CHAPTER 5

11 5 1
                                        

Ang tangkad at ang gwapo nga ng Bryan na 'to. Parang ngayon ko nga lang siya nakita, at tsaka iba ang school uniform niya. Baka sa ibang school nanggaling.

"Pasensiya na," sabi ko tapos sign of peace. Mukhang mabait siya at maginoo. "Um.. Arianne Hernandez nga pala."

Ano kaya ang ginagawa ng napakagwapong nilalang dito sa campus namin? Baka may hinahanap.

"Masaya akong makilala ka. Oo nga pala, kilala mo ba si Andrei Lopez?"

Si Andrei? Ano na naman ang kailangan niya kay Andrei? Eh, baka may sinalihang gang-gang yun si Andrei. Wag naman sana.

Baliw ka talaga Arianne. Ba't mo naman maiisip yun? Hayst. Mabait yun si Andrei eh kaso lang masungit yun at cold sa akin.

Di ko sasabihin sa kanya na kilala ko si Andrei. Ayaw ko kaseng makitang naghoholding hands o sweet na sweet ang dalawa.

"Di ko kilala. Sorry ah."

"Ako! Kilala ko si Andrei," singit ni Mia. Lintik 'tong kaibigan ko. Baka dadalhin niya kami sa kanila. "At ikaw naman Arianne, papanggap-panggap ka pa diyan eh crush mo nga si Andrei," amputek talaga ng bunganga ng babaeng 'to.

Aalis na sana ako ng diretsuhan nang biglang hinawakan ni Bryan ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya.

Kinikilig ako...

Wag kang kikiligin Arianne. Di mo siya crush. Pa'no ba kase, nung hinila niya ako ay ningitian niya ako na nakakakilig.

Tama na nga.

"Di mo pala nabanggit na may gusto ka kay Andrei," asar niya tapos ngumiti na naman.

Jusko. Tigilan na sana ako ng tatlo. Tawa lang nang tawa sina Gwen, Mia at Bryan. Sige. Ganyan naman talaga ang ginagawa ng lahat pag kaharap ako, ang tawanan lang nila at di siniseryoso.

"Dalhin niyo nalang nga ako sa kanya," utos ni Bryan. Gigil na ako.

Pinuntahan agad namin sina Andrei. Nagmamadali kase 'tong si Bryan eh. Nakita ko si Andrei na mag-isa sa lugar kung saan kami huminto kanina.

Ba't parang wala si Megan? Naging sila na ba? Sinagot ba ni Andrei ang panliligaw ni Megan?

Kung nagkatuluyan nga sila ay nakakalungkot, nakakasakit ng puso. Pag hindi ay nakakatanggal stress at nakakaganang magpursege.

Ewan.

"Drei? Di mo ba ako kamumustahin?" Si Bryan. Mukhang close sila dahil sa ginagawa nila ngayon. Nag-bro hug lang naman sila at pagkatapos ay nagtatawanan.

Kaano-ano ba ni Bryan si Andrei?

"Drei. Crush ka pala ng—," pinutol ko agad ang sinabi ni Bryan kay Andrei dahil alam ko kung paulit-ulit na maririnig niya yun ay magagalit siya kaya ayun.

Tinakpan ko ang bibig ni Bryan gamit ang kamay ko. Pumalayo kami kina Andrei at tiningnan ko siya sa mata.

Baka iisipin niyong may gusto ako sa Bryan 'tong ah, pero wala.

"Bryan naman eh. Wag mong sabihin kay Andrei dahil mapapahiya lang ako," pagsisinungaling ko. Alam ko naman na masama ang magsinungaling.

Pero ayaw kong magalit ulit si Andrei sa akin gaya ng dati.

"Alam mo Arianne, ang cute mong tingnan pag mukhang nagagalit ka,"

Nang-aasar ba 'tong si Bryan? O baka totoo nga. Hihi. Assuming ko naman.

"Wag ka. Hmp! Papasok na ako sa klase. Maiwan na kita diyan," sabi ko tapos alis agad.

Hindi ko na inisip yung sinabi niya dahil nakakagulo ng utak. May mga assignments, projects, performances at lalo nang nakakagulo ng utak si Andrei. Yung tipong kailangan mo pang mag-alala kung sino ba talaga ang makakatuluyan ng crush mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY CRUSH NEXT DOORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon