CHAPTER 3

14 0 0
                                    

"chael ko! Alam mo bang ang ganda ganda mo?" wika ng isang lalaki na di ko alam ang pangalan,hindi ko makita ang mukha nitong nakaharap sa akin,malinaw kong naririnig ang boses niya,ngunit di ko makita ang mukha nya

"araw araw mong sinasabi sakin yan,di ka ba nagsasawa? "sagot ko naman sa papuri nito

Pag ka ilang sandali nag iba ang scenario na aking kinalalagyan,maraming dugo,maraming patay,tila akoy kanilang pino protektahan

"chael tumakbo kana!,kailangan mong isalba ang sarili mo,ikaw nlang ang pag asa ng mafia,please lumayo kana"takbo ng matandang lalaki patungo sa kinaroroonan ko,iling lang ako ng iling habang hawak ang kanyang mga kamay

"ayoko,senior,please senior!"pagmamakaawa ko sa kanya

"mananatili akong tapat sayo...shitarri"kasabay ng pagtakbo ko,ay ang pag ka tumba sa lupa ni senior

"no! No! Senior!!!!!!!!!"

Napabalikwas ako ng bangon, Anong klaseng panaginip yun? Tila totoo itong nangyari at ako ang  dahilan kung bakit nasa ganoon silang sitwasyon,shittari? Sino ang tinawag niyang shittari? Ako ba ? Ako ba si shittari? Pero Michaella khylla ang pangalan ko at hindi shittari,kailangan kong tanungin sila mom and dad sa panaginip ko ,pero posibleng sa sobrang pagod ko lang kaya kung ano ano ang napapanaginipan ko,Tama!walang ibig sabihin iyon,pero sino si senior?

Agad akong nag ayos ng sarili at agad na bumaba sa hapagkainan,agad ko namang natanaw si mom and dad sa mesa,naroon rin si kuya na mukhang nagulat ng akoy makalapit sa kanila

"k–kanina ka pa?"tanong nito na ipinagtaka ko

"kakababa ko lang,bakit mukhang humihina na ang pakiramdam mo,pagdating sa presensya ng tao? Masama yan,madali kang maiisahan"pang aasar ko rito

"Ha! Ha! Ako naghihina no way,busy lang ako sa pagkain kaya di kita napansin,masarap kasi talaga ang luto ni mom!" ngingisi ngising tugon nito,ako lang ba ang nakakapansin na tila iba ang atmosphere sa lamesa

Tahimik kaming kumain,kaya ako na ang bumasag sa katahimikan

"mom dad?"tawag ko sa mga ito na agad naman nilang ikinalingon

"what is it?" sabay na tanong nila ni dad,napansin ko ring ang busy sa cellphone na si kuya Jared ay napatingin sa gawi ko

"who's shittari? Who's senior?"tanong ko sa mga ito,napansin ko ang kabang bumalot sa mga mukha nito,pagkalaunan ay agad naman silang naka recover

"bakit mo naman natanong anak? Hindi namin sila kilala,at isa pa,sino ba iyang senior na yan ?"tanong sa akin ni dad

Di man kumbinsido sa kanilang sagot ay tumango nalang ako sa kanila upang di na humaba ang usapan

"napapanaginipin ko kasi ito ilang beses na,at pakiramdam ko ay totoong nangyari ito,at wala lang talaga akong maalala"pahabol kong sabi sa mga ito

"wala lang yan mikay,pagod ka lang siguro kaya kung ano ano ang pumapasok sa isipan mo"sabi sa akin ni kuya,but still it doesnt convinced me

"nako mikay kung ako sayo,dadalian ko ang pagkain,dahil 9:30 na male late kana sa first subject mo"tugon ni mommy,napagtanto kong may pasok pa pala ako,bakit ko ba kasi sinimulan ang konbersasyon,iyan tuloy mukhang ma le late ako

Agad akong tumayo at humalik sa kanila,sumabay na din si kuya sa akin sa sasakyan,binigay ko sa kanya ang susi upang siya ang mag drive,agad kaming pumasok sa kotse at pinaandar ito,tahimik naming tinatahak ang paaralan ng bigla niyang basagin ang katahimikan

"napapadalas ba ang panaginip mong ganyan?"tanong sa akin ni kuya

"nitong mga nagdaang araw ay napapanaginipan ko ang mga ito,may lalaki ring tumatawag sakin ng chael sa panaginip ko,ngunit di ko maaninag ang kanyang mukha,araw araw niya akong pinupuri na maganda ako"sagot ko sa kanya Na ikinatigil nya

"iniinom mo ba ang stress reliver capsule na inireseta ng doctor sa iyo?"tanong nya sa akin na ikinabahala ko ng saglit

"nakalimutan kong uminom nitong nagdaang linggo,kaya siguro bumabalik ang mga panaginip ko"tugon ko kay kuya,umiinom ako ng kapsula na nag papa relax sa isip ko,lalo na kung pagod ako

"please michaella,dont skip your medicine,look! Kung ano ano ang pumapasok sa utak mo tsk! "Padabog nito habang inumpisahan ang pag da drive,tahimik kaming tumigil sa parking lot at nag punta sa kanya kanya naming klase

Pumasok na ako sa aking silid at umupo sa aking upuan,di pa man nag sisimulang magklase ay nag iingay na ang mga kaklase ko,natigil lang ito ng may biglang pumasok na lalaki sa klase,nakarinig naman agad ako ng bulungan galing sa aking mga kaklase

"ang swerte nya naman katabi nya si hunter"

"ang gwapo talaga nya hayys pwede na akong mamatay kung sya ang mapapangasawa ko"

"magtigil kayo,baka marinig kayo,ayaw nya ng pinag uusapan sya"

Isa lang yan sa mga naririnig kong bulungan,well lets admit that he have the charisma,gwapo,matangkad,hindi mataba,hindi rin payat, kaya siguro gusto sya ng lahat but maliban sa akin na blangkong nakatingin sa kanya habang papunta sa gawi ko,sya siguro ang may ari ng upuan na katabi ko

Nagtama ang paningin namin tila bigla syang napatigil pag kakita sa akin,natulala sya na ipinagtaka ko,tila natauhan sya pag kurap ng mata ko

"a–ako ang nakaupo rito"nauutal na tugon nito

"i dont care"tanging sagot ko,inaakit nya ba ako? Bakit ganun sya makatingin tila nasasabik at nag susumamo ang kanyang mga mata,di na ulit kami nag usap at muling itinuon ang atensyon sa pisara

Biglang tumunog ang bell na hudyat ng break time tumayo ako at kinuha ang pera sa bag ko,akmang aalis na ako,ng maramdaman ko ang isang kamay sa bewang ko,habang hila nya ako mas tumalim ang tingin sakin ng mga estudyante,well great nilalapit nya ako sa kapahamakan,for goodness sake,ayokong mapasok sa gulo sa pagitan ng mga fangirls nya,maya maya lang ay tumigil kami sa harap ng cafeteria,inalalayan nya ako sa harap ng counter at inutusan ang mga trabahante dito na dalhin sa isang mesa ang lahat ng tinuro nito,agad nya akong hinila sa isang vacant na lamesa

"i look after you dont worry"wika nito na ikinakunot ng noo ko,iniwan ako nito at pumunta sa kabilang lamesa,mga kaibigan nya siguro ito dahil grupo ito at mukhang inuulanan sya ng mga tanong

"ano yon? Girlfriend mo?"tanong ng lalaking blonde ang buhok

"tangina pre! Bago mo yon?"tanong ng isang lalaki na pula ang buhok

"who's that girl?"tanong ng babaeng masama ang tingin sa kanya,habang naka lingkis sa braso nya

Hindi ko na pinansin ang bulungan,at nagsimula akong kumain, nagtataka parin ako tungkol sa sinabi nung lalaki kanina,he will look after me? Bakasiya ang kailangan kong bantayan baka mapag tripan sya,mukha ba akong talunan,nakaka baba ng pride yung lokong yun a

Agad ding natapos ang klase at umuwi na rin ako kaagad,pagdating ko sa bahay ay wala sila mom and dad for sure may meeting na naman ang mga ito,si kuya naman mamayang alas dyes pa ang uwi
Kumain ako ng tahimik at pumasok sa aking kwarto

Naglinis ako ng katawan at binuksan ang cabinet na nasa cr upang inumin ang medicine ko,agad namanng umepekto ito at dali dali akong nakatulog,narinig kong may pumasok sa kwarto pero paano sya nakapasok,alam kong ni lock ko ang pinto ,pero sa sobrang antok ay di ko na nagawang idilat ang mata ko,bago ako tuluyang lamunin ng dilim ay hinalikan nya ako sa noo at sinabing

"sweet dreams my chael"
+++++++++++++++++++++++
Haha may reader pala ako kahit papano,thanks sa inyo

The Piece OF MeWhere stories live. Discover now