Tapos na akong naglaba at tinawag na pala ako ni Tita. Pag ako nay nakapasok doon baka aasarin naman ako ng dalawa. Di ko nga alam kung ano ang gagawin ko doon pero ang sabi ni Tita ay kakain daw kami ng pinakamaanghang niyang rice cake. Masarap yun.Nag-ayos muna ako ng buhok at tsaka nagbihis ng maayos. Kailangan ko palang ibalita 'to kina Gwen at Mia.
Sinara ko na ang pinto ng bahay at pagkatapos ay umalis na. Konting lakad lang naman at dadating na ako sa bahay nina Andrei.
Kakatok na sana ako nang binuksan ito ni Rafa. Tsk. Lintik na batang 'to ah. Muntikan ko na sanang nakatok ang noo niya.
Ni hindi nga lang siya ngumiti sa akin. Magkaparehas nga talaga sila ng kanyang kuya. Suplado at masungit tapos mahilig pang man-asar. Tsk.
Pumasok na ako at nakita kong nakapwesto na sila. Mabilis silang kumilos kaya madali nilang nalinis at naayos ang bahay.
Bilib talaga ako kay Tita, ang ganda mag-arrange ng mga gamit.
"Magandang araw po sa inyo," masigla kong bati. Masayang-masaya sila pero si Andrei ay ang cold kung tingnan.
"Magandang araw rin sa iyo ija," bati ni Tito Mario.
Ngumiti lang ako.
"Arianne anak. Umupo ka diyan sa tabi ni Andrei. Alam kong mahilig ka sa maaanghang."
Si Tita ay pinaupo ako sa tabi ni Andrei?! Omo! Kyaa!! Halatang tumutulo ang pawis ko kahit may aircon ang bahay nila.
Sino bang di nenerbyos pag sabihan kang makatabi mo ang iyong crush?
Ayiee...
Umupo na ako sa tabi niya. He just smirked at pagkatapos ay mukhang may malalim na iniisip.
"Heto na ang ating meryenda. Kainin niyo ah," sabi ni Tita.
Mukhang masarap nga. Yum. Ang pinakapaborito ko kasing panmeryenda ay ang pinakamaanghang na rice cake lalo na pag si Tita at si Mama ang magluto.
Kumain lang ako nang kumain. Ang sarap talaga tapos ang anghang.
Kaharap ko si Rafael ngayon at halatang nag-iinarte siya. Psh. How dare him to stare at me like that?
"Tingnan mo nga silang dalawa honey. Bagay na bagay talaga silang dalawa," sabi ni Tita.
Namumula ang mga pisngi ko dahil sa sinabi ni Tita. Kami? Bagay? Hephephep. Baka pwede. Hehe.
Ngumiti ako at si Andrei naman ay parang wala lang. Gusto ko yung sinabi ni Tita na bagay raw kami at di tao. Ayiee.
"Oo nga honey. Soon to be Mrs. Lopez," sabi naman ni Tito sabay taas ang kanang kamay at tumingin sa itaas.
Ako raw ay Soon to be Mrs. Lopez? Mukhang di ako bagay sa apelyedong Lopez.
"Kayo talaga Tita at Tito. May iba pong gusto si Andrei,"
"Tsk. Pabayaan niyo na kami. Bagay naman talaga kayo ah. Dibale, papuntahin mo si Megan anak, ngayon na ngayon na, gusto kong kaming tatlo nina Arianne ay magkukwentuhan"
Tiningnan ako ng masama ni Andrei. Anong problema niya? Totoo naman ang sinabi ko ah. Parang galit.
Kami ay nagkukwentuhan tungkol sa mga masasayang mga ala-ala. Magkumpare sina Papa at Tito kaya close na close ang mga pamilya namin.
Natapos na rin kaming kumain. Tinulungan ko na si Tita na magligpit habang si Andrei naman ay naliligo. Excited na makita si Megan eh.
"Arianne. Pakilagay nga ito sa itaas dun sa kwarto ni Andrei," utos ni Tita sabay bigay sa akin ang mga damit ni Andrei.
Ang bango. Umakyat na ako sa itaas at pumasok na sa silid niya. Binuksan ko ang closet niya at pagkatapos ay nilagay ko na ang mga bagong damit niya.
Paalis na sana ako nang may nakita akong isang album. Puno ng mga litrato.
Naala-ala ko 'to. Litrato ito nong mga bata palang kami. Ang cute namin dito. Naglalaro ng bahay-bahayan at tsaka patentero. Ang saya-saya ng ala-alang iyun.
May nakita akong isang litrato ni Andrei. Bata pa siya dito at ang cute niya dito na kasing cute niya ngayon.
Tumatawa lang ako dahil sa mga litratong tinitingnan ko pero nang marinig ko ang boses ni Andrei...
"Magbibihis muna ako. Paupuin niyo nalang po siya," patay. Papasok na si Andrei. Ano na ang gagawin ko? Kung malalaman niya na ginalaw ko ang album niya ay siguradong lagot ako.
Isip muna. Binalik ko na ang album niya at pagkatapos ay nagtago nalang ako sa closet niya.
Mga sandali ay pumasok na siya at nakita kong nakatapis lang siya ng tuwalya. Omo! May mga abs siya. Balewala lang naman yang abs niya sa akin.
Ang gwapo niya tingnan sa buhok niyang mabasa ngayon.
Wala pala siyang damit na nakahanda kaya malamang kukuha siya dito sa closet niya.
Lagot. Saan na ako tatago?
Ekkk..
Nanlaki ang mga mata ko at naningkit naman ang mga mata niya. Anong ibig sabihin nun?
Tiningnan niya lang ang braso ko hanggang sa tiningnan niya ang dibdib ko. Wag po!
Tiningnan ko naman ang dibdib ko baka assumera ako.
Ahh!!! Ipis!
Talon lang ako nang talon pero pinigilan niyang makasigaw ako. Pinatay niya nalang ang ipis at pagkatapos ay natumba kami.
Nakahiga ako sa kanya. Mabuti nalang ay di natanggal ang tapis niya kundi..
Wag na..
Tok. Tok. Tok. "Andrei? Ba't ang tagal mo? Okay ka lang ba?" boses yun ni Megan ah. Parang bubuksan niya na ang pinto.
Lagot.
"Shh" tinakpan ni Andrei ang bibig ko ng kamay niya at pagkatapos ay nagtago kaming dalawa sa closet niya.
Magkadikit kaming dalawa at pagkatapos ay tinitingnan niya lang sa may mga butas kung umalis na ba si Megan.
Phew. Mabuti nalang at umalis na si Megan.
"Anong tinitingnan mo diyan?" asar niya.
"Nandidiri ako sayo Andrei. Hinawakan mo ang ipis. Makaalis nalang nga. Baka kung ano pa ang gagawin mo," ang pagpapanggap kong sabi.
Namumula naman ang mga pisngi ko dahil sa kakiligan at sa kahihiyan. Muntikan yun. Pero nagpasalamat ako kay ipis. Haha.
Lumabas na ako sa silid niya. Grabe, halos magkadikit na ang mga mukha namin kanina. Maginaw ang kanyang balat at tsaka ang puti niya. May mapupula siyang labi.
Pero bakit di siya nagalit sa akin?
BINABASA MO ANG
MY CRUSH NEXT DOOR
Teen Fiction"Some days I just can't stop thinking about you, and other days I wonder why I'm wasting my time." "I don't even know why I like you. But I just do." "Bakit nga ba tinatawag itong crush? Dahil ito'y isang nararamdaman mo sa isang tao na di nararamda...