Part Three

38 4 0
                                    

Denisse POV

Ilang araw akong napaisip dahil sa nangyaring yun sa garden. Ilang araw din akong hindi nakapasok ng matino dahil kahit nasa school ako, eh wla naman utak ko dun. Laging lumilipad sa nangyaring yun sa garden.

Mabilis lumipas ang oras at pauwi nako ng biglang may MGA yumakap sakin.

"Denisssssseeee!!!"

"We misss yooooouuu a loooot!!!"

Tsaka ako hiniwalay sa pagkakayakap. At laking gulat ko ng makita ang mga kaibigan ko! At mas malaking gulat ng nakita nila ko ng buo. At sunod sunod silang nagtatanong.

"Te, san ka nagparetoke ng maiwasan ang clinic na yan?!" Bungad ni Roberta sakin.

"Tsk tsk. Ganyan pala itsura pag naginlove??? Nakooo! Ayoko maranasan!!" Pailing iling na dugtong ni Elvis.

"Akala ko blooming pag inlove?? Anyare sayo??" Sunod naman ni Hanny.

Tinignan ko ng masama si Marie, baka may ihabol pato e.

"Sabi ko nga di nako magrereact." At umaktong zinipper ang kanyang bibig.

"Pero seriously te, ikain nalang natin yang problema mo!" Suggestion ni Roberta.

"Tara! Libre mo!" Sabi ko at hinila siya, sumunod nman sila Hanny.

Papunta kami ngayon sa pinakamalapit na mall sa school. At kumain sa four fingers na treat nga ni bakla! Haha habang kumakain eh kinekwento ko sa kanila yung nasaksihan ko. Pero parang wala lang sa kanila yun, palibhasa hindi pa nila nararamdaman. (T_T)

"Anu kaba! Puppy love lang yang nararamdaman mo saknya. Tignan mo lilipas din yan." Sabi ni Hanny.

"Ang intindihin mo muna ngayon, eh yang pagaaral mo." Sabat naman ni Marie.

"Tama sila Denisse. Pag pinagpatuloy mo yang ginagawa mo, masisira pagaaral mo. Isipin mo din yung future mo at magulang mo." Seryosong sabi ni Elvis sakin.

Natauhan naman ako sa sinabi nila, tama sila pero dko pa din mapipigilan tong nararamdaman ko eh. Yung tipong sa sobrang lakas dimo kayang labanan. (T_T)

"Haynako mga bakla. Na kay Denisse na yun, kung ano ang balak nya. Maging supportive friends nalang tayo para sakanya." Sabay subo ng pagkain ni Roberta.

Napangiti nlang ako sa kanila, tska tumawa. Laking gulat naman nila sa asta ko, pero natawa na din sila.

"Thank you guys ah, at napagaan nyo loob ko. Kaya lang, mahal ko talaga siya eh dko na maalis yun." Saad ko, nakita ko ang pagkadismaya nila. "Pero simula ngayon, hinding hindi na madadamay ang pagaaral ko." Ngiting pahabol ko saknila.

"Aba dapat lang! Sayang effort namen kung dka makikinig." Pangongonsensya ni Hanny.

Masaya naming inubos ang trineat ni Roberta at tsaka gumala hanggang sa tuluyan na kaming napagod at nagsipaguwian.

Abot tenga ang ngiti ko pagkauwi sa bahay, at nakangiti din akong sinalubong nila mama at papa pati nadin si ate.

~~~~ END OF PART THREE

Chasing My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon