Matchmaker

16 7 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.






3rd Person's POV

Lumipas ang mga araw at umoonti na ang mga costumer ni Criselle. Si Criselle ay isang part-time matchmaker.

Pasado Alas-otso na ng gabi at napagisipan ni Criselle na isarado na ang shop ng tita niya nang may dumating na isang lasing na lalaki.

"Hoy! Diba isa kang Match-huk maker! Balita ko-huk isa kang maga-huk ling na Matchmaker. Huk- kaya hanapan mo ako ng babae. "

Hindi malaman ni Criselle ang gagawin sa lalaki dahil alam niyang lasing lamang ito at hindi totoo ang pinag sasabi nito.

"Uhm... kuya sarado na po kasi kami eh. May mga ibang Matchmaker po doon sa kabilang kanto, doon na lang po kayo."

Nataranta na si Criselle at dali daling tumakbo palabas ngunit nahigit siya ng lalaki at nagulat ito sa sumunod na nangyari.

Hinalikan siya nito. Nag pumiglas si Criselle at sinampal ang lalaki. Mukhang natauhan ang lalaki ngunit imbes na mag hingi ng tawad ay tumakbo ito papalabas.

Umuwi si Criselle sa bahay nila nang luhaan at masama ang loob. Hindi nito matanggap na isang lasing na lalaki ang kumuha ng kaniyang unang halik.

Lumipas ang tatlong taon at bumalik na sa lahat ang dati. Hindi na muling nagtagpo ang landas nina Criselle at nung lalaki.

Alas-tres palang ng hapon ay bigla siyang tinawagan ng tita niya.

"Tita, ba't napatawag ka? "

"E-elle, uwi k-ka na. Hindi a-ako makah-hinga. E---"

Nagulat si Criselle nang biglang namatay ang tawag kaya dali dali siyang nagpaalam sa kasamahan niya. Sumakay siya ng taxi pauwi.

" Tita! Tita! Andito na po ako!"

"Oh, Elle dumating ka na pala. Halika na at magpalit. " bati sa kanya ng kaniyang tita.

Nagulat siya nang makita ang kaniyang tita na masigla at mukhang masaya.

" Eh, tita. Diba sabi niyo po di po kayo maka hinga?" takang tanong nito.

"Eh kasi alam ko naman na di ka na naman kumakain sa trabaho niyo. Sinasabi kaya yun sa akin ng kasamahan mo. " paliwanag ng kanyang tiyahin.

" Naman tita! Pinag alala niya po ako. Akala ko talaga eh may nangyaring masama sa iyo. Babalik na po ako sa trabaho. " akmang aalis na siya ng magsalita ang tita niya.

" Hindi. Magpalit ka na at lalabas tayo. "

Sa una ay tututol sana si Criselle, ang kaso tinignan siya ng masama ng kaniyang tita kaya wala itong nagawa kundi sumunod.

" Hays, sige na nga lang. " Napag isipan niyang sundin nalang ang kaniyang tita dahil hindi naman ito mababago ang kaniyang desisyon.

Nagpalit na si Criselle at pumunta sila sa McDonalds. Nag hanap nang mauupuan ang kaniyang tita habang siya ay dumiretso sa counter. Bumalik siya sa upuan at di nagtagal ay dumating na ang pagkain. Habang kumakain ay biglang--

" Magandang hapon po Tita Annabelle."

Hindi na nag abalang tignan ni Criselle ang sumulpot at kumain na lang nang kumain. Ngunit sa isip isipan nito ay nagiisip siya kung bakit parang pamilyar ang boses nito. Pero binalewala na lang niya ito.

"Oh magandang hapon ijo. Maupo ka." anyaya sa kaniya ng tita ni Criselle.

"Siya nga pala. Siya ang nag iisa kong pamangkin si Elle. Elle, meet your soon to be husband, Mark Andrei De Castro. "

Nagulat siya sa sinabi na kanyang tita at tumingala siya. Ngunit mas lalo pa siyang nagulat nang makita kung sino ang lalaking nasa harapan niya.

Hindi niya inaasahan na makikita niyang muli ang lalaking ito. Ang lalaki na hindi mawala-wala sa isip niya. Ang lalaking hinalikan siya ng walang dahilan.

Ayaw man niyang ipahiya ang kaniyang tita ay bigla siyang tumayo at lumabas ng McDonalds. Ilang beses siyang tinawag ng kaniyang tiyahin ngunit hindi ito lumingon.

Magkatapos ang pagkikita nina Mark Andrei at Criselle ay hindi na muling bumalik sa bahay nang kaniyang tiyahin si Criselle.

~The End~

#TatakPL

VX7569'S Compilation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon