Chapter 7

139 0 0
                                    

Haayy! Salamat nakauwi na din kami, sobrang nakakapagod. Nang tignan ko si Julia ay halatang pagod na pagod na sya pero bat ganon? Ang ganda nya pa din? Waaa.. Dj ano ba yang iniisip mo?

"Dj akyat ko na si baby niel ha! Sunod mo na din yung mga pinamili para maayos na natin."  Matamlay na sabi ni julia. Tss kawawa naman siya napagod talaga siya ng husto.

"Hmm, sir daniel pakisabi po kay mam julia uwi po muna kami para po may makasama si lola tawagan niya nalang po kami kung papasundo na po siya."

"Sige po. Salamat po ha!"  At hinatid ko na sila sa gate. Pagpasok ko kinuha ko agad ang mga pinamili namin tska umakyat. Pagbukas ko ng pinto tulog si julia at si baby niel.

"Bat parang lalong gumaganda si julia?"   Di ko namamalayang napatulala na pala ko sakanya, nang bigla siyang gumalaw tumalikod naman ako agad at kunyaring may ginagawa. Nang magbalik tingin ako sa kanya ay natutulog pa din siya..

-----

Julia's POV

uhaaaa-uhaaaa....

Nagising ako ng makarinig ako ng iyak ng bata, nung una akala ko panaginip lang pero nung di pa din tumitigil ang pag-iyak ay naalala ko agad si baby niel. Agad akong napabangon sa higaan nakita kong nakahiga si baby niel sa baby bed na binili ni dj. Binuhat ko siya agad at hinele, kinantahan ko siya ng Tanging Yaman, Madalas ding kantahin ni lola saakin yun bago matulog. Nang nakatulog na si baby niel hiniga ko agad siya sa tabi ko. 

T-tekaa?! Nasan ba ko??!  iginala ko agad ang aking mga mata, ngayon ko lang napansin na natutulog si dj sa lapag. Lumapit ako sakanya at di sinasadyang napatulala ako sakanya. Oo, inaamin ko matagal na kong may gusto kay dj simula pa noong una kaming magkatrabaho, kaya ko lang naman siya binusted non kase i'm not ready pa so ayun lagi na lang siyang tulala sa set di makausap ng matino kaya naisipan kong ipakilala siya sa bestfriend ko na si kathryn. Nagkaron kami ng projects together, naging malapit sila sa isa't isa, di nagtagal nahulog ang loob ni dj kay kath. Pagnakikita ko silang sweet sa isa't isa di ko naiiwasang makaramdam ng selos, napapaisip tuloy ako bakit ko pa pinakawalan si dj... Pero pinigilan ko ang nararamdaman ko dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin ni kath. At ayon nakakilala ko ng taong alam kong di ako sasaktan. Pero nagkamali ako kaya ngayon eto pinapagod ko nalang ang sarili ko sa work pero ng dumating si baby niel pagnakikita ko sya nawawala ang pagod ko, cute nya kase eh hahaha...

Sa mga oras na yun di ko manlang namamalayang nakatingin na din pala sakin si dj.

"J-julia?"  Tanong niya habang kinukusot kusot pa ang mata.

"H-ha?? Ahh a-ano kase may lamok, oo tama may lamok sa mukha mo hehehe"  Sabay talikod sa kanya alam kong di tama ang dahilan ko. Juzkow! Sana wag siyang mag-isip ng kung ano-ano haiisst...

Daniel's POV

Nagising nalang ako ng nakatitig sakin si julia. Haayyy! salamat sa lamok at pagdilat ko palang ay magandang dilag na agad ang aking nakita. Hindi ko na pinayagang umuwi si julia dahil masyado ng hating gabi.

"Dj??"  Tawag sakin ni julia pero nakahiga na siya.

"Bakit Ms.Montes?"

"Maaga mo kong gisingin bukas ha! Maaga kong pupunta sa studio baka mapatay na ko ni kuya mark."  Simulang ng magkasakit ang dating manager ni julia ay si kuya mark salamat na ang nag-alaga kay julia.

"Di ba alam ni kuya mark na nandito ka?"

"Hindi pa. Siguro bukas ko nalang sasabihin. Sige tulog na ko."

"Sige goodnight."  

-----

Julia's POV

Nandito kami ngayon sa isang restaurant para icelebrate ang pagiging succesful ng One True Love kaloveteam ko dito si sam concepcion. 

"Congratulations to all the casts of One True Love. Nagpapasalamat ako sa..."  Habang tumatagal ay hindi ko na naiintindihan ang sinasbe ni Direk.

"Juls, it's your turn na!"  kanina pa pala ko tinatawag ni direk para magspeech pero tulala ako. Binulungan nalang ako ni kiray. Pinilit ko pa ding pumunta sa unahan kahit hilo ako.

"Maraming Salama....."  

"Juliaa...."

-----

Sam's POV

"Dok, musta po si julia? Ano po nangyare sakanya?"  Natataranta ko simula ng dalhin namin si julia dito sa hospital, sobra kong nag-aalala sakanya dahil bestfriend ko siya, pero siguro nga napalapit na ang loob ko sakanya sino ba naman hindi magkakagusto sakanya diba!

"Hmm, ok na po si Ms.Montes marahil hindi na nya nalabanan ang pagod kung kaya't nawalan siya ng malay. All she need is rest."

"Salamat po dok". 

-----

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Batang Ama -Daniel PadillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon