19

13.9K 464 24
                                    

Pasado alas kwatro na ng magising ako. Mainit pa rin sa labas kaya itong katabi ko ay tulog na tulog pa rin. Bumangon ako para maghanap ng damit. Tinakpan ko ng kumot ang pang-upo ni Genesis na naka-display sa kama. Aba ang swerte naman kung may makakitang iba di ba? Ok lang kapag ako ang audience That's not new to me anymore, dahil talagang natutulog siya nakahubad. O di kaya pagkatapos makipag-jogjogan ay hindi na yan magbibihis pa.

Lumabas ako para malinis ko ang guest room dahil dito ako matutulog mamaya dahil amoy yosi ang silid namin at kapag natatagalan akong makalanghap dun ay aataki ang mga bungang araw sa katawan ko. Bakit ba kasi ang hilig niyang mag-yosi. Wala naman ako sa lugar para pagbawalan siya. That's his way of releasing his stress.

"Tres, gising na ba si Genesis?" Bigla na lang sumulpot si Jenniefer sa Guest room na pinaglilinisan ko.

"Hindi pa."

"Can I wake him up?"

"Hindi."

"Whatever." Bigla na lang itong tumakbo palabas ng room at pumasok talaga sa mismong silid kung saan natutulog si Genesis. Bruhilda.

Akma ko siyang susundan ng tumawag si Benjie sa baba. Nagngingitngit talaga ang kalooban ko.

"Tres, pasensya na pero maistorbo muna kita. Tumawag ang mama mo--"

"Ano pa sabihin mo na kaagad dahil nagmamadali ako."

"Oh yeah come, gustong makipag-usap sayo ang Engineer. Nasa labas siya." Hila nito sa akin.

"Okey."

Mabigat man ang mga paa ko na bumaba ay pinilit ko pa ring lumakad. Nilingon ko ulit ang pintuan na nakasara. Ano namang gagawin ni Jennifer kay Genesis. Mabuti na lang pala at kinumutan ko si Genesis bago ako lumabas.

Nang makababa na kami ay hinintay ko lang sila dito sa labas. Makikita ko naman ang pintuan sa itaas kaya malalaman ko rin kung anong oras lalabas si Jennifer.

5 minutes later...

Tela nakipagkwentuhan pa yata si Engineer sa akin, wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Hindi ko muna pinansin ang alindog nitong may maipagmamayabang rin dahil nakatuon ang utak ko sa pintuan at masyadong mahaba na ang limang minuto. Kating-kati na ang mga paa ko para umakyat.

Sari-saring imaginations ang pumasok sa isip ko. Sa limang minutong tumatakbo ay masyadong marami na ang nangyayari.

Eksaktong sampong minuto ay bumukas ang pintuan. Ngiting-ngiti si Jennifer at kasunod si Genesis na masaya din ang mukha. Magulo ang buhok ni Jennifer at todo-todo ang selos ko ngayon. Nakabihis na si Genesis at yun ang kinaiinisan ko dahil bakit wala man lang sa binata na magbihis sa harap ng ibang babae. At ngiting tagumpay pa sila kung lalabas?

Imposible naman yatang nagkwentuhan lang ang isang hubad na lalaki at isang kita ang cleavage na babae? Galit ako ngayon dahil naninibugho ako.

Nagtama ang paningin namin ni Genesis at dali kong binawi yun at kunwaring ngiting-ngiti kay Engineer.

"Would you mind if you show me your plan for the function room?" Sabi ko kay Engineer Tabalba.

"My pleasure. This way maam." Pumunta kami sa mga panday na kasalukuyang nagtatrabaho. Hindi ko na sila nilingon pang muli dahil napupunit ang puso ko. Ayokong nagpapakitang nasasaktan din ako dahil baka pagtatawanan lang nila ako.

Hindi na rin ako nagreklamo ng si Engineer na ang naglagay ng safety cap sa ulo ko.
"Pasensya na po talaga maam ha. Anyway malapit ng matapos to."

"Ok lang ano ka ba. Anyway ilang taon ka na ba Engineer." Tanong ko sa kanya habang inayos nito ang nasa ulo ko. Halos magkalapit lang ang mukha namin dahil yumuko pa siya para makita kong maayos ba ang pagkakasuot nito.

"I'm twenty eight. Okey look here. This is my plan." Ipinakita sa akin ang blueprint nito.

"Really? Maganda. Simple lang. Hindi naman kalakihan ang resort." Sagot ko habang nakatingin sa blueprint.

"I really hope you will appreciate my plans, maam. Anyway kahit mag-open na ang resort ay pwede namang isara dun banda para makaiwas s"

"I would really appreciate if you don't do this again, engineer." Biglang dumating si Genesis sa area namin. Oh gracious body, ayoko sanang maging bias pero talagang umaawra si Genesis kapag topless. Pero galit ako sa kanya, naiinis ako sa kanila ni Jennifer. Dahil sa loob ng sampung minuto ay marami na ang nangyayari at ano naman ang gagawin ng isang lalaki at babae sa loob ng silid? Panigurado naman akong mag-ex sila.

Lumakad ito palapit sa amin na hindi maipinta ang mukha. He is angry as I can say as he walks like a king towards

"Sir." Sabi ni Engineer habang nakatingin kay Genesis.

"You're bringing a disgrace to my wife, Tabalba. Baka gusto mong ipasara ko yang pinagtrabahoan mo ngayon."

"Wait Genesis. It is not what you think. Nag-uusap lang kami tungkol sa mga plano para dito kaya wag kang exagerated diyan."

"Pwede naman kayong mag-usap sa loob. Bakit dito pa sa loob?" Galit ang anyo nito at galit din ako sa sinasabi niya.

"Talaga? Hindi tayo magkapareho. Hindi ako nakikipag-usap sa loob na kami-kami lang." Umangat ang kilay nito at halatang walang clue. Yun ang kinaiinisan ko. "Tara Engineer, mag-usap tayo sa private office ko. Very impolite naman kapag dito mag-uusap." Tinanggal ko ang safety cap ko at hinila si Engineer.

"Stop there Trisha!" Sigaw nito pero hindi ko siya pinansin. Hila-hila ko si Engineer papunta talaga sa private office ko. Yun naman ang gusto ni Genesis di ba? Wala akong pakialam kung magagalit siya dahil nagagalit din ako.

Booogsh

Nanlaki ang mga mata ko dahil paglingon ko ay nakabulagta sa sahig si Engr at nagsilabasan ang mga ugat sa kamao at braso ni Gene. Actually, tumakas sa akin ang tapang ko Knowing Genesis kapag sinuway ko yan. Everyone gasped at walang pakialam ang lalaking to Anyway hindi naman siya plastic.

"I already told you to stop or else anyone will suffer." Galit ang mga mata nito at iniwan ako.

Nang makita ko ulit si Jennifer ay sinundan ko si Genesis sa taas. Hindi pwede ang ganito palagi, na tinatakot ako kapag sinuway ko siya.

Sa galit ko pa talaga ay ibinato ko ang isang tsinelas ko at sapol ang ulo nito. Nang makalapit na ako sa kanya ay isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kanya.

"Mag-usap tayo kung ayaw mong magwala ako katulad mong gago ka." Mahinang sabi ko sa kanya.

Paglingon ko ay nakatingin lang sa amin ang mga tao. Tela nasa drama kami at may audience pa. Nahihiya ako para sa kanya dahil normal lang sa kanya na wala siyang hiya.

"Mag sorry ka kay Engr. Tabalba."

"No way"

Naramdaman kong umusok ang ilong ko sa sagot niya. Bakit ba ang tigas ng ulo niya sa taas. Pambihira.

_____________________________

Revenge (For Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon