Part 1

1K 146 34
                                    

Alianna Alfonso Enrile sent you a friend request.

Alianna Alfonso Enrile added you on messenger.

Alianna Alfonso Enrile waved at you.

Alianna: Hi.
: Psssst.
: Oy mag-reply ka.
: Feeling gwapo, patay na patay naman sa'kin.

Eto na nga, nakita ko 'yung dummy user. Sa tingin ko hindi dummy, kasi ang panget nung nasa picture. Eh mga dummy user ngayon Korean actress madalas ang dp.
Hindi ko siya pinatulan, baka masira lang ang araw ko.

"Yannah, sagutin mo na kasi ako. Tagal tagal na eh." Pangungulit ko kay Yannah, kaklase ko. Limang buwan ko na siyang nililigawan at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nito sinasagot.

"Gusto ko munang malaman ugali mo, Okay? Ayaw kong pagsisihan kapag sinagot kita."

Madalas nitong sagot, gusto niya kasi mabait, maginoo. Kaya nagpakitang-tao ako, kapag kaharap siya nagmamala-anghel ako sa bait, pagtalikod niya gago na ulit ako.

Hindi ko na inalam ang sasabihin niya, binlock ko siya. Sinira niya lang ang araw ko.

"Kenjie, mag-usap tayo mamaya."

Abot langit ang saya ko ng sabihin iyon ni Yannah sa akin. Sigurado akong sasagutin niya na ako.

Pagkatapos ng klase ay umuwi agad si Yannah, magpapalit raw muna siya ng damit. Ako nama'y naghintay sa goto-han ng halos isang oras, pero napawi ang pagod ko ng makita ko siyang papalapit.

"Kenj, sorry. Tumigil kana sa panliligaw mo."
"P-pero limang buwan kitang hinintay! Ano? Ganun nalang 'yun?!"

Tumaas ang boses ko kaya naman pinagtinginan kami ng ibang kumakain sa loob.

"Huwag mong sinisigawan ang girlfriend ko."

Pag-sulpot ni Clen, pinaka-panget sa aming section. Palagi ko siyang inaasar kapag wala si Yannah, pagtataka kong tinawag niyang girlfriend si Yannah kaya tumawa ako.

"Nananaginip ka ba? Clen? Ikaw patulan ni Yannah sa mukha mong 'yan?"

Tumawa ako, malakas kong sinabi ang pangungutya ko kay Clen.
Tumayo na rin si Yannah at nag-salita.

"Oo, girlfriend niya ako kaya pinapahinto na kita sa panliligaw mo. Girl-friend a-ko ni Clen! Sa kaniya ko nakita 'yung tunay na ka-gwapuhan ng isang lalake, at wala sa'yo 'yun Kenjie. Maganda lang ang hanap mo-"
"Hindi 'yan totoo!"

Agad akong nag-salita bago niya ituloy ang sasabihin niya.
Nakita ko ang pag-ngiti ng ibang tao sa loob na halatang pabor sa sinabi ni Yannah.

"Wala sa itsura 'yan, iho."
Sigaw ni manong na nagtitinda.

Sinampal ako ng katotohanan sa mga sumunod na sinabi ni Yannah sa akin.

"Sabi mo hindi ka pumapatol sa panget, sabi mo ang gusto mo 'yung maipagmamalaki mo sa tropa mo. Ang panget ng ugali mo, hindi ka gwapo. Okay? Sa itsura mo siguro nila nakita 'yang ka-gwapuhan mo pero ang totoo panget ka! Umamin ako sa'yo na gusto kita, muntik na akong mahulog sa'yo ng tuluyan. Akala ko kasi nagbago kana, pero 'di pala. Siguro naman kilala mo na kung sino 'yung dummy user na binlock mo? Isa pa, Kenjie. Hindi ako tulad mo na sa itsura tumitingin, nahulog ako kay Clen dahil totoo siya. Hindi tulad mo pakitang tao."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dummy UserWhere stories live. Discover now