28

13.1K 435 11
                                    

A/N: Hai sa mga readers ko.At sa pinakaunang nag-request na e-greet daw siya, hi miss Rachel @ miss19000 sana talaga hindi ka mapapagod magbasa at maghintay sa updates. Nakakainspire naman kayo.

Nakakatuwa naman kasing magbasa ng mga comments. Lalo na yung may magagalit at malulungkot sa eksena. May mainlove ulit, may umasa, may nag-imagine na sila ang bida at ang sobrang gwapo ng bida. Naku relate na relate tayo dyan. Comments pa more

Shout out ko muna pangalan ni Neth Jvier @ Nikiel22. At kay ahnjhellaleigh na humingi ng permiso na gawan daw niya ng Book Cover ang stories natin as a token of appreciation. Naku. Excited na ako at may nakaisip palang gumawa nun. Salamat ulit guys. Muwah muwah muwah. 😘😘😘😘😘😘😘😘👏👏👏👏👏👏👏💋💋💋💋💋💋💋💋💞💞💞💞💞

______________________________

3 months after

Kakauwi pa lang namin ni Gene from New Zealand dahil sa aming travel around the world for our honeymoon. From Russia to Beijing China to Seoul Korea to Japan, down to Singapore to Macau again, to Europe Country, to Dubai, to London. Grabe, I really grab the chance to meet the Royal family, sobra nga palang hirap pasukin yun at maraming bawal at dahil hindi basta-basta pala ang asawa ko sa lugar na yun ay wala ng problema pa. May fress access naman siya. Sobra nga palang laki ng palasyong yun 'kaya nga palace di ba Tres wag kang ignoy dyan' and we also met sa bida ng Mr. Bean, normal na tao pala siya akala ko talaga para siyang may sayad dahil sa cartoon movie na yun, then last is New Zealand. We visit his Branches on those different countries. Lahat nakatarget daw  para sa Black City na ipapatayo. And so much for that, my body is really tired. Parehong bagsak ang mga katawan namin sa layo ng biyahe sa ere. Kaya wala kaming ginagawa pagdating sa bahay namin dahil natutulog  lang talaga kami ng todo-todo. E di lalo na ang asawa ko dahil may trabaho pa yan. Maging mga kasambahay namin ay walang nagkusang gisingin kami para kumain ng agahan at tanghalian.

Kinabukasan...

Andito kami sa bagong bili na mansyon. So big just for the two of us mabuti na nga lang at may mga kasambahay at body guards kaming kasama. Gusto ko mahabang pahinga dahil sobrang dense ng katawan ko.

"Wife,."  Tawag sa akin ni Genesis. Handa na ito, napangiti ako habang tinignan io siya. Lagi na lang akong kinikilig sa taong to.
Halos araw-araw ay naririnig ko kay Genesis na 'I want to give you the world'. Siya lang ay sapat na sa akin, pero as long as magkasama kaming dalawa ay sapat na rin sa akin kahit saang lupalup kami magpunta ay ok lang basta kasama ko ang asawa ko.

Makalipas ang ilang oras ay nahihilo pa rin ako, maybe dahil sa jetlag. Ayaw sana akong iwan ni Genesis pero I insist him to work. Ayokong napapabayaan nito ang negosyo dahil masyadong mataas na ang tatlong buwan para lang sa honeymoon namin.

"Are you sure, you want me to go?" Tanong nito. Hindi ko na nga siya naipaghanda dahil talagang nahihilo ako kapag bumangon ako.

"Yeah. Itutulog ko lang to. Don't worry. I'll call you when I wake up o baka bibisita dito si ate Marie."

"Ok. I'll call you later. Anyway, Hubert is always downstairs. I love you wife." As if naman si Hubert lang ang andito sa bahay, marami naman kasing mga men in black na nakapalibot sa bahay.

"I love you too husband." Hindi na ako bumangon para makipagtukaan sa kanya dahil ito na mismo ang lumapit sa akin para lang e-kiss ako. "Take care."

Pagkaalis ni Genesis ay napagpasyahan kong matulog na lang ako ulit at nilakasan ko pa ang aircon. Miss ko lang ang lamig sa ibang bansa. Halos lahat ng napuntahan naming bansa ay nag-snow kaya nakakawili yun. Tapos kong itext sina ate na pupuntahin ko sila dito ay humiga ako ulit. Ayoko rin namang lumabas dahil tinatamad ako.

Miss ko na rin ang resort, di bali bibisita naman ako dun kung busy ang asawa ko. I entrust our resort to Jake. Maaasahang tao si Jake, takot lang nito kay Genesis.

Ilang oras ang nakalipas  din na natutulog ako ay saka na ako nagising ulit at bumangon pagdating nila Ate Marie at si Ate Grace dala siyempre ang mga pamangkin ko. Binulabog ba naman ang katawang lupa ko dito sa silid.

"Bakit ang tamlay mo? May sinat ka ba?" Tanong ni Ate Marie. Ang ganda nitong tingnan habang nagpapadede sa kakasilang na baby boy na si Gael. Si Grace din ay hinayaan na nitong maglaro si Abby at si Mia.

"Wala. Ok lang ako. Mabuti nga at dumating talaga kayo dahil nagugutom na ako." Sabi ko at tumayo na para sabay na kaming kakain sa hapag. Tinawag na rin nila ang mga pamangkin ko.

"Wag ka ngang nagpapalipas ng gutom. Maraming nabaliw sa mga nalipasan ng gutom." Payo ni Ate Marie.

"Bunso sobrang laki naman ng mansion niyo. Anong gagawin niyo dito? Sigurado akong magtagu-tagoan kayo ay hindi kayo magkikitaan ni Genesis." Hagikhik ni Ate Grace. Namangha pa sila dahil pagpasok namin sa dining area ay nakahilera ang mga kasambahay na naka-uniporme.

"So you're living like a real queen here bigirl." Sabi ni Ate Marie. Yun din ang punto ni Genesis, that I will live like a queen. Bakit ba mahal na mahal namin ang isa't isa?

"Tita has the biggest house, mommy." Sabi ni Mia. She is the eldest of the three kids. Kaka-two lang kasi ni Abby kaya hindi pa ito marunong talagang makipag-usap or mamangha. Iba din si Mia, masyadong mapagmatyag na bata.

"Yeah. Do you wanna stay here?" Tanong naman ni ate.

"Nope. I can't see baby Gael. I will miss baby Gael."

"You'll stay here with Abby, Mia." Sabi naman ni ate Grace pero mabilis na umiling si Mia. Ayaw talagang malayo ito sa kapatid yan. Nakaka-cute talaga.

"May nabuo na ba kayo ni Gene, bunso? 3 months na kayong kasal ha." Sabi ni Ate Marie at naghihintay rin ng kasagutan si ate Grace.

"Masaya nga siguro pero ayaw pa ni Genesis. Gusto pa rin naman naming kami lang muna." Dahil totoo naman. Hindi ko pa kasi alam paano maging magulang. Ok lang siguro yan pero paano ang maging ina sa anak? Hindi pa ako handa.

"Naku, wag niyo ng bagalan pa. Baka mamaya niyan, mahuli pa kayo. O baka naman baog si Genesis kaya sinasabi lang nitong ayaw munang magkaanak."
Napatingin ako sa sinasabi ni Ate Marie. Posible kaya? Hindi naman siguro.

"Maiba tayo, bakit tumaba ka ngayon? Sorry for that word ha pero akala ko kasi figure conscious ka? Kumain ka nga ng kanin bakit mo nilapang yang nilagang itlog na yan?"  Sabi ni Ate Grace. Napangiti ako sa sinasabi niya. Request ko kaya to sa cook namin. Tinignan ko ang magkabilang braso ko at ang tiyan ko. Medyo bloated nga pala nuh? At sa dinami-dami ng pagkain sa hapag ay talagang ang itlog na nilaga ang pumukaw sa atensyon ko.

"Hindi ko nga alam paano mapipigilan. Gusto ng katawan ko na kumain ng kumain. You know Genesis, kahit noong nasa China pa kami, ay nagigising ako sa midnight dahil gusto kong kumain ng nilagang itlog or any street foods, talagang bibilhin nito at yun siguro ang nagpapataba sa akin."

Napatanga silang dalawa sa sinasabi ko at nagtitinginan.

"What's that weird look?" Tanong ko sa kanila. Siyempre hindi ko naman alam ang nasa utak nila.

"Bunso, are you not pregnant?"

Dahil sa sinabi ni Ate Marie ay nalunok ko ng buo ang egg yolk.
"Ano ka ba naman Tres, dahan-dahan ka nga sa pagkain. Water here."

"Kayo naman kasi, bakit ba sinasabi niyo yan?"

"Come on. You have a legal husband so why are you so surprised?"

Napaisip ako sa sinasabi nila.

"Nakakapanibago nga ang katawan ko this days. Kahit nasa ibang bansa kami ay panay ang puyat ko. Kain ako ng kain ng nilagang itlog at mabilis din akong mainis sa ibang tao. Gusto kong makaamoy sa filter ng yosi pero pinagbawalan ako ni Genesis."

"Bilisan nating kumain. Magbihis ka. Kailangan makasigurado tayo." Sabi ni Ate Marie.

Kabang-kaba ako, bakit nakaligtaan kong mag-shot? I don't know paano ko masasabi to kay Genesis.

End of Chapter 28

Revenge (For Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon