Dating tagpuan
Ni AquiraMahal ko, naririto akong muli sa ating dating tagpuan. Nakatulala sa kawalan habang iniisip ang dati nating pagsuyo. Dito tayo unang nagkita, naaalala mo pa ba? Naglalaba ako sa tabing ilog habang ikaw ay masiglang lumalangoy. Mga mata mo pang mapupungay ay panakaw-nakaw ng tingin sa akin. Hindi ka nakatiis at ako'y nilapitan mo. Ang sabi mo pa nga, kaibigan lang ang nais mo pero hindi naglaon tayo'y nauwi sa pag-iibigan.
Masaya tayo noon kahit na ang relasyon natin ay patago. Hindi ako gusto ng iyong ina 'pagkat malayo ang estado natin sa buhay pero mahal, ipinaglaban mo ako. Nanatili ka sa tabi ko at sabay nating hinarap ang lahat ng mga pagsubok.
Napatawa na lamang ako nang hilaw. Hindi ko alam na ganito pala kasakit magabalik-tanaw sa mga masasayang alaala natin mahal.
Tandang-tanda ko pa, dito sa lugar na ito natin unang nalasap ang langit na tayo ang lumikha. Sabi mo pa na ang bawat halinghing ko ay tila musika sa iyong tainga.
Mahal, tandang-tanda ko pa rin ang lahat ng pangakong sinambit ng mga labi mo noong panahong nagpaalam ako sa'yo! Ang sabi mo hihintayin mo ang pagbabalik ko. Isang lingo pa lamang ako roon sa Dubai pero nangungulila na kaagad ako sayo. Hinahanap-hanap ko na ang mainit mong yakap at ang malambot mong mga labi.Mahal, nagtiis ako sa ibang bansa sa loob ng limang taon sa pag-aakalang may uuwian pa ako rito subalit pagbalik ko...mahal, ikinasal ka na pala sa kaibigan ko! Ang saklap nang sinapit ko Antonio. Para akong nasaksak patalikod.
Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin ang lahat lalo na noong humingi ka ng tawad sa akin at nagmakaawang pakawalan na kita.
"Antonio, mahal na mahal kita kaya pagbibigyan kita sa nais mo. Pakakawalan na kita," sambit ko habang yakap-yakap ka ngayon. Masaya ako dahil nakipagtagpo ka sa akin dito sa ating dating tagpuan. Mahal na mahal kita Antonio at wala na akong mamahalin pang iba maliban sa 'yo. Kailanman ay di kita malilimutan.Napangisi na lamang ako't kinalas na ang yakap sa 'yo. Mga ngiti sa labi ko ay nabura at pinagmasdan na lang kita nang may pagkamuhi, "Pero mahal, kung hindi ka lang din naman magiging akin mas makabubuti na ang mawala ka para wala nang makinabang sa'yo," sambit ko bago hugutin at itapon sa ilog ang kutsilyong isinaksak ko sa dibdib mo kanina lamang.
"Ayan, Malaya ka na. Paalam na mahal ko," sabi ko bago ko tuluyang itulak sa rumaragasang tubig ang katawan mo.
-
WakasTrip trip ko lang hahahha ewan ko ba kung bakit ganito isinulat ko
YOU ARE READING
SULOG
Short StoryUmupo ako sa ilog Dumating ang bagyo Lumakas ang agos Sa halip na tumayo Ako'y nanatili At nagpatianod sa SULOG! -10-12-18- -AquiraWP Ito ay koleksyon ng mga dagli na karaniwang nangyayari sa pang-araw-araw na buhay. Go with the flow. Free flow stor...