Part One

251 10 2
                                    

-- New story! Naisipan ko lang.

Denisse POV

Nakangiting nagbibike ako papuntang school. Buti nalang at pinatupad na ang pagbibike ng mga studyante dito sa syudad namen. Para tipid sa gastos at may kasama pang ehersisyo sa umaga! Papasok nako sa isang RK school, rich kid school to be exact. Hindi ako mkkapsok dito, dahil hindi nman kami mayaman di rin nman kami mahirap kumbaga average ang pamumuhay namen. Pero kung wala kang pera, dapat may utak ka! Buti nalang dun ako biniyayaan. Bilang lang kmeng scholar dito wala pa sa fifty.

Pagdating ko sa isang higanteng gate ay sinalubong agad ako ni manong guard at binati ko naman siya. "Good morning po manong guard!" Tsaka nagdirediretso papasok ng gate.

"Oh iwan muna kita dito ah! Balikan kita mamaya!" Sabay tapik ng upuan ng bisikleta ko. At nagsimulang maglakad.

"Kyaaah!!!!"

"Omggggg!!" Pigil na tili ng mga babae. Waaaa!!! He's here! Sabay takbo sa mga nagkukumpulang estudyante! Sunggab dito sunggab doon, hanggang makarating sa unahan at makita ang pinakapinapangarap ko sa buhay! At dahil sakanya kaya nagsumikap akong makapasok dito!

Tumambad ang isang napakacool na sasakyan, na kulay itim. At iniluwa nito ang kaunaunahang nagpatibok ng puso ko! Si Darwin! Ang pinakagwapong nilalang sa mundong ito. Kung bibigyan man siya ng kahulugan ito ay ang pagiging perpekto! Lahat na nasa kanya, sobrang kagwapuhan, katalinuhan, kayamanan inangkin na niyang lahat! Pero ni isa walang nagtangkang umamin o nagtapat sa kanya ng nararamdaman maliban nlang kung anak ka ng isang royal family o isa ka sa VVIP. VVIP means very, very important person, sila ang pinaka mayayaman sa school na ito at sa bansa. Only consists of five people kasama na si Darwin.

Ilang segundo lang ang lumipas ay may pumasok na mga magagarang kotse, at sila na nga ang apat pang miyembro ng VVIP. Pinagmamasdan ko sila habang papalapit sila kay Darwin, na papunta sa VVIP lounge at unti unti silang naglaho sa paningin ko.

*Bell rings*

Napabalikwas nalang ako sa aking narinig. Hudyat ito na maguumpisa na ang klase kaya nagmadali akong pumasok sa loob pero natigilan ako na napamangha sa nakita ko sa loob. Grabeeee!!! Ang ganda!!! Mukhang gawa sa mamahaling bato, tiles at glass. Grabe!!! First time ko makakita ng ganito kaya eto nakanganga ako.

"Excuse me student, it's about time you go to your classroom." Napatingin naman ako sa kumausap sakin, isang matandang babae. Mukhang teacher. Napatango nlang ako at humingi ng sorry tska nagsimulang hanapin ang magiging classroom ko.

2nd flr, room 101. Tada!!! Sa wakas nakita ko din! Huminga muna ako ng malalim at tska pinihit ang doorknob. At tumambad sakin ang nakasisilaw na mga studyante. Grabe mga mayayaman tlaga tong mga to. Kahit ata lamok mahihiyang dumikit sa kanila. Napayuko nlng ako, at dumiretso sa bakanteng upuan sa may likod.

Maya maya pa ay dumating ang teacher. At nagsimula na ang klase.

~~~~ END OF PART ONE

Chasing My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon