Baby John Niel

355 5 3
                                    

uminat ako na parang wala ng bukas with hikab na kala mo mapupunit na ang bunganga ko sa sobrang wagas. Sabay TUUUUGGGGG!...

"Ouch! >,<"  Nagulat ako ng pagdilat ko eh nasa sala ko? Ang alam ko dito sila seth natulog at ako umakyat sa kwarto ko. 

"Siguro nasa taas ang mga vugok?!"  Pag akyat ko. Aba! sa kwarto ko nga sila natulog >< pinagkasya pa talaga sarili nila sa single bed ha! haha. Yung paa ni seth nasa mukha ni lester yung kamay ni kats nasa mukha ni jc mga vugok talaga! So, it means pinagtulungan nila kong buhatin para dito sila sa kama ko humiga tas ako dun sa sofa? Nak ng teteng nga naman oh! Naisip kong pagtripan sila para naman makaganti ako. Kinuha ko ang pinakamatinta kong pentelpen. Nilagyan ko sila ng tig-iisang black eye sa kanang ibaba at itaas ng mata. at sa kaliwa naman dinrowingan ko ng triangle, it means "Parking5" sa baba naman \m/ 

"Hahaha, PERFECT!"

AFTER 1 WEEK

Nandito ko ngayon sa bahay, nakahiga lang sa sofa habang pinapanuod guesting ko dati with kath  i miss her so much :( 

"Ding! dong! ding! dong!" Grabe ang aga pa para mambulabod ha! Sino kayo yung istorbo na yun? Habang papalapit ako sa gate bigla naman akong kinabahan, bumilis tibok ng puso ko.

Pagbukas ko ng gate nakatayo si tita min habang may kargang bata at sa likod niya yung van ni kath, di pa rin pala pinapalita ni kath color ng van niya still white pa din at mukha pa ding bago. Teka! si tita M-min? nasa harap ko?! o_o" 

"T-tita M-min? Nasan po si kath? ano pong ginagawa niyo dito?"   Para kong reporter na nagtatanong sa artistang nagmamadali ng umalis.

"Obvious ba! Hinahatid ko na si baby. Simula ngayon ikaw ng mag-aalaga sa kanya! Hindi mo ba muna ko papapasukin? Baka mamaya may makakita sakin dito."  Sa pagsasalita ni tita Min halatang galit pa din siya sakin. Sobra kong nanginginig sa takot, sa kaba. Ngayon ko nalang siya nakausap simulang nangyari nga ang nangyari. Ang gulo ko lang. Kaw kaya makausap mo nanay ng nabuntis mo at parang sinusungitan ka pa.

"Ah s-sige po p-pasok po."

"Tumawag na pala ko sa mommy mo bago ko pumunta dito..."  Natigilan siya sa pagsasalita ng makita niya yung pinapanuod ko sa laptop, OMG -________- Remember yung guestings namin ni kath yung pinapanuod ko!.

"Pinapanuod mo pa rin ba yan? Alam mo dj simula nung may nangyari  sainyo ni kath pagtapos nun kinalimutan kana niya. Nagsisisi siya kung bat ka pa niya sinagot. Oo, sinabi na sakin ni kath na naging kayo."   Sa mga oras na to gustong gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko. Siguro kung lalaki lang to at kasing edad ko lang baka nasapak ko na to. Pero hindi eh nanay pa din siya ng Mahal ko. Pero ako hindi na daw ako mahal ni kath :'(

"Hindi na ko magpapaliguy-ligoy pa para di na ko magatagal. Eto na nga pala ang batang ipinanganak ni kath, na anak mo!"  Ano daw ANAK KO? ako lang? Ganun na ba talaga ko kasama sa paningin nila? Daig ko pa netong Rapist eh -________- Iniabot na sakin ni tita min si baby, nabawasan naman ang inis ko ng makita ko si baby. May pagkahawig siya sakin ang mga mata niya ay may pagkakahawig kay kath. Nang yakapin ko si baby feeling ko niyakap ko na din si kath. Bakit ganun kahit pilit na niya kong pinagtatabuyan mahal ko pa din siya.

"hmm, binigyan na pala ng pangalan ni kath yan! John Niel Padilla. at pwede ba wag na wag mong babanggitin kay baby niel na si kath ang mommy niya. Siguro naman nasabi na sayo ni kath?"

Tumango nalang ako, narinig ko naman yun! Sobrang sakit <///3

"Kung ganun aalis na ko. Kaw ng bahala sa kanya!" 

Batang Ama -Daniel PadillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon