Safe
1
I woke up with a sore body and sweat all over me. I opened my eyes and the waving pale pink curtains greeted me. Dahan dahan kong inangat ang sarili ko para sipatin kung nasaan ako. The creaking old bed made a sound as I try to stand.
Bukas ang bintana ng kwarto na kinaroroonan ko. The salty air greeted me as I come nearer the window. Hinawi ko ang kurtina at doon ay nakita ko ang isang matandang babae na may buhat na banyera ng isda. Lumingon siya sa kinaroroonan ko at natigilan. Noong makita niya ako ay dali dali siyang naglakad pabalik sa bahay.
Ilang sandali lang ay pumasok na iyong matanda. Her white hair is in a tight bun. Kipkip niya sa kanyang kamay ang laylayan ng maykahabaan niyang bulaklaking daster habang naglalakad papunta sa akin.
"Gising ka na pala, hija," bati niya sa akin. Ngumiti lamang ako at lumapit sa kanya.
"Pasensya ka na sa bahay namin. Naiinitan ka yata, hala! Kukuha ako ng pamaypay para sayo," aniya bago kinuha ang nakasabit na abanikong pamaypay. Inabot niya iyon sa akin at agad naman akong nagpasalamat.
"Nagugutom ka na ba? May tawilis rito at kamatis, gusto mo bang ipaghain kita?"
Mabilis akong umiling. The woman was too hospitable. Her wrinkled smile reminded me of my late father's effort to make me feel comfortable. Her fingers were shaking as she tries to make me feel at home.
Kinuha niya ang braso ko at marahang pinisil.
"Kailangan mong kumain para makabawi ka ng lakas. Hindi biro ang pinagdaanan mo kagabi. Mabuti na lamang at dumating ang apo kong si Lukas para tulungan ka."
I bit my lip as I listen to her. Cold shivers ran down my veins as I recall what happened at the shore last night. Buong akala ko ay makakatakas na ako sa lupit ng mundo pero nagkamali ako. Kagabi ay sinampal ako ng katotohanan na kahit saan pa ako magsuot, mananatiling malupit ang lahat.
Hindi ko maintindihan iyon. Palagi, kahit ako na ang nasasaktan ay pinipili kong maging mabuti. Pero bakit ganito ang sukli sa akin? I only wanted to be free, but why does the world hurt me constantly, reminding me that the only place I should be is where I was ever since. Bakit hindi ako pwedeng lumaya? Bakit palaging may nananakit sa akin sa bawat subok kong makaalis?
"Hija?"
Natigilan ako sa pag iisip noong tinawag ako ng matanda. Naglapag siya sa harap ko ng isang tasang mainit na kape.
"Hindi ko alam kung umiinom ka ng kape pero pinagtimpla na kita para mainitan ang sikmura mo."
"Salamat po," sagot ko sabay abot sa umuusok pang tasa. I took a sip from it before feeling the warmth in my stomach.
Nakangiti lamang na nakaantabay sa akin ang matanda habang iniinom ko ang kape na ginawa niya. Noong maibaba ko ang baso ay tumikhim siya.
"Pwede ko bang malaman ang pangalan mo, anak?"
Napangiti ako at tumango.
"Noelle po, Lola..."
"Esmeng, iha. Lola Esmeng na lang," sagot niya. Her smile made me feel the same way I felt before when I was with my Papa. Hindi ko alam kung bakit sa sandali kong nakilala si Lola Esmeng ay magaan na agad ang loob ko sa kanya.
"Mamaya ay ipapakilala kita sa apo kong si Lukas. Ngayon kasi ay nagtatrabaho siya sa hotel. Kusinero siya ng La Perla." Paliwanag ni Lola Esmeng sa akin.
BINABASA MO ANG
Switched
General Fiction(Lost Senoritas Book 1) Noelle Madrid ran away from her controlling mother to get away from an arranged marriage. Sa pagtakas niya ay dinala siya ng tadhana sa malayong isla ng El Nido. Sa lugar na iyon ay naranasan niya kung ano ang tunay na kahulu...