"A one-shot story of Keachy: Text Messages"

45 1 0
                                    


"A one-shot story of Keachy: Text Messages"

ni Aquira

-

Ikaw si Keachy, maganda ka't mabait subalit kagaya ng kaklase mong si Tet ay myembro ka rin ng Flatima Org.

-

Isang araw maaga kang gumising kasi hinahanda mo ang sarili mo para sa makeup class mo sa isang major. Kinusot mo ang namumungay mong mga mata at kinuha ang mga mutang tira-tira. Matapos ay pinilit mong inalis ang sarili mo sa kama upang masimulan na ang ritwal mo tuwing umaga.-Nag-agahan ka pagkatapos ay may pa research ka pang nalalaman, facebook at instagram naman talaga ang inatupag mo. Tapos ayon, wala kang nakalap na impormasyon kasi iba ang inuna mo, edi nganga ka na niyan mamaya sa klase niyo.

-

Ngayon, nakaramdam ka na ng kaba at pag-aalala na baka hindi mo masagot ang tanong na maaaring ibato sa'yo ng gwapo mong guro. Huminga ka nang malalim at iniling ang ulo, "Focus Keachy, this is for your bright future!" pagkukumbinsi mo sa sarili mo.

-

Sisimulan mo na sanang basahin ang aklat mo sa Modernong Europa pero tumawag si Choco Pie mo, kaya ayon! Nakipagharutan ka muna sa kanya, daming time eh. Nag liparan na ang mga matatamis niyong salita't mga kaliwa't kanang "I love you at I miss you!"

-

Natapos ang tawag, nabagabag ka na naman ulit. Paano na iyan? Absent nalang ang sulosyong naisip mo pero ilang sandali lang tumunog ulit ang selpon mo dahil sa mensahe mula sa guro mo. Napangiti ka nalang at napayapa ang isip dahil sa nabasa; " HIST 141 A3 - Europe class. Be informed that our make up class today will be canceled. History faculty wil be out of the campus today. see u tom in our regular class session."

-

Ayon! Ang lapad ng ngiti mo, abot hanggang Mars. Feeling chill ka na ngayon at binalak na matulog na lang ulit total ay inaantok ka pa at pagod sa ginawang pag-scroll sa selpon mo. -Pumunta ka sa kwarto mo ulit, humiga sa malambot mong kama at ipinikit mo na ang mga mata mo at hinanda na ang sarili para sa maaaring mapanaginipan mo ngayon. -Hindi ka pa man nakakatulog nang tuluyan ay tumunog at nag-vibrate ang selpon mo sa bulsa. Inis mo pang kinuha ito sa bulsa.

-

"Storbo sa tulog!" reklamo mo pa pero napabangon ka kaagad sa mula sa pagkakahiga dahil sa mensaheng nabasa mo. Unti-unting nanlaki ang may kasingkitan mong mga mata at nabuhaya kang bigla. Nagning-ning pa ang mga mata mo at lumundag-lundag sa kagalakan ang puso mo.

-

Napasigaw ka pa ng "YES!" dahil sa tuwa.-Nag-online ka kaagad sa Facebook mo at pinasa ang magandang mensahe mula sa admin ng pamantasan niyo. Nanginginig pa ang kamay mo habang tinitipa ito; "guys, may payroll na ang 2nd batch!"

-

Nagreply naman kaagad ang kaklase mong si Mang Kano, "Attack! Hahaha" na sinundan naman ni Tet na halos hindi makapaniwala.

-

"Gaano ka totoo ito?" tanong niya pa kaya pinasa mo ang eksaktong mensaheng natanggap mo.

-

"Td2nd batch 2 -ATTENTION: All 2nd sem AY2017-2018 SUCs-TDP grantees 2nd batch please sign your second sem payroll at the Office of Administration. Oh ayan! Kukuntrahin niyo pa message ng Admin?" Pagkasend mo niyan dumagsa ang chat sa group chat niyo, nakiepal pa ang mukhang perang kaklase mong si Tet.

-

"Bukas na ako peperma, hindi e-rerelease ang pera hanggat hindi ako pumeperma 😎" pag-epal ni Tet sa GC niyo.

-

Natawa ka na lamang habang nagtitipa. "Bahala ka. Maliligo na ako ngayon ako peperma. Bye guys!" at nag-logout ka na.

-

'6k come to momma!'

-

Wakas

SULOGWhere stories live. Discover now