"Map Quiz"
Ni Aquira
Tinupi ko ang mapa at maingat na itinago sa aking bag. Napangiti ako dahil maalam na ako sa mga bansa sa Europe. Pancit lang sa akin ang lahat!
-
Sa katunayan ay malayo na ang narating ko. Napadpad na ako sa Iceland hanggang sa Malta. Halos nalibot ko na nga ang buong Eupore—paulit-ulit pa. Halos makabisado ko na nga ang lahat – mapa-opisyal man nilang pangalan, lengwahe, relihiyon at capital city! Kaya kampante ako ngayon na maipapasa ko ang pagsusulit naming ito.
-
"Get one and pass," sabi ng guro ko.
Huminga ako nang malalim.
Heto na! Magsisimula na ang pagsusulit!
-
Pagkatanggap pa lamang sa papel lahat ay napayuko, seryoso at natahimik. Ang iba'y pumipikit maalala lamang ang napag-aralan.
-Lumipas ang dalawampung minuto at wala paring nagpapasa. Nagkibit balikat na lamang ako't ipinagpatuloy ang pagsagot.
-
"Pst! Paks!" Dinig kong sitsit mula sa likuran ko. Lumingon ako saglit at nakita kong tinuturo ni Nobs ang papel niya, ang daming blangko!-
Dahil hindi ako maramot, iniatras ko ang papel ko, tama lang para makita niya ang sagot ko.-
"Bwesit! Ang liit ng mga letra!" reklamo niya kaya lihim na lamang akong napangiti.
-
Ipinagpatuloy ko ang pagsagot nang nakangiti pa pero napahinto ako.-
Hmm...May bilog sa gitna. Aha! Bandera ng Macedonia ito.
-
Isinulat ko kaagad ang sagot bago ko pinagtuonan ng pansin ang ibang mga larawan pero bigla akong napapikit at napaisip nang matagal. Itim, dilaw, pula ang pahigang kulay ng bandera. Dalawa lang ang bansang alam ko na may ganitong kulay ng bandera ang Germany at Belgium pero hindi ko matukoy kung alin sa dalawa ang sagot.
-
Aaminin ko, hindi ako masiyadong maalam sa mga bandera ng bawat lugar sa Europa at kung hindi ako kikilos ngayon, masasayang ko ang limampung puntos.
-
Sir, patawad gipit lang talaga.
-
Binaling ko pakanan ang ulo ko at pasimpleng tumingin sa papel ni Jetro subalit nahuli niya ako kaya tinabunan niya ang papel niya gamit ang kamay niya.
-
'Damot! Bumagsak ka sana!' pabulong kong sabi tama lamang para sa sarili ko.
-
Ibinalik ko na lamang ang atensyon ko sa sariling papel bago pumikit at pilit na inaalala ang imahe ng mapa ng Albania."Ten minutes left," anonsyo ng Guro ko.
-
Anak ka nga naman ng tinola oh! Labinlima pa lamang ang nasasagutan ko sa mga bandera.
-
Nanlalamig na ang mga palad ko't pinagpapawisan na rin ako subalit kahit anong pilit pa man ay hindi ko talaga maalala! Napakamot na lang ako ng ulo at lihim na nagdasal, "Sana lumabas si Sir saglit."
-
At iyon! Dininig ng Maykapal ang panalangin ko. Tumunog ang selpon ni Sir!-
Nakiramdam muna ako saglit at umaktong parang walang nangyari pero sa oras na tumayo siya at lumabas para sagutin ang tawag ay kaagad na nagkagulo sa loob, ang dami nang nag-iingay! Parang merkado, mga sagot nga lang ang binebenta!
-
"Tin! Flags!" Sabi ko sa katabi ko sa kaliwa.-
Lumingon muna siya sa akin bago niya pinakita ang papel niya.
-
Santisima! Hindi ko makita nang maayos dahil malabo ang mata ko at hindi ko pa suot ang salamin ko. Ang ginawa ko na lamang ay nag-ala giraffe ako. Tumingin ako sa papel niya at kinabisado ang pagkasunod-sunod ng mga flags. Grabe ang kaba sa dibdib ko dahil hindi ako sanay sa ganito. Gipit lang talaga kaya napasubo!
"4, 21, 46, 50, 1..." pagsasaulo ko.
-
Isinulat ko ang lahat ng nakabisa ko pagkatapos ay tumingin ulit ako sa papel niya at kinabisa ang iilang hindi ko nasagutan.-
"30, 15, 8, 9," pagkakabisa ko ulit.
Pag-angat ko sa ulo ko ay napaawang kaagad ang mga labi ko, tila ba parang nahinto ang ikot ng mundo ko. Napalunok ako sa sarili kong laway at halos malagutan na ng hininga, si Sir nakatingin. Naalala ko glass door pala ang pintuan namin na nasa gilid lamang ni Tin.
-
Wakas02.26.18
YOU ARE READING
SULOG
Short StoryUmupo ako sa ilog Dumating ang bagyo Lumakas ang agos Sa halip na tumayo Ako'y nanatili At nagpatianod sa SULOG! -10-12-18- -AquiraWP Ito ay koleksyon ng mga dagli na karaniwang nangyayari sa pang-araw-araw na buhay. Go with the flow. Free flow stor...