Theas's Pov
"Ayoko na.Pagod na ko.Di na tayo masaya.Di na ko masaya..Itigil na natin toh." Sabi ko habang nakatingin sa sapatos ko at pinag lalaruan ang mga daliri ko.
Ito na toh Thea.Pota wag ka umiyak..mahahalata ka nya.Shet.Ang hirap mag panggap na di ko na sya mahal.Pero pinili ko toh.Habang lumalaban ako...pipilitin kong mag-panggap na hindi muna kita mahal.
"Tsk.Wag mo nga ako gaguhin Thea.Tangna naman oh.Mag ta-tatlong taon na tayo saka kapa makikipag-hiwalay.Ga-graduate na tayo 3 months from now which is the same date as our 3rd anniversary.So you can't fool me that easily,unless may valid reason."
He calmly said those things.Parang joke lang lahat yung mga sinabi ko sa kanya.But one thing's not sure.Baka hindi ko na maabutan yung oras na maaabot mo na yung mga pangarap natin.
Yun lang...di ko alam kung makakaabot pa ko sa Graduation day Yoongi.Ang hirap pala.Sobrang hirap na iwan ka.
Namimitik na yung mga luha ko.Sinusubukan kong pigilan na ma-iyak sa harapan nya.Hindi na ako makapagsalita dahil sa pag-kagat ko sa labi ko para hindi tumulo ang mga luha ko.
"Bakit di mo masagot ang mga tanong ko?Bakit hindi ka makatingin sa mga mata ko?Kung gusto mo kong pag-tripan ,next time galingan mo,kase hindi toh nakakatawa.Hindi ako papayag.Hindi ka makikipag-hiwalay." Bulong nya saken sabay hinawakan ang kanang kamay ko.
"Stop this nonsense now."Habol pa nya.Kung pwede lang talaga itigil ko na toh ng walang masasaktan.He nearly yelled that.How could I stop this nonsense Yoongi?..how?
Tama.Kailangan kong maging mas matapang para sayo.Susubukan kong lumaban.Pero hindi ako sigurado kung ako ang mananalo,kaya mas maganda at mas mabuti kung ganito muna tayo.
"Oo gusto ko grumaduate dati kasama ka, but that's before.At hindi na ngayon. Oh
Masaya ka na? Yan!Isa pa yan sa dahilan kung bakit gusto ko nang makipag-hiwalay sayo!...kase gusto mo ikaw lang lagi ang masusunod.Yoongi,you're not the boss of me.Enough na yung almost 3 years na pagiging sunod-sunuran ko sayo.At higit sa lahat sawang-sawa na ko sa pagiging cold mo towards people..even me."But that's one of the reasons why kaya minamahal kita.Gusto mo masunod ka kapag alam mong mas makakabuti sakin,satin ang mga bagay bagay.And instead na anger ang ipinakita mo coldness nalang lagi ang pinapam-pigil mo sa pagtra-transform mo as hulk.
Hinila ko palayo sa kamay nya ang kamay ko kahit alam ko na,na baka ito na yung huling beses na mahawakan ko yun.Tiningnan ko sya ng diretso sa mata,yung luha ko marunong naman yata makisama.
Buti naman di sila tumulo.Pero teary eyes parin ang mga mata ko.Napansin kong tumungo sya at saka uli nag-salita.
"Bakit?May nagawa ba akong mali?May kulang pa ba?May nahanap ka na bang iba?Mas napapasaya ka ba nya?Di mo na ba ako mahal? Diba sabi mo ako lang.Diba Nangako ka na ako lang habang buhay.But siguro nga all promises really are just meant to be broken."
Naiiyak na talaga ako.Hindi naman sa ganun kase Yoongi, may sakit ako.Mas malaki ang chance na mawala ako kaysa sa mabuhay.Wala kang mali.Ako yung nagka-mali.Walang kulang.Sobra sobra pa nga toh sa mga hiningi ko dati eh.Wala akong iba.Ikaw lang talaga.Wala nang makakapag-pasaya sakin tulad ng kung paano mo ako napasaya.Sorry talaga.Maiintindihan mo rin someday.
"Oo.Lagi kang mali.Kulang lahat.Meron nang mas better sayo.At mas napapasaya nya ako kaysa sayo." Kung pwede lang na tumalon nalang ako sa tulay ngayon at mamatay kaysa sabihin lahat sayo tong mga kasinungalingan na toh.
"Okay.Sige,sorry kung nagka-mali ako.Sorry kung marami akong pagkukulang.Sorry kung hindi kita napasaya tulad ng pag papasaya nya sayo.Sorry kase pinag-pilitan ko pa yung sarili ko sayo kahit alam kong ayaw mo na at di ka na masaya."

BINABASA MO ANG
Reasons Why||Min Yoongi Tagalog ff.
FanfictionTHIS IS A TAGALOG FANFICTION ^~^I just wanna try for the first time.I'll right a tagalog one since All of my drafts and my current 2 ffs are english.Sorry I didn't edit the story discription.But most of your lines here are also english since you're...