Chapter 2: We Meet Again

51 4 2
                                    

Keshley's POV

   Napatingin ako kay bebs, nakatingin din pala siya sa labas. Hindi lang siya, lahat sila.

Lumapit ako kay bebs at bumulong. "Bebs, sila yung mga lalaki sa mall."

Lumaki ang mata ni bebs. "Sila?!" Sigaw nya.

Tinakpan ko agad ang bibig nya, pero huli na dahil narinig ng iba naming kaklase.

Lumapit samin si Aishe. "Kilala niyo sila?" Tanong nya.

Umiling ako. "Hindi, nakabangga ko lang sa kanila yung isang lalaki diyan. Bakit? Dito ba sila nag-aaral?" Hindi mapigilang tanong ko.

"Hindi e, pero yung nasa gitna, si Theron. Sila ang may-ari nitong school kaya madalas sila nandito."

Napanganga na lang ako sa sinabi ni Aishe. Grabe ganito pala kayaman ang lalaking masungit na yun. Hmp.

Napasimangot ako.

"Oh bakit?" Natatawang tanong ni Aishe dahil nakita nyang nakasinamangot ako.

"Ang sungit kasi nong Theron na yan."

"Ang gwapo nya nga bebs." Singit ni Nami.

"Masungit talaga yan si Theron, snober din yan. Swerte mo pag napansin ka nyan." Nangingiting wika ni Aishe.

Hindi naman. Baka naman malas dahil magsusungit lang yan.

Nagsitayuan na ang ibang mga kaklase namin kaya napakunot-noo ako. Nakalabas na pala si sir, hindi ko man lang napansin.

Hinatak kami ni Aishe papalabas, sumunod lang kami sa kanya kung saan sya pupunta. Nawala din naman ang mga lalaki na yun.

Papunta pala kaming canteen. Naupo kami sa bakanteng upuan. Si Aishe na ang umorder para saming dalawa ni bebs.

Nakarinig kami ng tilian kaya napatingin kami sa kung saan iyun. Papasok dito sa canteen ang mga lalaking nakabangga ko sa mall. Lumibot ang mata nang lalaking gray ang buhok para siguro humanap ng upuan. Umiwas ako ng tingin dahil baka mapatingin sila sa amin.

Naiba na ang atensyon ko nang nakabalik na si Aishe na may dalang mga pagkain.

Asher's POV

Nang makapasok palang kami sa canteen ay todo tili na naman ang mga babae, ewan ko ba. Napapatanong nga ako sa sarili ko kung ganito ba talaga kami kagwapo para maging ganito ka wild ang mga taong nakapalibot samin?

Naghanap ako nang mauupuan namin nang may mahagip ang mata ko.

Napangiti na lang ako bigla.

"Anong nginingiti-ngiti mo Ash ha? Baliw ka na ba?" natatawang ani ni Lexus.

Lumingon ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. "'Yun yung magandang babaeng nasa mall diba?" Nakangiting tanong ko sa kanila sabay nguso sa upuan ng babaeng nakita namin sa mall.

Biglang nag-angat ng tingin si Theron at tumingin din sa babaeng nginusi ko. Nakita kong napakunot-noo siya.

"Tss." aniya at umupo na sa bakanteng upuan na mah kalapitan sa babaeng nasa mall.

Dealing With GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon