CHAPTER 2

5 3 0
                                        


Naging masaya ang araw ko kaya dapat ipagluluto ko si Mama ng masasarap na mga pagkain.

Kanina nga pala ay di na ako nakinig sa mga guro dahil sa nagkaface to face kami ni Andrei kanina nang malapitan.

Nagluto lang ako ng paborito naming mami na may malalaking itlog. Masarap yun.

Inantay ko nalang si mama pero dumating siya ng mga 45 minutes late. Nakita ko siyang may dala-dalang mga mabibigat na gamit na galing sa mga katrabaho niyang ipinamigay sa kanya.

Sinalubong ko siya ng malaking ngiti at akoy bumati sa kanya.

"Ba't parang ang saya-saya mo ngayon?" tanong niya.

"Wala po 'to ma," sagot ko. "Ma? Ano po yan?"

Ngumiti siya sa akin at pagkatapos ay
dumiretso na siyang umakyat sa taas. Pagod ba siya? Di ba niya kakainin ang niluto ko? Sayang naman nito, ako nalang nga ang kakain.

Kumain na ako habang kinakausap ko si Mia sa telepono.

"Mia."

[Bes! Binigyan ako ni Dexter the gangster ng isang bouquet ng mga madambuhalang rosas. Ang ganda sobra]

Mabuti pa siya ay binigyan siya ng ganun samantalang ako naman ay wala pa masking isang taong bumigay sa akin ng mga ganun-ganun na mga bagay.

"Sagutin mo na kase."

[Pero study first di ba?]

"Oo nga pala, may point ka."

[Sabado bukas. Anong gagawin mo? Kase kami ni Gwen ay magmo-movie marathon.]

Di nila ako isasama? Tsk. Bahala na sila. Makikinig nalang ako sa kantang kinanta ni Andrei bukas dito sa bahay.

"Bahala na kayo. Basta ako ay makikinig nalang ako sa napakagandang boses ni Andrei. Bye. Tulog na ako."

*Call ended

Umakyat na ako sa taas at pumunta sa aking silid. Humiga na ako at huminga ng malalim.

Di ko pa rin maalis sa isip ko yung nangyari kanina sa amin ni Andrei. Sino bang di kikiligin sa accidente niyang yun?

Ayiee.

Tutulog nalang nga.

**

Tiktilaok!!!

Ang sarap ng tulog ko. May maganda akong panaginip at malapit na sana kaming magkiss ni Andrei kaso ginising ako ni Haring Manok namin.

Hayst.

Bumangon na ako at inayos ko na ang aking higaan. Kailangan ko palang maglaba dahil sabado na.

May ka date na naman ako. Ang kadate ko ay aking lab—labhunon.

Pagbaba ko ay wala na si mama. Ang aga palang umalis niya, di man lang nagpaalam.

Di ko nga alam kung ba't ganito si mama. Naging ganito lang naman siya nung nawala na si papa. Noon ay masaya kami—masasayang pamilya dito sa mundo. Pero ngayon ay parang wala na at parang nakalimutan na ang lahat-lahat na naging masasayang ala-ala namin.

Tinenenenen...

Nagtext pala si Gwen sa akin sa maliit Kong keypad. Nokia ang brand kasi original.

FROM GWEN

Arianne, sasama ka bang manonood ng movie dito sa bahay?

Tsk. Bahala na sila sa mga buhay nila. Okey lang kasi sa kanila na di gagawin ang mga gawaing bahay dahil much money kaya may yaya. Donya nila ah.

Nagluto muna ako ng ulam dahil may kanin na at ulam nalang ang wala pa. Ako na nga lang ang palaging kumakain ng mag-isa kaya so lonely.

Kumain na ako at iniisip ko pa rin ang nangyari kahapon. Di ako makaget over. Mas lalo akong kinikilig pag iniisip ko yun parati.

Tapos na akong kumain at may nakita akong isang sulat sa ref. Isinulat pala ito ni mama. Kailangan ko pa palang ilagay sa may gate ang basura para kukunin na ito ng mga basurero.

Kinuha ko na ang isang bag ng mga basura at tsaka lumabas. Inilagay ko nalang ito sa may tapat ng gate at tsaka may biglang bumusena sa akin. Ang lakas ng dating.

Tiningnan ko nalang ang sasakyan hanggang sa pumwesto ito sa kapitbahay namin.

Bumaba ang mga sakay nito at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Andrei na suot-suot ang kanyang sunglass. Ang lakas nga ng dating niya. Ano bang ginagawa niya dito at tsaka— nina Tito at Tita?

Nanlaki lang ang mga mata ko, hindi ko pala alam na kinakausap ako ni tita Eunice ang nanay ni Andrei.

"Arianne? Anak? Okay ka lang ba?"

"Ahh.. Okey lang po ako Tita. Di ko po kase alam na kinakausap niyo pala ako," sagot ko.

Maganda ang mama niya at halatang kamukha niya si Andrei. May kapatid naman siya na si Rafael. Ang sungit ng kapatid gaya niya. Mabait ang mga magulang niya kaya ginigalang ko sila ng sobra.

"Dito na kami titira dahil ang init dun sa dating lugar namin. Punta ka mamaya sa bahay ah dahil nagluluto ako ng napakaanghang kong rice cake," sambit ni Tita.

Tumango lang ako tapos umalis na siya. Di ako makapaniwalang magkapit-bahay na kami ni Andrei. Ayiee.

Tinititigan ko lang siya habang tinitingnan niya ng maayos ang kanilang bahay. Ang gwapo. Di ko na naman namalayang tumingin siya sa akin.

Patay.

"Anong tini-tingnan mo riyan?"

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong nilapitan at kinausap. Wahh!!

Halatang namumula na ang mga pisngi ko. Nenerbyos kasi ako pag tuwing kaharap at kinakausap ako ni Andrei.

Mas lalo pang tumibok ng malakas ang dibdib ko.

Wala na akong maisip o magawa. Ni di nga ako makakasot at makakasalita dahil sa tiningnan niya ako, sa mata ko mismo. Kyaa!!

Nahiya na ako. Umalis agad ako sa harapan niya at tsaka pumasok agad sa loob.

Phew. Nakakahiya. Mabilis pa rin ang kabog ng dibidib ko. Di nga ako makakahinga ng maayos dahil sa nagface to face na naman kami ni Andrei kanina.

Paano nalang pag pupunta ako mamaya sa kanila, baka aasarin na naman niya ako gaya nong mga bata pa lang kami.

Kailangan ko pa palang maglaba at maglinis ng bahay. Saka na ako pupunta kina Andrei nang matapos na ang mga gawain ko.

MY CRUSH NEXT DOORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon