Eleven

370 20 1
                                    

***Markus' POV***

"You're friendzoned."

"I'm what?" Tanong ko kay Ate Chelsea.

"Friendzoned. Hindi mo ba alam yon?"

Nakarinig ako ng sigawan ng maliliit na boses sa background.

"Kids, stop fighting!" Sigaw niya pero tuloy pa rin ang ingay. "Wait, Vie." Nawala si Ate sa screen. "Kyle, Kiel, I told you to never raise...." Papahina ang boses na simula ni Ate, indikasyon na papalayo siya sa desktop.

Malamang ay nag-aaway na naman ang mga makukulit kong pamangkin.

Hindi naman nagtagal ay bumalik na ulit si Ate sa harap ng computer kasama ang isa sa kambal na ngayon ay hindi maipinta ang mukha.

"Ugh. Kids." Inayos ni Ate ang pagkakakandong niya sa apat na taong gulang na si Kiel. "Say hi to Tito, baby."

Umiling si Kiel habang cute na cute na nakasimangot.

"What's wrong, baby?" Tanong ko saka ako naupo sa kama.

"Kywe awways watches catoons but I want to pway with him." Tumingala siya sa mommy niya sa maluha luhang mga mata. "I hate that TV mommy, it's taking away Kywe fom me."

He's very cute. Hindi pa niya kayang sabihin ang letrang 'R' habang ang bigkas naman niya sa 'L' ay 'W'. But I find it adorable. He reminds me of my young Kalen.

Itinirik ni Ate ang mata. Malamang kay mommy niya iyon nakuha.

"Honey, you just finished playing a while ago, right? You can play again later."

"But..."

"Hey, Kiel baby." Kuha ko sa atensyon ni Kiel. "You remember Tito Kalen?"

Ikiniling niya ang ulo saka lumabi na parang nag-iisip.

"Yes, yes. Tito Kawen. Whee is he? Can I see him?" Namimilog ang mga matang tanong niya.

"He's not here, Kiel. But he loves to play. Maybe when you visit here you can play with him."

"Eawwy?" Nakangiti siyang tumingala kay Ate Chelsea. "I wanna go thewe, Mommy. Me and Kywe wanna pway with Tito Kawen."

"Okay, honey. I promise we'll visit them. How about you go to your brother and say that you're sorry for yelling at him, yes?"

"Ahm.." Napangiti ako nang yumuko si Kiel at pinagbangga ang dalawang hintuturo. "Okay." Lumundag siya mula sa kandungan ni Ate Chelsea at tumatakbong nawala sa screen.

"Careful honey." Pahabol Ate Chelsea saka tumingin sa camera habang iiling iling. "It's like living in the past with Kiel and Kyle always fighting over simple things."

"What do you mean?"

"Parang hindi ako lumaki 'cause I see you and Kuya Tim in them kapag nag-aaway sila. Yun nga lang ang pinag aawayan niyo ni Kuya ay si Kalen and I had to watch the both of you all day." Muli niyang itinirik ang mga mata pero nakangiti.

"Oh. Look." Tinanggal niya ang camera na naka-attach sa monitor saka iyon i-f-in-ocus sa enteetainment room kung nasaan ang kambal. Bukas ang pinto niyon at makikita ang kambal na nagyayakapan. "They're very cute, aren't they?"

"Yeah. Adorably cute."

Napangiti ako sa nakikita kong pagmamahalan ng magkapatid. They really remind me of Kalen's sweetness. Bigla ko tuloy na-miss si Kalen.

"So, saan na ba tayo?" Tanong ni Ate habang inaayos ang camera.

"Friendzoned thing."

"Oh yeah. Friendzoned. In case you didn't know, you're friendzoned."

An Open Letter to My Ex ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon