Eight

324 18 1
                                    

***Kalen's POV***

Nakapikit kong kinapa ang pwesto ni Markus pero bakante iyon. Hindi ko mawari pero nakaramdam ako ng kahungkagan sa puso ko. Nang tumihaya ako ay tumama ang braso ko sa malambot na bagay.

Napapangiti kong niyakap ang higanteng stuffed toy at inamoy iyon.

"Hmm. Ang bango mo naman, Mr. Kalvie. Nagpaalam ba sayo si Markus?"

Muli akong pumikit at balak ko sanang bumalik sa pagkakatulog nang bigla akong may maalala.

"Oh God."

Papadilim na sa labas at may mangilan-ngilang establisyimento na ang bukas ang ilaw.

Dali-dali akong naligo at gumayak.

May dinner date kami ni Drew ngayon.

Mabilis pa sa alas-kwatrong nakaligo ako at nakapagbihis. Tumingin ako sa orasan na nakapatong sa side table at nakahinga ako nang maluwag dahil hindi pa naman ako late.

Kinuha ko ang phone ko at nag-check ng messages.

May isang missed call si Drew at isang message. Agad ko iyong binuksan at binasa.

Nanlumo ako nang mabasa ko ang mensahe ni Drew. Hindi raw siya makakarating dahil meron siyang aasikasuhin. Kung ano man iyon ay hindi na niya sinabi.

Nagreply na lang ako ng simpleng "okay."

Nagmadali pa naman akong gumayak.

Sabagay, at least, sinabi niya kaagad na hindi siya makakapunta. Hindi ko na kailangang maghintay sa wala.

Nang ipatong ko ang phone sa table ay napansin kong may nakaipit na note sa ilalim ng lamp shade. Kinuha ko iyon at binasa.

'Kal, di na kita ginising kasi mukhang sarap na sarap ka sa pagtulog. Tumutulo pa nga yung laway mo eh. :P May niluto akong lasagna, initin mo na lang. See u later :*
-Markus'

Nang mabasa ko ang salitang 'lasagna' ay kumalam ang sikmura ko. Hindi pa pala ako kumakain. Nagbihis muna ako ng pantulog dahil madilim na rin naman bago ko tinungo ang kusina.

Binuksan ko ang ref at kinuha ang container ng pagkain saka iyon inilagay sa oven.

Naupo ako sa stool saka nangalumbaba sa counter. Iniisip ko si Drew. Ano naman ang aasikasuhin niya sa ganitong oras?

Overtime? Maybe.

Masyado siyang dedicated sa trabaho kaya malamang na nag-overtime siya.

Pero nangako siya na magdi-dinner kami. Sabagay, kadi-dinner lang namin kahapon. Saka marami pa naman kaming ibang pagkakataon para lumabas.

Nang tumunog ang oven ay tumayo ako at inialabas ang pagkain.

Bumalik ako sa counter at nagsimulang kumain.

Napangiti ako nang malasahan iyon. Nanghihinayang pa rin ako na hindi natuloy ang dinner namin ni Drew, pero kung natuloy kami ay tiyak na ibang pagkain ang kinakain ko ngayon. Masaya sa pakiramdam na ang niluto ni Markus ang nilalantakan ko ngayon.

Napaka-thoughtful talaga niya.

Bumaba ako sa stool at pumasok sa kwarto para kuhanin ang phone ko.

Bumalik ako sa pwesto ko at tinawagan si Markus. Agad naman siyang sumagot.

"What's up?"

Kumaway ako nang makita ko si Claire na kumakaway sa likod ni Markus.

"Salamat sa lasagna."

An Open Letter to My Ex ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon