(The long wait is over. Finally matatapos na sya. Happy new year! Sorry sa late update.)
In the middle of the night habang busyng-busy si Levi kakadownload ng mga kanta sa playlist nya sa spotify na nakakarelate sya ay may isang unknown number na nagtext sa kanya.
"Lev, please let's talk. I know I owe you an explanation. And I just wanted to say sorry to you."
And Levi knows kung sino ang nagtext sa kanya. Nikkoy. Ofcourse, wala namang ibang lalakeng nakasakit sa kanya. She's tormented right now. She's asking herself bakit iyon nagawa ni Nikko. But she knows she played a big part why they ended up like this. Kung nagpaalam lang sana sya ng mabuti, baka naintindihan pa ni Nikko at nagawa pa nitong mag-antay. She's blaming herself for being such a brat. Bakit hindi man lang sya nagparamdam, bakit nya iniwan nalamang ito sa ere. But she's 100 percent sure na makakaantay ito dahil nangako ito sa kanya. But guess what, promises are meant to be broken nga ika pa.
Levi wiped her tears away. Mga ilang minuto nya ring pinag-isipan ang magiging desisyon nyo. Will she take a leap? Or will all her questions in mind will remain questions? She's torn but she made a brave decision.
"Okay, just text me the place and time. And I'm sorry too." That's her reply. She made a decision na alam nyang hindi nya pagsisisihan sapagkat nais nyang malaman ang mga kasagutan sa mga bakit na nasa puso't isip nya. And Nikko also deserved an explanation.
Bakit mo nagawa?
Bakit si Hera pa?
Bakit bestfriend ko pa?
Bakit hindi ka nakaantay?
Bakit hindi mo tinupad ang pangako mo?
Bakit ganito kasakit?That's Levi's thoughts. Bakit? Naiiyak na ito, at sumabay pa talaga ang langit at umulan ito.
Tumulo na naman ang luha nito at umiyak ng umiyak hanggang sa nakatulog.
-
Ang bilis ng araw, at ngayon May 2, 2019 na. At ngayong araw na 'to ang takdang panahon sa pagkikita nila.
Levi just wear her comfy outfit which is shirt and jeans 'saka naka flats lamang ito.
Around 5:30 pm ay nasa meeting place na si Nikko, mas maaga ito ng 30 minutos. Tense na tense ito dahil makalipas ang ilang buwan, makikita at makakasama nya ulit si Levi. Ngunit hindi na tulad ng dati, noon ay puro kwentuhan at tawanan.
[Please listen sa Nanghihinayang by Oppa Jinho Bae para mas feel nyo yung lines nilang dalawa.]
Exactly 6pm dumating si Levi. Nakita nyang nakaupo sa usual spot nilang dalawa sa park.
"Nicholai." Halos pabulong na tawag ni Levi, she's keeping herself calm kahit na yung puso nya ay sobrang lakas na ng tibok.
"Lev." Agad tumayo si Nikko at binati nya nito si Levi. Inakay nya ito paupo katabi sya.
"Woooh." Nikko exhaled a deep sigh. "Lev, hindi ko talaga alam kung paano 'to sisimulan pero alam kong dapat akong humingi ng kapatawaran sa iyo. Patawad kase hindi kita na antay. Patawad, Vi."
Levi keeps on holding back her tears. Gusto nyang kalma lang ang pag-uusap nilang dalawa, ayaw nyang maging dramatic ito.
"Nik, sorry din kung hindi ako nakapagpaalam sa iyo, sa inyo ng maayos. During those days pressure na pressure ako dahil sa work. Marami ding mga pangyayari na hindi ko inaasahan kaya bigla akong nawala. Lahat ng oras at atensyon ko ginugol ko sa passion ko para makalimutan lahat, to keep myself busy. Alam kong kasalanan ko." She said in her calmest approach and trying to organize her thoughts para maiwasan nyang umiyak. "Ako yung nang-iwan e. Kasalanan ko lahat. Kagagawan ko kaya doble ang sakit."
"Vi, no. Hindi mo kasalanan lahat. It's also my fault bakit hindi kita naantay. Pero Vi, ganyan talaga e. Hindi natin mapipigilan ang tadhana. Mahal na mahal kita, at kung pwede lang balikan ang panahon para ma-i-tama ko ang pagkakamali ko ay gagawin ko dahil ayokong makita kang nasasaktan." Sagot ni Nikko na halos hindi makatingin sa mga mata ni Levi. He's also hurt and he's also trying to hold on his tears.
"Yet you choose to leave. Hindi ka nakaantay. Ang pinanghahawakan ko lang talaga ay ang pangako mo, nangako ka na makakaantay ka. Pero ayun na nga, nangyari na. Okay lang naman sa akin sana e kung hindi mo tinupad ang pangako mo, pero bakit si Hera pa. Sa dinamirami ng babae sa mundo, bakit yung bestfriend ko pa? Bakit sya pa? Bakit nya nagawa sa akin ito? Kayo? Bakit nyo nagawa?" May halong galit na sa kanyang pananalita ngunit pinipigilan nyang ipahalata ito. She bite her lips to refrain herself from crying.
"Hindi ko alam, Vi. Sa mga panahong wala ka, sya yung kasama ko palagi. Magkasabay kaming hinahanap ka--" Levi cut off Nikko's response.
"At nung hindi nyo ako mahanap, inahas ka nya? Kayong dalawa nalang? Ganun ba, Nicholai? Myghad, why I am acting this way. Hindi nga pala tayo. Walang tayo." Hindi na nito mapigilan ang sarili, nagbreakdown na ito. Tuloy tuloy sa pag-agos ang mga luha nito.
"No. Hindi. Sorry, Vi. Sorry. She's just opposite to me, to my personality kaya ko sya nagustuhan. Isang araw hinahanap na sya ng sistema ko. Pero pangako pinilit kong pigilan ang nararamdaman ko sa kanya kase alam kong meron ka. Pero Vi, hindi talaga e. I can't pretend na wala syang epekto sa akin. When I told her everything, she feels the same way. We tried to cut ties, but it didn't work. The more we tried to fake it, the more we wanted. So we decided to continue everything. Vi, I'm so sorry for hurting you."
Napahagulgul nalamang si Levi. Alam nitong hindi na nya mababawi ang minsang ligayang kanyang naramdaman. Meron ng ibang nagpapasaya at nagpapangiti sa taong mahal nya.
Nikko just hugged her. They both cried.
"Nikko, ang sakit sakit e. Ang sakit talaga sobra. Ito yung unang pagkakataon na hinayaan ko yung sarili kong maging malaya at mahalin ka subalit nasaktan lang ako." She tighten her hug while she's crying so hard.
"I'm sorry, Vi. I'm so sorry. Minahal kita, masaya ako sa iyo. Sadyang ganito lang talaga ang tadhana nating dalawa. Please don't hate Hera."
Kumalas sa pagkakayakap si Levi at tiningnan nya si Nikko.
"I can't. Hindi ko pa sya kayang makita o makausap man lang. I'm hating her. I hate her. Hindi ko alam kung hanggang kailan pero ayoko talaga syang makita." She wiped her tears and composed herself.
Tumayo ito at hinawakan ang kamay ni Nikko.
"Thank you for everything, Nicholai. Mahal kita, pero pinapalaya ko na ang sarili ko sa pagmamahal ko sa iyo. Makakalimutan din kita, hindi man ngayon pero balang araw. Salamat sa mga masasayang alaala kasama ka, mga ngiti at kwentuhan na ibinahagi mo sa akin. And I guess we can't be friends, kase masakit pa e. But time will heal." Sabi ni Levi with all the courage she has without crying. Bumitaw ito sa pagkakahawak sa kamay ni Nikko at nag-umpisang lumakad papalayo sa lalakeng minsang naging mundo nya. At sa paghakbang niya'y kasabay nito ang pagbuhos ng kanyang mga luha.
Si Nikko naman ay naiwang nakaupo habang nakatulala kaharap ang ilog gilid ng parke. Then he started to cry and feel the pain of regrets.
-End-
YOU ARE READING
She's the Victim of Her Own Crime
Short Story"It wasn't my intention and I didn't planned it either. And in the end, I know I lost everything." - Lena Vivienne