unexpected..

305 4 0
                                    

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa, basta ang gusto ko lang makapag-isa at makapag-isip. Nang makaramdam ako ng pagod sakto namang napahinto ako sa plaza ng village. Pumwesto ako sa walang masyadong tao. Palinga-linga sa paligid na parang walang muang sa mundo. Tandang-tanda ko pa noon dito ako pumupunta pag nag-aaway sila mama at papa. At nang maghiwalay sila, ang hirap mawalay sa tatay! Sumagi nanaman sa isip ko ang problema ko, naalala ko nanaman ang anghel na nasa sinapupunan ni kath ngayon at ipapanganak niya next month.

Adik sayo.... Awit saakin.. nilang sawa na saking mga kwentong marathon

Nang tignan ko ang cellphone ko...

+97****** is calling.... 

"Hello!"

"Hello dj! Kamusta kana?" Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses ng kausap ko sa kabilang linya.

"K-kath?" o_____o

"Oo dj ako nga!  

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis dahil tumawag ang mahal ko. Masaya dahil narinig ko ulit ang tinig ng pinakamamahal ko mula noon hanggang ngayon. Inis dahil pagkatapos mangyari ang di inaasahang mangyayari simula noon ay di na siya nagpakita, o tumawag man lang. Ni hindi nga niya mula ko kinausap bago siya pumunta ng amerika eh nalaman ko nalang kay Julia sa bestfriend niya.

"Kath bat mo nagawa sakin to? Miss na kita! Ayusin naman natin to oh!"

"Dj tumawag ako para mapaliwanag sayo yung sinabi ni mommy kay tita karla. Dj wala na kong panahon sa pagmamahal na yan! Next month manganganak na ko at pagkapanganak ko ihahatid ni mommy dyan sainyo. Sana habang lumalaki ang bata wag mong sasabihin na ako ang mama niya, bahala kana kung anong gusto mong sabihin".

"Ano? Napapraning kana ba ha?!"

"Dj sana naman intidihin mo nalang ang sitwasyon ko pag ako ang nagpalaki sa bata. Ako lang ang inaasahan nila mommy nung di mo pa ginagawa yung ginawa mo sakin. Nagkaloko-loko pamilya namin ng lumubo ang tiyan ko, laging nag-aaway sila mommy ng dahil sa sitwasyon ko. Gusto ko sanang bumawi sa kanila. Dj please hope you understand me!"

Pinutol ko na ang aming usapan. Dahil alam ko namang walang patutunguhan ang pag-uusap namin kung ipipilit ko lang gusto ko! Grabe sobrang sakit. Sa lahat ng babaeng minahal ko kay kath lang ako sobrang nasaktan. Yung parang gusto ko ng igive-up ang buhay ko! Yung feeling mo wala kang kwentang tao. Sh*t! Sobrang sakit. 

-----

Aw! :( Dj Don't give up! Makakaya mo yan!

READ.VOTE.COMMENT. AND BE A FAN. THANKS :*

Batang Ama -Daniel PadillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon