Pag-aakala

21 0 0
                                    

Pag-aakala

Patuloy sa pag-iisip si Ingrid kung bakit nangyari sa kanilang dalawa ni Harold ang mapait na pagtatapos ng kanilang relasyon. Sabihin na nating, “Kung gaano kabilis dumating, parang bula din kung nawala.”

Nasasaktan si Ingrid. Nasasaktan si Ingrid sa ideya na minahal niya ang isang taong may mahal naman talagang iba noong una pa. Pumasok siya sa isang relasyon na walang kasiguraduhan. Pumasok siya sa isang relasyon na hindi niya lubusang kilala si Harold.

Dalawampung araw.

Dalawampung araw lang silang magkakilala nang sinagot niya ang binata ng kanyang matamis na OO. Ang totoo niyan, hindi niya matiis na magkaroon ng karelasyon sapagkat gusto niya rin mapakiramdaman ang magkaroon ng kasintahan sa buhay kabataan niya. Masisisi niya ba ang kanyang sarili? Siguro, oo nga.

Ngayong araw ay kinausap na siya ni Harold. Makikipaghiwalay na raw ang binata. Pumasok na sa utak niya na magtatapos na ang kanilang relasyong dalawa. Madaming rason ang tumatak sa kanyang isipan nang matapos ang usapan nilang dalawa.

Una, masyado siyang higpit sa lalake ngunit kung gaano siya kahigpit, ang lalaki naman ay sobrang luwang sa kanilang relasyon. Hindi alam ni Ingrid kung ganoon lang ba talaga ang pakiramdam sa unang beses na pakikipag-relasyon.

Pangalawa, bago pa pinasok ni Ingrid ang relasyon nilang dalawa ni Harold, alam niyang alam din ng Diyos na mahal pa rin ni Harold ang kanyang nakaraang kasintahan. Siya si Jane Estrada. Nakita niya pa nga ang pag-uusap ni Jane at ni Harold sa cellphone kung saan hinahabol-habol pa ni Harold si Jane noon. Hindi naman nagpaliwanag si Harold noon kasi wala pang label na sila noon. Kumbaga, “Sino ka ba para pagsabihan ko ng paliwanag ko?”

Pangatlo, sobra siyang nagseselos sa nakaraang kasintahan ni Harold. Dalawang taon din kasi ang itinagal ng relasyon ni Jane at ni Harold. Iniisip kasi ni Ingrid ay hindi niya mapupunan si Jane sa puso ng binata. Nagseselos siya ki Jane dahil alam niyang sobrang mahal pa rin ni Harold ang babae. Sa isip-isip ni Ingrid, “Sobrang daming rason upang pagselosan si Jane kay Harold. Kulang pa ang mga salita ko para ipaliwanag ang mga rason ko.” Bumuntong-hininga na lamang ang dalaga matapos niyang maisip iyon.

Pang-apat, may mali rin naman kay Ingrid. Hindi nag-isip si Ingrid nang kung anong maaaring mangyari sa kanilang dalawa ni Harold lalo na at bago naging sila ay nasa proseso pa rin ng pagmomove on ang binata kay Jane Estrada.

Pang-lima, ewan. Yun na lamang ang naisip ni Ingrid, ewan.

Ang inaakala niyang tatagal na relasyon ay humantong sa dalawang buwan. Forever? Gusto niyang mainis sa salitang forever pero alam niyang wala naman ikababago sa buhay niya kapag patuloy siyang nainis sa salitang ito.

Ang inaakala niyang pagmamahal ay purong infatuation lamang.

Pineke na lamang ni Ingrid ang kanyang ngiti at nagpanggap na masaya siyang nawala si Harold sa buhay niya. Gusto niyang magpasalamat sa binata dahil ibinigay din nito ang maikling pagkakataon ng konsepto ng habang buhay na pagsasama sa dalawang buwan nilang pagsasama.

Regalo ata sa akin ni Harold ang pakikipaghiwalay niya sa akin. Iyon ang naisip niya makaraan ang ilang minuto ngunit itinawa niya na lamang ito. Mabuti nga at hindi ibinuhos ni Ingrid ang pagmamahal niya kay Harold. Mabuti nga at may itinira pa si Ingrid para sa kanyang sarili at dahil dito, hindi siya nasasaktan ng lubusan.

Tama nga ang mga nakatatanda: Huwag mamadaliin ang pag-ibig lalo na kung hindi ka pa handa.

Literary ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon