Ano kaya ang ginagawa ni Kaizer dito?bakit siya nakaubob?may masakit kaya siyang nararamdaman?o baka naman may naaalala siya dun sa mga bata kanina ?hays ang hirap talagang isipin kung ano ang nararamdaman nang isang tao.
"Uhm..Kaizer"nahihiyang pagtawag ko dito at mukhang narinig naman niya dahil lumingon ito sa akin.
"Bakit?"tanong niya
"Anong ginagawa mo diyan?"
"Ah..wala naman"sagot nito at nagbigay ng tipid na ngiti "Eh ikaw anong ginagawa mo dito?"
Ano nga bang ginagawa ko dito? "Ah eh wala naman napadaan lang hehehe"pagsisinungaling ko.
"Ah okay..umalis naba si Mr.Baltazar?"
"Hindi ko alam actually lumabas din ako pagkalabas mo"pagsasabi ko ng totoo "Pwede ba akong magtanong?"
"Okay lang naman pati kanina kapa nagtatanong".
(•ω•)oo nga ano hayss bakit diko kaagad naisip! "Bakit ka lumabas ng classroom?".
"Ahm..Sa totoo lang hindi ko masikmura na makasama ang kaibigan ko noon na iniwan ako nung mga bata pa kami..ahm alam kong awkward pero sana hindi mo ako pagtawanan"pagsagot nito sa aking tanong pero sino kaya ang kaibigan nayun?
"Kung hindi mo masasamain pwede ko bang malaman kung sino ang tinutukoy mo?"
"Si Markho"walang emosyong sagot nito
Si Markho?ang isang parang walang emosyon na tao at loner may kaibigang katulad ni Kaizer?
"Ah okay hehehe pero bakit naman?"ahhhh!ang daldal mo Zaimin!!(*>.<*) "Ayos lang naman kung hindi mo sagutin alam kong masiyadong personal ka-'"naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Kaizer.
"Ibinigay ko ang babaeng mahal na mahal ko sa kaniya dahil alam kong mahal niya rin ito pero mas pinili niyang saktan ang babaeng iyon hanggang sa iniwan niya ito at kinalimutan na rin na magkaibigan kami"mahabang sagot nito.
Si Kaizer may nagustuhang babae na gusto din ni Markho?tapos ibinigay ni Kaizer ang babaeng gusto din niya kay Markho?so parang nagparaya nalang si Kaizer kay Markho pero iniwan naman ni Markho yung babae tapos kinalimutan din ni Markho na mag-kaibigan sila ni Kaizer ANG GULOO!!
(-__-)napaka-gulo hindo ko maintindihan!"Zaimin right?"pagtatanopng ni Kaizer sa akin.
"Oo"pagsagot ko sa tanong niya.
"Alam kong naguguluhan ka sa sinabi ko kaya huwag mo nalang isipin"pagkasabi niya rito ay tumayo na siya "hindi ka paba papasok baka isipin nung mga kaklase natin na first day of class pero nag-cutting na tayong dalawa".
(0 o 0)nakalimutan ko na nag excuse lang ako!
"Halika na"pagyaya ni Kaizer sa akin..tumango nalang ako bilang pagsang ayon.
Naglalakad kami sa hallway nang makasalubong namin si Mr.Baltazar "Oh bakit hindi na kayo pumasok sa klase ko?"mahinahong patatanong nito sa amin.
"Ah Sir kase po---"naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Kaizer.
"Sir sorry po sumama po kasi pakiramdam ko kanina buti nalang po nakita ko si Zaimin kaya po nagpasama ako sa clinic"pagdadahilan ni Kaizer.
"Ah ganon ba?kung ganon ayos naba pakiramdam mo?"pagtatanong ni Mr.Baltazar kay Kaizer.
"Opo Sir"sagot ni Kaizer.
"Humiram nalang kayo ng notes sa mga kaklase niyo para makasunod kayo sa klase ko bukas"pagkasabe ni Mr.BAltazar ay umalis na din ito kaya pumasok na kami ni Kaizer sa room.
YOU ARE READING
Love Until December
RomanceIsang babae na hindi kagandahan,lampa at di gaanong katalino ang makakakilala ng isang lalaki na matalino,mayaman at gwapo sa madaling salita almost perfect pero gusto nang mawala sa mundo paano kaya mapipigilan ng babaeng ito ang pagpapakamatay ng...