Chapter 4

15 0 0
                                    

Nung matapatan ko ang upuan ni Anniah ay nakita ko na nakatingin sa akin si Anniah na nakangisi na para bang nangungutya kaya ito'y labis kong pinagdudahan ilang saglit lang lang ay tumayo ito sa kaniyang pagkakaupo.


Mas lumawak ang pagkakangisi nito "Bakit kayo magkasama ni Kaizer huh?"pagtatanong nito na may halong landi ang pagsasalita "Huy Zaimin meron bang nangyayari na hindi ko nalalaman huh?"pagtatanong ulit nito sa akin.


"Huh?ah eh wala sinamahan ko lang si Kaizer"pagdadahilan ko "Saan mo sinamahan huh?"tanong ulit nito na para bang kinikilig sasagutin ko na sana ang kaniyang tanong nang pumasok na ang Lecturer sa History.



"Ang bilis naman pumasok ng lecturer na 'to"pagrereklamo ni Anniah "pasalamat ka pumasok na kaagad ang lecturer Zaimin hihihi"sambit nito sa akin at umupo na rin sa kaniyang upuan kaya naman umupo na rin ako sa aking upuan.



Mabilis lang natapos ang mga lesson kaya maaga rin kaming makakauwi ang iba ay nagmadaling lumabas ako naman ay nag-aayos pa ng mga gamit ng lumapit sa akin ang isang lalaki.



"Pwede ba kitang makausap saglit?"pagtatanong sa akin ni Markho.


"Tungkol saan?"pagtatanong ko



"Tungkol kanina dun sa rooftop sorry kung nasungitan ko kayong dalawa nang kasama mo"ani Markho



"Ah wala yun pati dapat kami ang humingi ang paumanhin sa nagawa naming sa'yo kanina mukhang naistorbo ka naming sa pagtulog mo".



"Sorry talaga...uhm maitanong ko lang bakit lumabas kayo ni Kaizer kanina?"



Halaa!!anong sasabihin ko!?anong idadahilan ko!?"Ah eh pupunta dapat ako sa restroom kaso nakita ko si Kaizer sa may hagdan at mukhang nanghihina kaya sinamahan ko si Kaizer papuntang clinic"kinakabanhang pagdadahilan ko.



"Ah ganon ba?sige salamat"pagkasabi niya nito ay iniwan na rin niya ako.Papalabas na ako ng classroom nang makita ko yung babae na nabunggo ko kanina kasama yung lalaking sasaktan ako na naglalakad sa hallway.



"Abah,tingnan mo nga naman nandito pa rin yung freak girl"turo sa akin nung babae.



Hindi ko na pinansin yung dalawa sa halip tatalikod na ako nang biglang may humila na naman sa likod ko at mukhang yung lalaki na naman.At hindi nga ako nagkamali yung lalaki nga ang humila na naman sa akin.



"Hoy babae ang ayoko sa lahat ay tinatalikuran ako kapag nagsasalita pa nababastos ako!"sigaw sa akin ng babae habang hawak-hawak pa ako sa likod nung lalaki.



"Bakit kapa nababastos ay kabastos bastos ka naman talaga"isang tinig ng babae ang nagsalita,hindi ko ito makita dahil hawak-hawak pa rin ako ng lalaki sa likod at kapag lumingon ako para tingnan ito ay masasaktan ako.



"Huwag ka mangielam Vanessa hindi ka kasali dito!"sigaw ng lalaki dito.



"Ako hindi mangingielam?nasisiraan ka naba Matthew?"sabi ng babaeng tinawag na Vanessa nitong Matthew. "Kung ako sa'yo bibitawan ko na 'yang babae para walang masaktan".


Love Until December Where stories live. Discover now