V50

112 0 0
                                    

Pag katapos naming makilala ang biological mother ko. We started to talk about our upcoming marriage, pinag usapan palang namin kung ano yung magiging theme ng kasal, sino ang kukunin naming wedding organizer, venue at kung ano ang sunod naming plano pag katapos ng kasal.

"You look stunning honey." sabi nito sakin. Humarap naman ako dito saka ko ito nilapitan para ayusin ang pag kaka-tie ng suot niyang tux. He quickly grabbed my waist, gently caressing it up and down.

"And so do you." sabi ko dito.

"Ahh, i really can't wait to get married nina" sabi nito sakin.

"Ako din, pero wag naman siguro nating madaliin masyado ang lahat hindi ba. We still have time"

"I know, hindi lang ako makapag hintay na mapalitan ang apilyido mo ng apilyido ko" napangiti ako dahil sa sinabi nito sakin.

"At hindi na din ako makapag hintay sa basketball team ko" pinalo ko ito sa dibdib niya saka ako umalis para ayusan ang sarili ko.

"What? You don't want a basketball team?"

"Devin, i am not a guinea pig"

"What about a soccer team?"

"Devin!"

"Okay, ill stop" he said waving his hands through the air. napailing nalang ako dito habang tinatapos ko ang pag aayos ko sa sarili ko.

"But seriously nina, gusto ko ng madaming anak. Excited nakong makita silang nag tatakbuhan sa buong bahay" At oo, nakikita ko nga sa mga mata nito kung gaano niya kagustong mag karoon ng madaming anak.

Bago pa namin mapag usapan ang tungkol dito, sinigurado kong mag pacheck up muna sa doctor para sigurado. And the doctor said na ayos lang naman daw yung ovary ko, nakuha pa nga nitong mag biro na kaya ko ang basketball team kaya nung nalaman ni devin yon. Ayan, nag kaganyan na siya

"I also want that, pero hindi ba sapat na satin ang tatlo o kaya apat na bata?"

"Hmmm, hindi na masama" ngumiti ako dito saka ako muling humarap sa salamin bago ako humarap kay devin.

"Okay, i'm ready" nakangiting sabi ko dito. I am wearing a golden sequined trumpet dress with a scoop neck neckline that gave a modern yet classy look for the event. Bagay ang napili kong kulay dahil black at gold ang theme ng birthday ni mrs. sebastian. While devin, is a wearing a classic taux. Ako lang ba? Pero bakit ang gwapo ng mga lalake kapag naka suot sila ng suit, i mean. Kahit anong suit ang suotin nila bagay sa kanila. Its like, lahat ng mga nasusuot nila ay parang ginawa talaga para sa kanila at tanging kanila lamang.

"I hope you wont get the peoples attention with that dress" sabi nito sakin.

"So do you" Sinukbit ko ang kamay ko sa braso nito saka kami nag lakad papalabas ng kuwarto, papunta sa lobby kung nasaan si keith.

Ngayon araw ang birthday ng mama ni devin, formal ang theme ng party kaya kailangan kong mag ayos dahil haharap ako sa madaming bisita lalo na't andon din ang iba pang pamilya ni devin. Hindi ako sigurado kung sasabihin ba ni devin sa magulang nito na malapit na kaming ikasal, alam kong tangap naman ako nila mr. and mrs. sebastian, hindi ko lang mapigilan ang sarili kong hindi kabahan sa hindi ko malamang dahilan.

"Andito na po tayo" sabi ni keith. Kaagad na bumaba si keith para pag bukasan kami ng pintuan, pasimple naman akong napahinga ng malim para pakalmahin ang sarili ko.

"Hey, ayos ka lang?"

"Y-yeah, k-kinakabahan lang ako"

"Dont worry, andito naman ako" ngumiti ito sakin saka nito nilapit ang mukha niya para mabilis kong halikan sa labi.

When I Met DevinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon