"Ang ganda niya grabe, if only I was her!"
Paulit ulit kong naririnig, Hayst. Paupo siya at di ko inakalang tatabi siya sakin.
"Get 1/4 sheet of paper"
Inilabas ko yung 1/4 paper ko, swerte ko rin kasi walang nanghihingi sakin.
"Uhm, can I have one?" ay, mali pala ako, si Andrea nanghihingi sakin, bigyan ko na nga, keysa pa sa dumugo ilong ng katabi ko dito.
"Thanks. What's your name?" marunong ba siya magtagalog?
"G-Gwyneth, bakit?"
"What's bakit?" tatawa ba ko o maiinis? sa pagpronounce niya ng bakit /bahkeyt/ , halata namang transfer siya dito galing sa ibang bansa. Di ko na inexplain sakaniya lahat lahat, saved by our adviser nagsimula na kami.
"Write your full name, age, birthday, number, and your parent's name or guardian's name, then ilipat sa 1/8 index card, bukas ipasa."
"G-Gwyneth? What did she mean by 'ilipat'?" c'mon! Siguro bawat salita ng mga tao dito ng tagalog parati niyang tatanong sakin kung ano, sana nagaral muna siya ng tagalog bago siya pumasok hayst.
"Uhm, I don't know." pagsisinungaling ko ng siya'y tinarayan niya nalang ako.
"Ai, free ka mamaya?"
"Oo, bakit?"
"Kain tayo."
"Kain lang, walang tayo." Felix gave me a horrible look, haha totoo naman eh wala namang kami.
"Seryoso kasi, kain tayo. Sagot ko."
"Oo na!"
...
After class...
"Ai, halika na." dideretso na kami para sa tanghalian namin, habang naglalakad kami ay nakakita ako ng maputik na daanan kung saan kailangan naming tumalon.
"Felix, kargahin mo nalang kaya ako."
"Ano ka? Bata? Bigat mo kaya!" so ayan, di siya pumayag so tatalon nga ako, it's whether na matumba ako or makatsamba ako.
"Ikaw na muna tumalon." pagpipilit ko sakaniya, nakatalon siya ng maayos ni kahit isa walang putik sa kanyang binti hanggang paa.
"Ikaw naman Ai, kaya mo yan. Pagtapos ako na maglilinis ng putik mo." sabay tinawanan niya ko, sama eh -.-
"3...2...1..." sabay talon. Di ko inaaasahang may bato sa aking harap na iyon ang dahilan kung bakit ako'y nahulog sa putik.
"Ai!" pagkasigaw sakin ni Felix, halos lahat ng tao ay pinagtatawanan ako, pati yung mga ibang estudyante na padaan din sa way namin. Nilapitan ako ni Felix at tinulungang makabangon.
"Ok ka lang Ai?" di ako mapakapaniwalang nagalala sakin si Felix, akala ko pagtatawanan niya ko. Kitang kita ko sa mukha niya na naiinis siya sa mga taong pinagtatawanan ako. Pinagtititigan kami ng mga tao na halos mamatay sila sa inggit dahil tinutulungan ako ni Felix.
"Dapat pala kinarga nalang kita at ako nalang yung naputikan."
"Hayaan mo na, tumuloy ka lang sa paglalakad, keysa naman sa titigan ako ng mga tao dito." sabi ko pagtapos mapahiya sa maraming tao.
Nakarating na kami sa kainang masasarap ang mga pagkain, nagorder na si Felix ng makakain naming dalawa at heto ako na parang baboy na naglaro sa putik.
![](https://img.wattpad.com/cover/159239491-288-k274827.jpg)
BINABASA MO ANG
She's The One (Kathniel)
Fanfiction[RECENTLY PUBLISHED] I'm her sunshine, and we will never be apart. But can one promise still be the same? Or can one thing make a difference of us? ©2018