BTL-Reunited

16 3 0
                                    

NAT’S POV.

Pang-asar talaga yung Kenzo. Kung may lakas lang ako ng loob at kung hindi lang ako concerned para kay Jake, siguro ako pa umayaw dun. Badtrip nanaman si Jake. Ano ba kaseng sinabe ng kumag na yun sa best friend ko?

Teka, bestfriend pa nga ba?

Papunta na sana ako sa locker ko nung bigla kong nakita na nakatambay siya sa may tapat nun. Yung ulo niya nakasandal sa locker at nakapikit ang mga mata niya. Ang kamay niya nasa loob ng bulsa niya at naka earphones siya (Ayos ah. Parang walang pake sa mundo).

NGANGA.

Pwede na maging model ‘tong best friend ko eh. Okay, brief description lang sa physical features ni Jake. Mestizo, matangkad, matangos ang ilong, chocolate brown eyes at athletic build.

Pwe. Bigla tuloy akong naconscious at nagdalawang isip na pumunta sa locker ko pero dahil alam kong naandon yung mga libro ko at may test kame sa Monday, nilakasan ko na ang loob ko. Dahan dahan akong naglakad hanggang sa kaharap ko na si Jake pero kahit ganon, parang di paren niya ako napapansin. Ey. Bat ba parang nahihiya ako? Kanina ang lakas lakas ng loob ko na pigilan siya pero baket ako nagkakagannito ngayon? >_______<”

Tinapik ko ang braso niya. “Jake? Excuse me.”

Binuksan niya ang mga mata niya at tinanggal ang earphones niya. “Ano?”

“Ang sabe ko, excuse me, may kukunin kase ako sa locker ko.”

“Okay.” Nuks. Ang tipid magsalita eh. Oh well.  Kinuha ko na ang mga libro ko at inilagay ko sa bag ko. Mukha namang walang pakielam saken ‘tong “bespren” ko at mukhang busy na ulet siya sa pakikineg kaya umalis naden ako. Nagulat na lang ako ng bigla niya kong tawagin.

“Oy Nat.” seryoso ang boses niya, parang galet. Hala. Asar na’to saken kase pinigilan ko siya kanina. Pagharap ko sakanya bigla siyang nakangite, yung tipong nakakaloko at nakakatunaw para sa normal na babae. Feeling ko tuloy nagbublush ako. Halalala! Baket ako nagkakaganito?!

“Sabay na tayong umuwe.” Parang utos ang pagkakasae niya kaya napatango nalang ako. O_o

Magkalapet lang ang mga bahay namen ni Jake. Natatandaan ko pa, naging magkaibigan kame kase close ang mga magulang namen at madalas, sumasabay siya samen kapag hinahatid ako ni Mama sa School. Matagal na din kaming di nagsasabay sa paguwe.

Papalakad palabas ng school, wala saaming nagsalita. Ang awkward, grabe. Usually kase, kapag kasama ko si Jake ang daldal niya eh. Pagsakay namen ng jeep, bigla na lang siyang nagsalita.

“Bat mo ba kasi ako pinigilan kanina?”

“Jake, hindi ba’t pinagsabihan ka na ng adviser mo na kapag gumawa ka pa ng kalokohan, suspension ang abot mo or worse, baka di ka nila payagang grumaduate.”

“Ano naman sayo?” sabe niya ng mahina. Wow. Ang sakit nun ah. Hinampas ko siya ng mahina.

“Ano ba, Jake. Be reasonable. Pano na ang future mo? Ang parents mo? Magisip ka nga! Isipin mo na lang kung anong aabutin mo kapag gumawa ka nanaman ng kalokohan. At isa pa, best friend mo ako. At bilang best friend mo, responsibilidad ko na pigilan kang gumawa ng kalokohan at gabayan patungo sa tamag daan.” Oha. Ang ganda ng speech ko eh! Natawa tuloy si Jake. Ang korni nga naman kase ng sinabi ko, hindi ba?

Ginulo niya ang buhok ko. “Oo na po. Ang dame pang sinabi eh. Pero salamat naren.” Ngumiti nanaman siya ng nakakamatay.

“Gutom na ako. Kaen tayo sa Mcdo?” tanong niya. Ay grabe talaga ‘tong lalakeng ‘to. Ambiles mag change ng topic.

“Basta libre mo ko. Sige.”

“Sus. Sige na nga!”

“Mabute naman.” At napangiti na rin lang ako.  

Sa Mcdo, nung sinabe niyang ililibre niya ko, talagang nilibre niya ko.

Ang inorder ko lang kase, fries at Sundae pero sabe niya, wag daw akong mahiya at dagdagan  ko pa raw kase baka daw magsise pa’ko. Ilang minuto din nagtalo at pinagtinginan na nga kame ng tao eh hanggang sa naasar nako at umorder pako ng fries at sinamahan ko na ng dalawang cheese burger. Habang si Jake naman, dalawang chicken, fries, spaghetti, sundae, apple pie at tubeg ang inorder. Di naman kame mukhang PG no? haha! And don’t worry, kung iniisip niyong tataba kame dahil dito, hindi yun possible at isa pa, may special power kame ni Jake. Kahet gaano karame ang kainin namen, di kame tumataba. Ewan. Weirdo kami eh.

“ Mukha tayong hindi kumain  ng ilang araw ah,” sabe ko pagkakaupo namen.

“Eh gutom ako eh. Di kase ako kumaen ng lunch,” sabe niya. Grabe talaga ‘to eh,

“Ah. Okay. SALAMAT NGA PALA!” at nginitian ko siya. Habang tahimek kaming kumakaen, may biglang sumagi sa utak ko. FACEPALM.

“Oy, Tuzon, may kailangan ka bang pabor?”ang baet ko eh. Pinagisipan ba naman ang best friend ng masama. Pero alam ko kase na minsan, bago huminge ng pabor si Jake, manlilibre muna siya ng bonggang bongga or may gagawin siyang special.

Hala. Mukhang male nasabe ko ah kase parang napikon siya. Nako Nat. ang galing mo talaga!

“Oy, Ravenna, pabor agad? Hindi ba pwedeng gutom lang talaga ako at mabait lang talaga akong best friend kaya nilibre kita?” sabe niya at inubos ang chicken na hawak niya.

“Seryoso nga kase. Ano nga ‘yon? Okay lang naman sakin eh.” ANO BANG LUMALABAS SA BIBIG KO?!

“Ano ba, Ravenna. Gusto ko lang talaga kumaen at manlibre, okay? As simple as that.”

“Nako, Tuzon. Baka naman nagiguilty ka lang kaya ganyan ka,” pilit ko.

Huminga siya ng malalim.

“Sabihin na lang naten na gusto ko lang bumawe sayo kase naging masama akon best  friend. Ngayon ko lang kase narealize kung gaano ka kaastig eh.”

Sinuntok ko siya sa braso.

“Bat mo ko sinuntok?!”

“Eh kase antagal mo marealize na astig talaga akong best friend eh. Dati pa kaya!”

“Kapal mo!” sabe niya. Todo ngiti naman ako.

“Oo na! Oy! Tama na nga at kumaen na lang tayo. Baka lumake pa lalo yang utak mo eh.

At tumawa na lang kaming dalawa.

Ang saya ng araw na ito!!!

Pag-uwi ko sa bahay, abot tenga paren ang ngiti ko at mabilis ang tibok ng puso ko. Siguro masaya lang talaga ako dahil sa hindi ko inaasahan, magkakaayos pala kame ng best friend ko! Yey! Best friends na talaga ulet kame! Parang kanina lang iniisip ko na hindi na kame mag best friends tapos biglang nabago ang lahat ng yun. Ang galing! It’s almost too good to be true!

Between the Changing LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon