ng isang lalake ang isa sa mga gamit nyang nalaglag.
"Thank you." Sabi nito sa lalake. They both smiled to each other at umalis na ito.
Papalapit sa kanyang pwesto ang dalawa kaya nagmamadali itong humanap ng counter upang magbayad.
On her peripheral vision, alam nyang nakita sya ni Nikko. Agad syang umalis sa department store at umuwi na.
Kahit ayaw nyang mag taxi kase mahal pero napilitan syang mag taxi dahil ayaw nyang magbreakdown sa jeep.
Pinipigilan nya ang kanyang luha ngunit hindi kaya. She wipe all her tears kahit na sunod sunod ang pag-agos nito. Mabuti nalamang at nasa likod sya, hindi sya nakikita ng driver.
At nung nakarating na sya ay tuloy tuloy na ang kanyang pag-iyak. She open her facebook account and she message Rosie.
"Nakita ko sila, Rosie. Ang sakit. Ang sakit sakit." She send the message.
And all night long, she cries.
YOU ARE READING
She's the Victim of Her Own Crime
Short Story"It wasn't my intention and I didn't planned it either. And in the end, I know I lost everything." - Lena Vivienne