MYPM#Prolouge

5.1K 117 27
                                    


"Maaaa! Yung mga panty ko! Nginatngat ng mga daga! Tingnan mo ohh! Andami ng butas!" Halos mangiyak-ngiyak kong wika ko kay mama habang papunta ako sa kusina kung nasan sya.

"Abah, problema mo na yan! Sinabihan na kitang wag mong murahin ang daga, dahil talagang gagantihan ka non"

"Ma naman eh. Nakakainis na ang mga daga na yan ha! Yung una, yung bagong damit ko nginatngat, ngayon naman mga panty ko! And worst, kahit isang panty Wala man lang tinira! Grrr. Ano na lang ang gagamitin ko ngayon?" problemado kong saad.
Wala akong magawa ngayon kundi ang tingnan na lamang ang mga panty ko na halos butas-butas na.

"Edi bumili ka sa mall, mamaya pa namang Gabi ang klase mo diba?"

"Pero ma?! Paano ako makakabili? Bagong ligo ako, at namomroblema ako sa panty na isusuot ko." singhal na sabi ko sa aking ina.

"Gamitin mo muna ang panty ko" suhestyon naman nito sa akin.
"What?! Mama naman, ang taba mo masyado. Panigurado, maluwag yon sa akin."

"Sus ko naman Inday! Pinapaproblema mo ako ng problema mo! Kung ako sayo, wag ka na lang magpanty!" sigaw ni mama sa akin.

Tsk. Ang galing masyado magsuggest ni ma.

Hindi na lamang ako nagsalita pa at bumalik na ulit ako sa aking kwarto.
Mahigit isang oras akong nag-isip kung ano ba ang gagawin ko.
Pero sa huli, ay sinunod ko ang bilin ni ma, hiniram ko muna yung Panty nya.
Medyo maluwag nga yon dahil si mama mataba at ako sexy, kaya ang ginawa ko ay linagyan kong ipit yon para di mahulog.

Pasado alas-kwatro na ng hapon nang mapagdesisyunan kong bumili na nga sa mall.

Agad akong tumungo sa kung saan nakalagay ang mga panty.

Di na ako nag-aksaya ng oras pa at kumuha na agad ako ng limang pirasong panty.
Kulay pink, yellow, black, green at red.

"Puta" mariing bigkas ko nang maramdaman kong nasira ang ipit na linagay ko sa panty.

Wala sa oras ay agad kong hinawakan ito para makasiguro na hindi ito malaglag at makita ng ibang tao.

Nagmamadali akong pumunta ng cashier,
At ganon na lamang ang aking gulat nang may biglang nagsalita sa likod ko.

"Miss, yung Panty mo... Mahuhulog"

Dahil sa sinabi nyang yon ay iniayos ko naman ang mga dala kong panty.

"Hindi yan ang tinutukoy ko miss. Yung suot mo"

Dahan-dahan naman akong napatingin sa aking ibaba, at don nakita ko yung Panty na suot ko na lagpas na nga sa short ko.

Halos lamunin na ako ng kahihiyan dahil sa nangyari ngayon.

©Ratfil (lalakeng manunulat)
Sana ay nagustuhan nyo binibini, ang sunod na kabanata nito ay sa wattpad nyo na mababasa💙
Maraming salamat.

Miss, Yung Panty MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon