Cie's POV
Malamig ang simoy ng hangin, malayo palang kita ko na sa bandang kaliwa ang malawak na taniman ng palay. Marami ang nag sasaka at ang mga puting tagak na naroon. Ngunit ang naka agaw ng pansin ko ay ang tanawin sa bandang kanan, mula sa aking sinasakyan, tanaw ang mahabang puting baybayin ng asul na dagat.
Nakaka amaze. Imagine nasa gitna ka ng highway tapos yung nasa left side mo malawak na palayan at yung nasa right side mo naman ay napaka gandang dalampasigan na may pino at puting buhangin.
Nakaka relax, kung wala lang akong malaking problema iniisip ko na napa gandang lugar ito upang pag bakasyonan
Mahigit 16 hours ang naging byahe ko mula Manila papuntang Bicol, nag by land lang kasi ako. Hindi ko na na isip mag eroplano dahil masyado nang magulo ang isip ko, kaya naman mas pinili ko nalang mag bus kahit matagal at nakaka pagod. Hindi naman na kasi bago sakin ang pag travelled, mas gusto ko ang maraming Adventure.
Hanggang ngayon namamangha parin ako sa ganda ng Bulusan, Sorsogon. Hindi ko alam kung anong nag udyok sakin pumunta rito, tila ba'y may humuhila saakin papunta sa lugar na ito.
"Ma'am nandito na po tayo" nawala ako sa pag iisip ng marinig ko ang sinabi ng driver.
Dahan dahan akong bumaba ng sasakyan, ramdam ko ang init na dumadampi sa aking balat rinig ko rin ang bawat hampas ng alon sa dalampasigan
Mula sa di kalayuan tanaw ko ang malalaking letra na naka ukit sa kahoy "DANCALAN" ito siguro ang pangalan ng Isla. Mas lalo kong na appreciate ang ganda ng lugar ng maka lapit ako.
Hindi gaano karami ang turista dahil siguro hindi pa summer.
"Ma'am doon po ang hotel na maaari niyong tuluyan" nilingon ko ang direksyon na tinuro ng driver at nag simula ng mag lakad.
"Ano pong pangalan?" Tanong saakin ng isang receptionist pag ka pasok ko sa receiving area
"Alpha Cie Velasco"
"Room 417 ma'am" may inabot saaking card ang babae
"Enjoy your staying in our place ma'am" tipid akong ngumiti
"Thank you"
Pag ka pasok ko sa hotel room at pag kakita ko sa kama para bang hinihila na ako nito sa sobrang pagod na ngayon ko lang naramdaman pakatapos ng mahabang byahe. Kaya naman dali dali na akong pumasok sa banyo para makapag linis ng katawan.
Ang sarap sa Pakiramdam, pag lapat palang ng aking katawan sa kama ay hinila na ako ng antok.
Bukas ko nalang sisimulan kung bakit talaga ako nandito.