V20

1.3K 20 0
                                    

Nina

"umamin ka nga nina. May kinikita kaba?" tanong sakin ni pia habang nag lalakad kami papalabas ng office building.
"ano?" tanong ko dito. Kinawit naman nito ang kamay nya sa braso ko.
"dali na umamin kana nina. Tayo tayo lang naman eh" pag pupumilit nito sakin. Natawa naman ako dahl sa ginagawa nito.
"oo nga naman nina. Alam mo kase lately napapansin namin ang pag babago mo" sabi naman sakin ni maxine na kumawit naman sa kabila kong braso.

"anong pag babago?" tanong ko sa kanila.
"alam mo kase, hindi ko alam kung kelan to nag start eh. Tuwing tinitignan ka kase namin. Parang merong glow sa mukha mo. Masaya ka oo parati ka namang naka ngiti at masaya pero yung saya mo nitong naka raang araw iba eh" paliwanang sakin ni pia.
"saka tignan mo oh tumataba kana din. Siguro may ka sex ka no?" para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa biglang sinabi sakin ni maxine.

"ganun ba yon? Ang alam ko, kapag may kasex pumapayat" sabi naman ni pia dito.
"ewan ko. Eh sa yon ang alam ko eh. Siguro active ka ngayon sa sex life mo no nina?" nakakalokong tanong sakin ni maxine.
"a-ano bang sinabi nyong dalawa dyan. Hindi ba puwedeng masaya lang ako. Saka hindi naman ako bumabata baka nag kakamali lang kayo ng tingin" depensa ko sa sarili ko.
"oh edi may nag papasaya nga sayo? Blooming ka teh eh" gatong naman sakin ni pia.
"hay nako. Tigilan nyo nga akong dalawa" sita ko sa kanila pero imbis na tigilan nila akong dalawa ay mas lalo pa nila akong inasar.

Hanggang sa narinig ko ang phone ko. Tumigil ako sa pag lalakad para kunin ang phone ko mula sa bag ko para sagutin ang tawag.
"hello" bungad ko dito.
"nina its me" inilayo ko ang phone ko mula sa tenga ko para tignan kung sino ang tumawag sakin. Si sir earl.
"bakit ka napatawag? Pauwi nako" sabi ko dito.
"i was just wondering kung may gagawin kaba mamaya pag uwi mo, baka puwede kang pumunta dito sa bahay ko" alok nito sakin.
"wala akong gagawin mamaya. Bakit anong meron?" tanong ko dito.
"just wear something formal okey. Hihintayin kita" mag sasalita pa sana ako pero narinig kong binaba na nito ang tawag. He wants me to wear something formal pero para saan? Saka anong meron bakit kailangan kong mag suot ng ganun?

Pag uwi ko sa bahay. Agad akong lumapit ky sarah para manghiram ng formal na damit ky sarah. Mas madami kase itong damit na formal kesa sakin.
"anong meron? Saka gabi na ah" sabi sakin ni sarah habang andito kami sa loob ng kuwarto nito.
"hindi ko nga din alam eh. Sabi nya lang i should wear something formal" sagot ko dito.
"baka naman may party sa bahay nya"
"siguro nga" sabi ko dito.
"o baka naman ipapakilala ka nya sa mga magulang nya!"

Sandali akong natigilan dahil sa sinabi ni sarah sakin. Imposible! Hindi naman siguro saka hindi pa naman official itong relasyon naming dalawa. At sigurado naman ako na kung ipapakilala nya ako sasabihan nya ako. Pero kahit na ganito ang iniisip ko, kinakabahan parin ako.
"oh heto, bagay yan sayo. Dali isuot mo na" sabi sakin ni sarah. Napatingin ako dito at nakita ko itong merong hawak na isang kulay maroon na fitted dress, turtle neck ito tapos sleeveless. Tinernohan ko naman ito ng kulay itim na high heels. Kinulot ko naman ang dulo ng buhok ko habang naka lugay ito tapos onting make up and im done.

"ano sa tingin mo?" tanong ko ky sarah pag labas na pag labas ko ng kuwarto ko.
"ay ang ganda! Sabi ko na nga ba at bagay na bagay sayo yan eh" sabi nito sakin.
"salamat dito sa damit mo ha. Ibabalik ko din" sabi ko dito.
"wala yon. Sige na umalis kana at baka hinihintay kana dun" sabi nito sakin tapos hinatid ako nito sa pinto ng unit namin.
"oo nga pala, paano ka?" tanong ko dito.
"haist, wag mokong alalahanin okey. Saka may darating dyan mamaya na papaligayahin ako habang wla ka" kumindat pa ito sakin pag katapos nyang sabihin ang mga yon. Napailing nalang ako sa sarili ko dahil mukhang alam ko na kung anong gagawin nito sa bahay habang wala ako.

Pag labas ko ng building, hindi ko inakalang andun na pala si keith sa labas at hinihintay ako.
"hinihintay na po kayo ni sir devin" sabi nito sakin. Tapos pinag buksan ako nito ng pinto ng kotse.
"kanina kapa dito? Hindi nya kase sinabi sakin na nasusunduin mo pala ako. Sana binilisan ko para hindi ka nag hintay ng matagal" sabi ko dito bago ako pumasok.
"i am fine Ms. Garcia, i was ordered to wait for you kaya ayos lang" sabi nito sakin. Ngumiti nalang ako dito at pumasok na sa loob ng kotse.

When I Met DevinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon