Nakita ko si Czar sa di kalayuan, naglalakad.
Handa na akong ipagtapat ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Matagal tagal ko na rin itong tinatago at alam kong ano mang oras maari na akong sumabog.
Habang pinapanood ko siyang maglakad papunta sa paborito naming tambayan, nagtatalo ang puso’t isip ko kung dapat nga bang sabihin ko sa kanya yung nararamdaman ko.
Rejection. Isa yan sa mga bagay na kinatatakutan ko. Siguro dahil na rin sa mga past experiences ko. Hindi ko na iisa isahin pa. Masyadong marami.
“Czar. ” bati ko sa kanya pagdating ko sa tambayan.
“Oh Alden, magkasunod lang pala tayong pumunta dito.”
“Ah, oo katatapos ko lang kasi magresearch sa library para doon sa project natin.”
Reasons. Akala ko ba magtatapat na ako sa kanya? Bakit kung anu-ano yung mga nasasabi ko?
“Nga pala Alden, may ikwekwento ako sa’yo.”
Bakit parang sobrang saya niya nung sinabi niyang may ikwekwento siya?
“Ano bay un Czar? Tungkol saan?”
Mukhang hindi ko nanaman magagawa ang binabalak ko. Natotorpe nanaman ako.
“Ah.. Kilala mo si Evan right? Yung captain ball ng basketball varsity natin?”
Yung lalaking walang hiya hiya na sinasabi sa lahat na kanya ka? PSH.
Makapang angkin yung lalaking yun. Ang dami naman nagkakagusto sa kanya bakit si Czar pa yung napili niya.
“Sino bang di makakakilala sa taong yun?”
“Sa totoo lang Den, nagsabi na siya sa akin kanina na manliligaw daw siya sa akin.”
Yung aura ng mukha niya, sobrang aliwalas. Masayang Masaya nga siya.
“Pumayag ka?”
“Oo naman. Tagal ko na rin crush yun eh diba?”
</3
Pumayag siya magpaligaw ibig sabihin may plano siyang sagutin yun.
Heto na nga eh. Di pa man ako nakakapagtapat, alam kong talo na ako.
“Ah sige Czar, may gagawin pa pala ako. Kailangan ko na umuwi.”
Nagdahilan na lang ako, di ko na kaya making pa sa mga sasabihin niya. Masyadong masakit yun eh.
Yung gusto mong tao, nagkwekwento tungkol sa gusto niya. Gustong gusto mo nang sabihing “Tama na yung tungkol sa kanya, pwede? Ako naman yung pansinin mo. Gusto rin naman kita eh.” Pero hindi ko magawa dahil duwag ako.
Maybe it’s true that hearts get broken by words unspoken.
Siguro nga dapat akong lumaban pero paano ako lalaban kung alam ko naman na talo na ako.
Hanggang dito nalang ako.
Hanggang pagiging BESTFRIEND na lang ako sa buhay ni Czar.
BINABASA MO ANG
Tropang One Shots
General FictionMadalas one shots lang sinusulat ko kasi gusto ko all in one. Sana maenjoy niyo kung babasahin niyo :))