Kahit isang beses ba naisip mo
Kung paano umiikot ang mundo
Sa mga taong lugmok sa hirap
Ni hindi nakatikim ng kahit na anong sarapKahit isang beses ba naisip mo
Kung gaano kalungkot ang mundo
Ng mga taong buhay ang kalaban
Ni wala manlang masandalanMga santo'y dadasalan
Aasa sa kaunting biyayang kanilang makakamtan
Aantayin ang paglubog ng araw at ito'y pagmamasdan
Saka hihintayin ang bagong pag-asa na hatid ng kinabukasan
Habang iniisip kung bakit nga ba ang pagiging mahirap ay parang kanilang kasalanan.
BINABASA MO ANG
Patlang
PoetryMga tulang may tugma na nagdurugtong sa patlang sa pagitan ng puso't mga salita.