C E S S I A H
"Bes!May assignment ka?"tanong sa akin ni Jen na katabi ko lang sa upuan.
I handed my notebook to her instead of answering.Kaagad nya naman iyong inabot at kinopya habang wala pa ang first teacher namin sa subject na English.
"Oh!thanks."inabot nya sa akin ang notebook ko at kinuha ko naman agad at inilagay sa ibabaw ng desk ko.Umubob muna ako sa desk habang wala pang teacher.Apat na araw na din simula noong hiniram ni mama ang cellphone ko.Apat na araw na akong hindi nakakapag online at wala rin kaming komunikasyon ni Bryzite.Kamusta naman sya?
"Si Cessiah?Ah oo,ang landi daw nyan."
"Huh?sinong nagsabi?Mukha naman syang inosente at mabait ah."
Nag-angat ako ng tingin at tumingin sa harapan kung saan may dalawang babaeng nag-uusap.They are looking at me at parang walang pakealam kung nakatingin man sa kanila ang pinag-uusapan nila.
"Yung nanay nya ang nagsabi.Eww!Dami na daw nakaano dyan."
"Seryoso?"
"Oo,landi no."
"Ang landi mo naman pala."nakangiwing sambit ni Jen habang nakatingin sa akin.Hindi ko alam pero bakas sa mukha nya ang pandidiri habang sinasabi 'yon.
"That's not true,Jen.Huwag kang maniwala sa sinasabi nila."sabi ko sa kanya ngunit parang wala syang narinig.
"KADIRI KA!"sigaw nya at padabog na tumayo."Bakit ako hindi maniniwala kung nanay mo na mismo ang nagsabi?EWW!AYOKO SA MGA MALALANDI!"dugtong nya pa.
And now,nakatingin na sila sa akin na parang isa akong mabahong basuha.Nandidiri sila..Ayaw nila sa akin,ang sinasabi ng mga mata nila.Napabuntong hininga na lang ako.Hindi na ako nag-abalang depensahan pa ang sarili.Why bother to do it kung wala din namang maniniwala?Dito sa mundo,maraming mapanghushang mga tao kaya dapat masanay na ako.Pinalilibutan nila ako.
"NAKAKADIRI KA CESSIAH!"
"NAKAKADIRI"
"NAKAKADIRI!!"sinabayan pa nila yon ng pagbato ng mga cinrumple na paper.Walang pag-aalinlangang tinanggap ko lahat ng iyon.Sanay na ako.She hurts me.They hurt me.What's next?Is he going to hurt me too?
"Ate,anong nangyari sa'yo?Bakit po ang dumi mo po?"bungad na tanong sa akin ni Bles sa likod nya naman ay naroroon si Classie at kunot noong nakatitig sakin.
"Ah,ito?"patungkol ko sa mga mantsa sa damit ko na dinulot ng pagbabato sakin kanina ng itlog.Yeah,hindi na sila nakuntento pa sa papel kaya pati itlog sinayang nila."Galing lang po ito sa activity namin kanina."pilit ang ngiting sagot ko.
"Ah,okay po.Ate,laro po muna kami sa labas po.Byeee!"at pagkatapos non ay nagtatakbo na silang dalawa.
"Ingat!Wag lalayo!"pahabol kong sigaw ngunit mukhang hindi na naman nila narinig.
Napailing na lang ako habang sinusuri ang mga mantsa sa damit ko.Paniguradong mahirap ito alisin.
"CESSIAH!!"sigaw ni mama mula sa loob.
![](https://img.wattpad.com/cover/164446813-288-k564749.jpg)