dear writers

156 43 57
                                    

this is for every writers out there.

nahalungkat ko lang so publish ko para may memasabi HAHAHAHAHA

anyways. kung babasahin mo man.

take time to read this.

enjoy!

i write in informal writing so beware.

---

dear writers # 1

hindi ko alam kung paano sisimulan 'to.

hindi ko alam kung ano maitutulong nito sainyo pero kung wala man, sana maging open kayo sa mababasa niyo rito.

unang una, wala kayong karapatan na husgahan ako kapag natapos niyo ito.

pangalawa, marami ang kamaliang makikita niyo rito kaya sinasabi ko na huwag niyo kong husgahan.

at ang pangatlo, sana malaman mo ang bawat pinanghuhugutan ko sa bawat salitang mabibitawan ko.

hindi ko isusulat ito para tularan niyo,

hindi ko isinulat ito para awayin niyo

dahil sinulat ko ito para sainyo.

at iyon ang unang una na kailangan mong malaman.

ikaw ba, bilang isang manunulat. bakit ka ba lumilikha ng kwento?

Trip mo lang.
Katuwaan.
Dare.
Gusto mo lang.
Passion.
Makawala sa reyalida.
Maging masaya.
Inspired.
Maexpress ang nararamdaman mo.
At kung ano ang nasa isip mo ngayon.

ang isinusulat mo ay nag bibigay kulay sa katauhan mo.

kung puro masasaya ang nasa kwento mo, ibig sabihin non ay masiyahin ka o kung may dinaramdam kang kalungkutan, sa character mo lang binibigay ang buhay na gusto mo na mangyari sa buhay mo ngayon.

sa pag gawa ng isang kwento ay maaring fictional at non-fictional.

hindi puso mo ang gumagawa sa kwento kundi ang utak mo. Kasi ang utak mo ang nag didikta kung ano ang mithiing hinahangad mo.

kaya ka ba nag sulat dahil sa kasikatan?

kung nakikita mo siguro ako ngayon ay aakalain mo napaka seryoso kong tao pero alam mo ba habang nagsusulat ako ay nakangiti akong nagta-type sa cellphone ko?

Yung napapangisi ako at napapailing habang nag susulat.

Writers.

Ang pagkatandaan niyo ay may iba't ibang klase ang pag susulat ang isang tao. Hindi purket na parehas ang flow ng story sa isa pang kwento ay ninakaw niya na.

Minsan kasi masyado pang sarado ang isip ng isang manunulat na gustong sumikat agad kaya nagagawa kumuha ng gawa ng iba. Pero minsan sa sobrang baguhan ng isang manunulat ay hindi nila nakikita ang posibilidad na may kaparehas na ng story ang isinusulat nila.

gets?

Kaya nga tinatawag na malikhain ang mga manunulat dahil hindi naman matatawag na isang manunulat ang isang tao kung wala siyang malawak na imahinasyon.

Nakukuha niyo ba ako? Syempre hindi HAHAHAHA.

Ang isang manunulat ay iniisip muna ang kahihinatnan ng isang storya. Iniisip nila kung ano ang gusto nilang mangyari sa istorya. Kailangan kasi unique. Ang kailangan kasi walang kaparehas para maiwasan ang pambabato ng masasamang salita.

ang kailangan kasi maganda para maraming tumangkilik.

Natatakot ka ba?

Kung gusto mo talagang sumulat ay maging matatag ka. Kung palagi mong ipapacritique ang istorya mo at puro ang iba nalang ang nakakakita ng kamaliang nagagawa mo. Paano ka naman?

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon