Chapter 1:

21.2K 492 13
                                    




"Wazzap men! Congrats sa ating hot and handsome friend. "Akalain mo iyon, nagkamal na naman ng milyon kahit paupo-upo lang," gagad ni Franco.

"Ulol! Dapat kasi mag-invest ka rin. Hindi lang babae ka nag-iinvest," balik dito.

"Well, ano Franco, babae ka lang daw nag-iinvest oh?" sabad naman ni Darren.

"Atleast mamamatay akong nasasarapan," katwa naman nito na kinatawa nilang tatlo. Saka bumaling sa kaniya. "Ikaw bro, napapasaya ka ba ng milyon mo?" Tanong nito.

Natahimik siya at pasimpleng napatanong sa sarili. 'Masaya nga ba ako,' aniya sa sarili.

Hinawakan niya ang baso saka tinungga. "Tignan mo bro, kaya mas mabuti ng sa babae kesa maging lonely ng aking kaibigan," natatawang wika ni Franco. "Kaya bro, kailangan mo ng babaeng magpapainit sa gabi mo. Saglit lang at maghahanap ako," anito saka tumayo.

Napailing na lamang siya sa kaibigan.

"Mukhang seryoso si Franco na hanapan ka ng magpapainit sa gabi mo bro. Humanda ka at mapapalaban ka, iba pa naman mamili ng babae iyang si Franco," pang-gagatong pa ni Darren sabay tawa.

Wala na siyang nagawa kundi ang sakyan ang mga kaibigan. Mukhang kailangan niya nga ng babae ngayon.

Hindi nga sila nagkamali dahil pagbalik ni Franco ay may kasama na itong babae at mukha ngang palaban. Sa laki ng dibdib at pwet ang talagang kahali-halina.

"Hi," malambing na ngiti nito sa kaniya.

Ngumiti rin siya rito. Hanggang sa ibuyo siya ng mga kaibigan at umalis na. Alam na niya kung saan niya dadalhin ang babae na halatang tipo rin siya.

Wala pang bente minutos ay nasa loob na sila ng isang hotel. Pinagsasaluhan ang isang mainit na gabi. Nanabik din siya lalo pa at naging mapang-ubaya ang babae. Adventurous sa kama kaya mas lalong uminit ang gabi niya.

Samantala, inis na inis si Aryanna dahil habang tumatagal siya sa trabaho niya ay hindi na niya naiiwasan ang mga panghihipo ng mga lalaki. Halos masuka pa nga siya kung hawakan siya ng mga ito. Mas malaki daw kasi ang kita kung magpapahipo siya.

"Hoy! Bakit mukhang Biyernes santo na naman ang mukha mo." Turan ng kaibigang si Melai.

"Naiinis na ako sa trabahong ito. Buti sana kung guwapo at mapera ang mga customer. Girl, mukhang mga taxi driver lang naman itong customer natin. Nakakasuka pa minsan ang pagmumukha." Busangot niya.


"Wala tayong magagawa, dito tayo madaling kumita. Ako, nag-apply na akong maging casher sa mall. Hinanapan ako ng diploma eh wala naman ako noon?" Turan nito. "Kaya tiis-tiis muna. Para sa ekonomiya," ani ng kaibigan.

"Ano pa nga ba?" Aniya saka bumalik sa loob ng pipitsuging night club na iyon bago pa siya ratratin ng sermon ng tiyahin.

Kinabukasan ay maaga siyang nagising kahit antok na antok pa siya. Plano niya kasing mag-ikot para humanap ng ibang mapapasukan kahit tagahugas ng kantina lamang o mangatulong siya. Sukang-suka na siya sa night club na iyon.

"Oh! Ang aga-aga mo yatang gumising?" Sita ng tiyahin.

"Hahanap po ng ibang mapapasukan tiyang," tinatamad na wika.

"Ano kamo? Mapapasukan? Aba akala mo siguro madali ang humanap ng trabaho ngayon? Kahit taga linis nga sa mall hinahanapan ng diploma. Ikaw may diploma ka nga ng high school, boba ka naman." Anito na nilalait siya.

"Grabe ka naman tiyang," angal niya.

"Tama naman 'di ba? Hay naku, naawa lang sa'yo ang mga titser mo kaya ka pinasa na sa high school," dagdag pa nito. "Tulungan mo na lang ako rito para may maitulong ka. Iyong kinita mo kagabi ay nilagay ko doon sa lamesa," anito.

Montecalvo Siblings: The BANKER(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon