One shot.-- Last Dance
“Mas mahal kita hon.”
Tinakpan ko muna ang Cp ko at tsaka Tumili nang tumili...
“Mas mahal nga kita..” sabi ko sakanya pagkatapos tumili.
“Mas mahal na mahal na mahal na mahal kita Miss.Tania Venzora soon too be Tania Tyler !!!! ”
inilayo ko ang Cp dahil sa sigaw niya...ang kulit talaga nang Boyfriend ko.
“Sege na nga mas mahal mo na ako.basta seguraduhin mong makakapunta ka mamaya kung hindi
patay ka sakin.”Tumawa lang siya sa sinabi ko.
“Oo namn hon. Hindi nga ako nawala sa B-day mo. Debute mo pa kaya...”
Sabi niya.“Seguraduhin mo lang dahil ikaw yung Last Dance ko ...”sabi ko.
“ Oh hon. I love you na. baka mag hahanda ka para mamaya..”aniya.
“ Sege hon I love you too.”sagot ko.
“Mahal na mahal kita Tania Venzora tandaan mo yan... ”
Tumawa ako. Hindi ko Alam pero kanina pa niya yan sinasabi o dahil lang sa ka- sweetan niya hahahah.
“Mahal na mahal rin kita Vein Tyler.”
sabi ko at tsaka binaba ang cellphone.
Pumasok na ang make-up artist at inasekaso na ako. 10 minutes nalng at magsisimula na. Debute ko ngayon at excited na ako lalong lalo na sa Last Dance ko. Nag bihis na ako nang pinaka magandang gown na nabili ni Momhy. Pagtapos ay tinignan ko ang sarili sa salamin. Hindi ako maka paniwala na 18 na ako. Ang sarap sa feeling !!!!!!“Magsisimula na po Ma'am.”
agad akong lumapit sa pinto nang kwarto ko. Sa labas nito ay ang mahabang hagdan kung saan ako dadaan.
Narinig kong marami pang salita ang MC kaya nung tinawag ang pangalan ko nag simula na rin akong kabahan.
Bumukas ang pinto at lumabas ako sumalubong ang mataas na hagdan pa baba. Naglakad ako dahan dahan pa baba dahil baka matapilok ako.
Nilibot ko ang Mata ko sa lahat nang taong mahalaga sakin...kumpleto sila at nakangiti. Nilibot ko pa ang mata ko nag babaka-sakaling makita ko ang taong nilalaman nang puso ko pero hindi ko siya makita.
Pagka baba ko ay sinalubong agad ako nang halik ay yakap nina Momhy at Dodhy.. Kausap dito kausap doon pero tila hindi ako mapakali nang hindi ko nakita ang boyfriend ko. Kaya hiniram ko muna ang cellphone ni Dodhy at tinawagan ko si Honney.
“Hon. Nasaan ka na.? ” sabi ko gamit ang nag napipikon na boses..
“ Hon. Kalma ka lang..malapit na ako. Trafic kasi tapos meron pa akong binili para sayo. Pero malapit na talaga ako malapit na malapit na talaga.” Aniya.
Napangiti ako sa sinabi niya...kaya mahal na mahal ko talaga siya dahil sa ugali niyang ganyan ehh.
“ Sge na Hon. Ingat ka ha..dapat nandito kana pagkatapos kong isayaw lahat. ” sabi ko.
“I love you hon. Mahal na mahal kita.”
Napaluha ako sa sinagot niya. Ganito siya lagi...lahat ng ugali nang lalaki na gusto ko nasa kanya na...pinunasan ko ang luha ko bago sumagot.
“I love you too hon. Mahal na mahal rin kita...” sagot ko.
Binaba ko na ang Cellphone at sinauli kay Dodhy..B-day ko pero wala akong Load nakakatawa talaga.share ko lang.
BINABASA MO ANG
Short Stories Collection
Historia Corta#ShortStoriesCollection..143 Dumaan ang milyong milyong araw... nakaisip ang baliw na author na gumawa nang one shot story kaya ito... nabuo ang storyang ito dahil sa baliw kong utak.. kahit baliw ang inyong Author.. naka isip parin na gumawa nang i...