Chapter 2:

14.8K 448 4
                                    





Nakabalik na si Kiel sa main office nila ngunit hindi pa rin mawala sa isipan ang babaeng nag-apply kanina. Hindi niya maiwasang mapangiti habang naaalala ang mukha nito. Kung papaaano ang maamo nitong mukha ay naging mabangis na tila lion.

"Aaaahhhheeeemmmm! Ahhhhheeeemmmmm!" Eksaheradong tikhim buhat sa kaniyang pintuhan. Agad siyang nagtaas ng tingin at nakita ang kaibigang si Franco. "Mukhang hindi mapuknat-puknat ang ngiti natin ah?" Puna nito.


Ang ngiti ay napalitan ng tawa.

Napailing ang kaibigan. "Mukhang malala na iyan bro," anito. "Baka pwede mong ishare at maka matawa naman ako," gatong nito.


"Akala ko ba masaya ka sa mga babae mo. Akin na lang ito bro. Anyways, bakit ka naririto?" Maang na tanong rito.

Doon ay tuluyan itong tumawa. "Damot naman!" Anito sabay hagalpak at saktong pasok naman ni Darren.


"Hey! Hey! Hey! Mukhang nagkakasiyahan na kayong dalawa ah?" Sabad naman nito.

"Ito kasing si Kiel dude. Biruin mong ngiting-ngiti mag-isa. Mapagkakalan mo pa ngang may saltik sa isip sa todo ngisi nito," eksaheradang kuwento ni Franco.

"What's new man?" Agad ba usisa ni Darren sabay lapit.

Ngunit sinagot niya rin ng pag-uusisa kung bakit naroroon ang mga ito.

"Wait? Bakit kayo naririto, aber?" Gagad dito.

Nagtinginan ang dalawang bagong dating. "Malala ka na bro. It's your birthday kaya nandito kami," ani ng mga ito.

Napakunot noo siya at agad na napatingin sa journal calendar niya. Oh yeah, his 27th birthday.

Napailing na lamang ang mga kaibigan. Pati birthday niya ay nakalimutan niya kaya pala panay ang paalala ng mama niyang umuwi sa bahay nila mamayang dinner.

"Ano bro, inagahan namin ang pagpunta rito para mabati ka tapos hindi mo alam na birthday mo?" Tawang wika ni Franco sabay sapo sa noo nito.

"I got so busy," aniya ng agad na sumabad si Darren.

"Masyado kang nagpapayaman bro kaya nakakalimutan mo ang mga dapat ay importante. Gaya ng girlfriend, bro tagal na noong last na gf mo. Wala ka pa bang planong palitan I mean maghanap," ngisi ni Darren.

"Nagtataka na talaga ako kung bakit ko kayo naging kaibigan lagi niyo akong inaalaska. Akala niyo naman ang titino ng mga relasyon ninyo?" Aniya sa mga ito.

Muling nagtawanan ang dalawa. "At least kami magulo man, may karelasyon. Ikaw bro? Wala!" Anito ng mga ito sabay iling pa.

"Okay. Let's go!" Aniya sabay tayo.

"Saan?" Tanong ng mga ito.

"Ano pa! 'Di ililibre ko kayo," aniya.

Agad na napatingin si Darren sa relo. Aga bro, wala pang bukas na bar ngayon," anito.

"Hindi ako pwede mamaya. Mom keep sending message reminding me to be home for dinner." Wika sa mga ito.

"Okay, tara!" Ani ng mga ito.

Wala naman silang pupuntahan sa ganoong oras kundi sa hide out nila. Sa isang shooting range. Isa iyon sa favorite nilang puntahan kasi nawiwili sila sa target shooting. Atl east doon ay nagagawa rin nilang magsaya.

"Mata mo bro!" Sikmat niya kay Franco. Nanlalaki na naman kasi ang mata habang nakatingin sa ilang kababaehang nasa kabilang panig.

"Tingin ka forty-five degrees left," bulong nito.

Montecalvo Siblings: The BANKER(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon