BTL-The Farfalla Project

34 4 0
                                    

Vianca's POV (The Farfalla Project)

Oh. my. gosh.

Bat ba kase ang galing galing nameng tatlo?

AY! Bago ang lahat, ako nga pala si Vianca Suarez, 16 years old at Senior na sa Northrein Academy. One more thing about me, together with my bestest friends na si Mac at Yllaina, ginagawa nameng misyon na tulungan secretly ang mga girls sa school namen na nakikitaan namen ng hidden beauty para mailabas nila eto and maybe someday, get their fairytale ending. Simple lang naman ang ginagawa namen eh, we give her a makeover, boost ther confidence and unleash her awesomeness. FREE OF CHARGE.  At ang tawag namen dito ay "The Farfalla-or Butterfly-Project"

kung  iniisip niyong may hidden motivation kame dito, wala po. we've been there and we just want girls to be HAPPY. so wala nang eechos. okay, back to the story.

Ang latest project namen ay si Nathalie Ravenna.

Kung titignan mo si Nathalie, ang first impression mo sakanya ay nerd siya. nakasalamen at braces, medyo Marami ang pimples, laging nakaipit ng sobrang higpet ang buhok, medyo awkward minsan at may pagka Grade Conscious o GC siya kaya puro aral. Pero, nung nakita namen ang “potential” sakaniya, dito na nagsimula ang panibago nameng misyon.

And this is how it all begins....

Friday morning at nagdadaldalan kame nila Mac at Yllaina sa cafeteria dahil Recess time namen.

"Oy, Vianca," sabe ni Yllaina, "grabe yung bagong story na nabasa ko. napapahagulgol ako dun eh. Ang sweet kase pero namatay yung lalakeng bida...."

"Talaga? yun ba yung story na isinulat ni Lady Lee?"

"OO! yun nga! grabe, ang gaganda ng mga story niya kaso karamihan tragedy or unrequited love ang theme."

“Ay! Maganda yung bago niyang story! Between the Lines yung title. Tungkol siya sa isang girl na in-love sa bestfriend niyang bad boy,” sabi ni Mac.

“Eh? Parang maganda yun ah!” sabay na naming nasabi ni Yllaina. At napatawa kami dahil dun.

“Ay girls, oo nga pala, may free tickets ako para sa bagong movie ni Miley Cyrus. Gusto niyong manood?” yaya ni Yllaina.

“Sure!” sabe ko.

“Sige ba!” sabe naman ni Mac.

Oyeah. Excited na ako!

Pabalik na sana kami sa classroom ng nakita naming parang may nagkakaguluhan. Alam ko na masama maging chismosa pero nacurious ako kaya naman tinanong ko ang isa sa mga close friends at kaklase ko na si Jade na mukhang alam ang nangyayare.

“Jade, anong meron?”

“Oh, Vianca, ikaw pala. Si Kenzo kase, may nasabe atang masama kay Jake, kaya ayun, naoffend si Jake. Nako, mukhang magsusuntukan yung dalawang ‘yun.”

Tama nga ang sinabe ni Jade. Nakita namen ang mga kaklase nameng si Kenzo at Jake. Si Jake ang sama sama ng tingin kay Kenzo habang si Kenzo naman, ang angas ng itsura.

“BAWIIN MO ANG SINABE MO!” sabe ni Jake. Hala! Nakakatakot pa naman magalet yung lalakeng yun.

“BAWIIN MO ANG SINABI MO!” sigaw niya ulit. Teka, baket wala man lang umaawat sakanila?!

“Bakit ko naman babawiin? Totoo naman diba?” sabe ni Kenzo ng nakangiti pa. Oh-em. Cute padin naman nitong si Kenzo. Tiyak, babasagin ni Jake ang cute face niya kapag napuno siya pero may kasama kaseng goons si Kenzo kaya baka si Jake pa ang mapahamak.

Susuntukin na sana ni Jake si Kenzo nang may biglang tumawag kay Jake.

“JAKE!”

Napatingin kame sa  direksyon ng tumawag at nakita namen ang isa pa naming kaklase  at ito ay walang iba kung hindi si Nathalie. Nakakagulat ng marineg namen ang boses niya at lalo na dahel sumigaw pa siya. Medyo tahimek kase siya sa klase pwera na lang kung magrerecite siya. Lumapet siya at hinawakan niya an braso ni Jake at parang may sinabe dito. Tinignan siya ng masama ni Jake pero hindi ito nagsalita o kumibo.

“Oy Ravenna, wag ka ngang makisale dito. Alis, nerd!” at nagtawanan ang dalawang kumag na kasama ni Kenzo. Hindi sila pinansin ni Nathalie.

“Jake, pabayaan mo na sila, please.”

“Ano, Tuzon? Lalaban ka ba o susunod ka lang jan sa pangit na nerd na yan?” paghamon ni Kenzo.

“Jake, you’re better than this. Wag kang magpakababaw. For the last time, halika na.”

“Aba! At pa-English English ka pa dyan ah! Hoy, sumosobra ka ng epal na weirdo ka!”  at sa sobrang asar ni Kenzo ay itinulak niya si Nathalie. Dito na napuno si Jake at hinawakan niya ang kwelyo ni Kenzo saka inumpog ito sa pader. Nawala ang ngiti ni Kenzo at napalitan ng takot. Mukhang natakot yung dalawang kumag na kasama ni kenzo at hindi sila nakagalaw. Bago pa makamit ni Kenzo ang kamao ni Jake ay pinigilan muli siya ni Nathalie.

“JAKE. I’m begging you. Stop it.”

Huminga ng malalim si Jake at binitawan ang namumutlang si Kenzo. Umalis siya at iniwan ang napahiyang Kenzo at ang malungkot na Nathalie.

Noong hapong iyon…

“Grabe bilib ako kay Nathalie. Imagine, napigilan niya si Jake,” sabi saamin ni Yllaina habang hinihintay namen ang mga sundo namen.

“ Oo nga. Bute na lang talaga napigilan niya si Jake kung hindi, nako. Patong patong ang kaso na aabutin nun,” sabe ni Mac.

“At siguro, basag na ang mukha ni Kenzo ngayon kung hindi napigilan ni Nathalie si Jake.”

“Grabe. Isa lang si Nathalie sa kakaonting tao na pinapakinggan ni Jake. Teka, hindi ba bestfriends silang dalawa?”

“Oo, grade one palang kame lagi na magkasama ang dalawang ‘yon. Parang magkadikit na nga ang bituka nila eh. Pero ng tumungtong kame ng Highschool nag-iba si Jake. Naging heartthrob, athlete, dumami ang friends at marame pang iba habang si Nathalie, ganon paren at lalo naging pala-aral at tahimik. Medyo na-inferior si Nathalie kaya parang nagdrift apart sila pero siguro tinuturing paren nila ang isa’t isa na bestfriend,” paliwanag ni Yllaina.

“Kawawa naman pala si Nathalie. Siguro madalas siyang lonely at nag-iisa,” sabe ni Mac.

Hmmmm… I think this girl deserves better.

“Why don’t we help her?” Tanong ko sakanila.

Napangiti kaming tatlo, at dito na nagsimula ang napaka-genyo naming proyekto.

Between the Changing LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon