maaga akong nagising,dahil may pasok ako ngayon,sa paaralan na nilipatan ko,inaantok man ay pinilit kong kinilos ang buong katawan ko,tumayo ako at tumalon talon upang maibsan ang antok na tila gusto ulit akong pabalikin sa kama ,ilang minuto kong inulit ulit ang prosesong yun hanggang sa napag desisyunan kong pumasok na sa cr,katulad ng una ay ibinabad ko sa bathub ang buo kong katawan,saglit akong humiga upang pumikit ,di nagtagal ang pamamalagi ko sa loob at tuluyan ko rin itong nilisan
8:30 na pero parang wala akong balak na mag bihis,bago mag alas nuebe ay dali dali akong nag bihis,sinuot ko ang uniform ko at sinuot and skirt bilang pares nito,sinuot ko ang shoes na kasama sa pinadala ng tito ko na sya ring dean ng papasukan ko,pinadala nya lahat ng kinakailangan ko at wla na akong ibang gagawin kundi ang ayusin ang sarili ko
Umupo ako sa dressing room na nasa loob mismo ng kwarto ko at dun ko inayusan ang sarili ko,wala akong make up na nilagay sa mukha ko dahil hindi naman ako mahilig sa mga cosmetics,i prefer gun than make ups,for me make up will just make you feel unpretty,kahit na wala ang mga ito ay nakikita ko salamin ang magandang imahe ng aking mukha,tinignan ko ang malalamig kong mga mata at wlang emosyon kong mukha,hindi ko alam pero wala akong maramdaman na kahit ano,kung hindi ako tao,iisipin kong isa akong nilikhang robot upang paslangin ang lahat ng tao ng walang anumang nararamdaman,napabuntong hininga nalang ako atsaka muling tumayo at bumaba para mag handa sa eskwela
Pag baba ko ay nakita ko si mom and dad na busy sa kani kanilang kape habang may pinag uusapan,agad naman nila akong tinapunan ng tingin at niyayang kumain
"have a sit mikay"wika ni mommy habang nilalagyan ako ng ham and egg sa plato
"marahil ay mahihirapan kang mag adjust sa papasukan mo ,dahil nasanay ka sa kultura sa London,but i bet na magugustuhan mo rin sa university na papasukan mo,be a good girl mikay kahit na ang tito mo ang dean ay hindi ka makakaligtas once na naka suway ka sa violations,walang pwedeng maka alam ng tungkol sa buhay natin alam mo na ang rules kaya dapat na alam mo rin ang limitasyon mo,at kung maari ay magkaroon ka sana ng kaibigan,katulad ng normal na teenager at estudyante"pangaral sakin ni dad
"alam kong hindi normal ang buhay ko,kaya bakit ko pa pipilitin maging normal? Iba ang katayuan ko sa kanila,iba rin ang ugali at higit sa lahat magkakaiba kami ng buhay na tinatahak,ayokong ipilit sa sarili ko ang mga bagay na hindi pwedeng maging ako" tugon ko kay dad,sabay subo ng pagkain na nasa kubyertos ko,dahan dahan akong tumayo at diretsong naglakad patungo sa sports car ko,agad kong pinaandar ito at nagtungo sa paaralang papasukan ko,dumiretso ako sa parking lot,at agad na ni lock ito
Pag ka pasok ko palang ng gate ay may mga sumalubong saking tatlong babae,puno ng kolorete ang kanilang mga mukha,maliban sa isang kasama nila na sa tingin ko ay ang leader leader nila
"oh! Another trash? Di ko alam na ang sikat na university na ito ay talagang tumatanggap na ng basura!"nag paikot ikot ito sakin at muling humarap
Hindi ko ito pinansin o tinapunan ng tingin man lang,bagkus nagtuloy tuloy ako sa pag lalakad at iniwan sila,pero di pa man ako nakaka tapak sa hagdan ng biglang hawakan ng dalawa ang magkabila kong braso at iniharap sa kanila
"You! Bitch! How dare you to left me without saying sorry?!!"galit na wika nito
Sorry? Kailan pa ako nag ka atraso sa babaeng to?
"wala akong natatandaan na nag ka atraso ako sayo" tugon ko sa sinabi nya kanina sa akin
"humarang kalang naman sa daraanan ko!,transferee ka siguro kaya di mo alam kung sino ang binabangga mo! Well let me introduce my self bitch! I am the president of Supreme Student Council! At sa pag kaka aalam ko,you need to pay respect on me lalo nat ako ang mas na nakatataas sayo!"sigaw nito sa mukha ko na tila bingi ako at hindi ko naiintindihan ang mga pinag sasasabi nya
"ah... okay then,can you two take off your hands on me,you already pissing me off"utos ko sa dalawang may hawak sa magkabilang braso ko,unti unti akong nakakaramdam ng init ng ulo na unti unting nabubuo sa loob ko
"yan lang ba ang sasabihin mo? Nagpakilala na ako sayo but still mukhang hindi mo ako naiintindihan"sigaw ulit nito sakin,na mas ikina init ng ulo ko
Unti unting ngisi ang gumuhit sa mga labi ko,napansin kong nanlambot ang dalawang humawak sakin hanggang sa tuluyan nilang nabitawan ang aking mga braso,napansin ko ang takot na bumalot sa leader nila,pinilit nyang maging matapang sa harap ko,kaya nilapitan ko sya ng paunti unti habang nakikipag titigan sa kanya,habang patuloy ang pag lapit ko ay patuloy din syang umaatras ng umaatras sa akin palayo,hanggang sa di nya namalayan ang bato sa likod nya,na naging dahilan para mapatid sya at matumba,nakita ko ang gulat sa mukha nya kaya umupo ako at humarap sa kanya
"the next time you mess up with me again,i wont hesitate to rip your head off"bulong ko sa tenga nya,and once i said it ,ill do it
Nakita ko ang takot na bumalot sa mukha nya,na naging dahilan kung bakit sya tulala
Naglakad ako palayo at tinungo ang silid ko,hinanap ko ang section ko,at swerteng natanaw ang A–1 jewel,agad akong pumasok,at tulad ng inaasahan ay"your 45 minutes late,what took you so long ms?" tanong ng ginang na nasa aking harapan
"im the transferee ms"sagot ko naman na ikinaliwanag ng mukha nito
"Oh! Come in,since we have a transferee,from another school please ms introduce your self in front" wika nito na naging dahilan para mas lalong tumahimik at mapunta sakin ang tingin ng lahat ng estudyante nya
"Im khylla Salvador"tanging tugon ko,ilang minuto pa nilang inantay ang sasabihin ko ng mapag tanto nilang tapos na ang speech ko ay saka nya lang ako pinaupo sa tabi ng bakanteng upuan,mukhang alphabetical ang upuan,kaya nasisiguro kong O ang last name ng bakanteng upuan na nasa tabi ko
Maya maya ay tumunog ang bell,hudyat na tpos na ang klase kaya agad akong tumayo at pumunta ng parking lot,sa pagod na aking nararamdaman ay di ko napansin na nasa loob na pala ako ng bahay,agad akong pumasok sa kwarto at inihagis ang aking katawan sa malambot kong higaan,unti unti kong naramdamn ang pag bigat ng talukap ko and all went black
+++++++++++++++++
Hi everyone please read,leave a comment and vote for every chapter of my story thankyouNicoleDyosa10