Chapter 1 : Beggining

77 4 1
                                    

"Bebs naman, e. Sabi ko kasi sayo na sasama ako." Naiinis na turan ni Nami.

 Ang bestfriend kong sobrang maaalahanin.

 "Sorry naman bebs, pauwi na ako." Ani ko habang pasulyap-sulyap sa likuran ko. 

 Nandito kasi ako ngayon sa mall. Nagpapalamig lang. Galing akong school. Sasama pa sana si Nami, kaya lang iniwan ko dahil nagdedate sila ng boyfriend nya. Nahihiya naman akong istorbuhin sila kahit pinipilit nya akong sasama sya. Heto nga at mukhang may sumusunod sakin na isang lalaki. Ewan ko kung bakit at hindi ko naman kilala. Kanina ko lang namalayan nung papunta ako ng food court.

"Ano pa nga ba, sige na umuwi ka na. Iopen mo lang ang GPS sa cellphone mo ah. Bilisan mo, kinakabahan ako sa'yo."

 Pasulyap-sulyap pa rin ako sa likuran ko, medyo malayo nang kaunti ang sumusunod sa akin.

 "Sige bebs, Iloveyou na talaga be--" 

 "What the f*cking sh*t?!" Nagulat ako nang may nakabangga ako. 

Kaya nalaglag ang cellphone ko. Magrereklamo na sana ako nang makita ko ang mukha ng lalaki. Ang gwapo kasi, hindi lang siya mag-isa. Pito sila, at mukhang mga badboy tingnan. Pero yung nakabangga ko halata sa itsura na galit sya kanina, pero ngayon ay parang nanlalaki ang mata nyang nakatitig sakin. Parang nakakita ng multo.

 "Sorry p--"

 "H-hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo. What a girl." Masungit na sabi nito ito sinipat ako mula paa hanggang ulo.

 Napatawa naman ang mga kasama nya sa likuran. Tinaasan ko siya ng kilay at nagpameywang.

 "Sorry, hindi kasi kita nakita e."  

  "Kasalanan mo na 'yun." Naiinis na turan nito. 

 Pasimple akong napakagat sa labi ko. Nakakakuha na din kami ng atensyon dito sa mall.

 "S-sorry, kasi naman may sumusunod sakin, e." Nahihiyang paumanhin ko habang nakayuko.

 "Its not my problem anymore. Let's go." Aniya at tumalikod na.

 Sumunod naman ang mga kasama nya sa kanya pwera lang sa lalaking may gray ang buhok. Lumapit sya sakin.

 "Pasensya ka na sa kasama ko ah, laging may redtide 'yun e." Natatawang aniya. 

 Napangiti naman ako."Okay lang."

         Tumango sya bilang paalam at humabol sa mga kasama nya. Mabuti pa yung lalaking 'yun, mabait. 'Di katulad nong isa, masungit. Hmp. Tumingin tingin ako sa paligid dahil baka nandyan pa yung lalaking sumusunod sakin kanina, and im so thankful nang hindi ko na  nakita.

Napabuntong hininga ako at pinulot ang cellphone kong nalaglag kanina. Buti na lang hindi nabasag. Napaisip ako, baka naman nagkataon lang na pareho kami nang pupuntahan. Napailing na lang ako. Hayaan na nga. Lumabas na ako ng mall at pumara ng taxi para pumunta sa bahay ni bebs. 

Nang makarating ako sa bahay nila ay nakita ko siyang nakaabang sa labas ng gate nila.

 "Bebs okay ka lang ba? Naputol yung pag-uusap natin kanina." Nag-aalalang tanong ni Nami at tiningnan kung okay lang ba ako. 

 Ngumiti ako sa kanya at tumango."Okay lang, mukhang hindi naman 'yun sumusunod sakin."

 Napakunot-noo sya."Bakit?"

 "Nung may makabangga kasi ako hindi ko na siya nakita."  

 "Hay nako mabuti naman, umupo ka muna at kukuha ako ng maiinom." Aniya na tinanguan ko lang. 

Dealing With GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon