Part Four

38 5 0
                                    

Denisse POV

Masaya akong pumasok ng school, balik sa dating ako. Iniwan ang bike sa parking na ilang araw ko din di ginamit dahil nga sa pagkazombie mode ko nun.

"I miss you bike. Sorry sa mga nakaraang araw ah." Sabay tapik sa upuan ng bike. At naglakad na papasok ng school building.

Habang naglalakad napansin ko na papalabas lahat ng studyante sa building kaya naman sinundan ko nlng sila. Nakarating kami sa hall ng school, haneeep sa laki at ganda! Pang international ang dating, manghang mangha ako ng biglang may nagsalita sa mic.

"Attention freshman students, we will start this program for five mins so please take your seat." Umupo agad ako sa libreng gitnang hilera ng upuan, na katulad sa sinehan ang itsura nito.

Makalipas nga ng limang minuto, nagsimula na ang programa. Una, ang pagpapakilala ng Elite International School, like history ng school, achievements ng school at kung anu anu pa. Sumunod ay ang intermission number, mga grupong kumakanta at mga grupong sumasayaw, at ang huli at nangyayari na ngayon ay ang pagpapakilala ng most richest family in the Philippines.

"Let's welcome the son of the fifth most richest in the Philippines, Mr. Asy Izz Frego!!" At lumabas ang isang lalaki, at naglakad papunta sa gitna ng entablado. Naghiyawan ang mga babae lalo na sa tabi ko. Eh gwapo eh, Pinoy ang pagkagwapo. Kung di ko lang mahal si Darwin, malamang isa ako sa titili sakanya.

"Next is the daughter of the fourth most richest in the Philippines, Ms. Liberty Bennett!!" At lumabas ang isang babae, at naglakad din papunta sa gitna ng entablado. Naghiyawan naman ngayon ang mga lalaki! Haha! Maganda siya, mukhang fil-am.

"And the next is the ever most beautiful and the daughter of the third most richest in the Philippines, Ms. Chloe Jace Fontanilla!!" Tsaka lumabas ang babaeng.... Nakita ko na siya ah!! Siya yung babaeng kasama ni Darwin sa garden! Naghiyawan sa sigaw mapalalaki man o babae ng nasa gitna na ng entablado yung babae. Kumaway kaway pa siya habang nakangiti. Sobrang ganda niya. Walang di mahuhumaling sa kanya, kaya siguro siya nagustuhan ni Darwin. May kirot akong naramdaman ng maisip ko ang bagay nayun. Umiling iling nlng ako at tinapik tapik ang pisngi ko, tska bumalik ulit ang paningin sa entablado.

"Woah crowd! Enough now, we're on the last two so girls be ready." Babalang sabi ng lalaking host.

"And next is the son of the second most richest in the Philippines, Mr. Cinco L Escuela!!!" At naghiyawan nanaman ang mga tao dito, di pa lumalabas yung lalaki ah naghiyawan na panu pa kaya pag lumabas na! At ayun na doble sa sigaw kanina ng lumabas na ang lalaki, pansin ko na hindi siya nakangiti. Pero di pa din natibag ang sigawan. Sobrang gwapo, oo kung ikukumpara siya mga normal na gwapo. Kaya lang mas gwapo padin si Darwin.

"And last but not the least, the most handsome, hot, heartthrob, cool guy. The son of the first and most richest not only here in the Philippines but the entire world none other than Mr. Darwin Syd Santibañes!!!" And Darwin came out, and the crowd went wild. Nakisigaw din ako, sympre si Darwin yane! Rinig na ata kame sa buong campus nato! Ganto pala katindi ang presensya ni Darwin.

Ilang minuto din ang walang humpay na sigawan, ng magsalita si Darwin. Tumigil ang hiyawan at nakinig sa kanya, sinabi niya ang tungkol sa mga future project na gagawin nila sa school nato at kung anu ano pa. Inaamin ko hindi ako nakikinig saknya, dahil wala akong ibang marinig kundi ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

~~~~ END OF PART FOUR

Chasing My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon