Sino kaya ang babaeng ito na tinawag na Vanessa?bakit parang kinakabahan ang lalaki na ito na tinawag naman nung Vanessa na Matthew?
“Matthew bitawan mo na yan”utos nang babae na kasama nitong Matthew “Sigurado kaba diyan Nathalie?”paniniguro ni Matthew sa utos nitong Nathalie “Oo”pagkasabi nito ay binitawan na ako nitong Matthew.
“Ayos ka lang ba?”pagtatanong nitong Vanessa sa akin,tanging pag-tango na lang ang aking naisagot “Umuwi ka na”utos sa akin nung Vanessa.Wala na akong magagawa kung hindi ang sumunod sa utos nito.
Malayo na ako sa kanila pero natatakot pa rin ako.Hindi ko talaga alam kung bakit galit parin sa akin yung Nathalie kahit na humingi na ako ng tawad dito at sa tagal-tagal na ako nag-aaral dito ngayon ko lang sila nakita dito.
Umuwi ako sa’ming bahay na pagod na pagod nakalimutan ko na rin yung nangyari kanina paakyat na ako sa hagdan nang marinig ko ang boses ng isang pamilyar na boses sa kusina kaya agad-agad akong dumiretso sa kusina at hindi nga ako nagkamali.
“Oh Zaimin apo matagal tagal ding hindi tayo nagkita napakalaki mo na”tawag sa akin ni lola Arcelli, “Hindi kaba magmamano kay Lola?Ate Yaz?”tanong sa akin ni Innah.
Nawala na sa isip ko magmano dahil sa saya kong nakita ko na ulit si lola kaya dali-dali akong nagmano kay lola at umupo sa kalapit na bangko na inuupuan ni Innah “Lola kailan kayo dumating galing Korea?Bakit hindi din po kayo nagsabi nauuwi?”sunod-sunod na aking tanong.
“Gusto ko sana kayo surpresahin ni Innah pero maagang nakauwi si Innah kaya diyan palang sa hagdan ng bahay niyo ay nakita na niya ako”mahabang paliwanag ni lola “Ganun po ba lola,sige po iiwan kop o muna kayo ni Innah diyan magpapalit lang po ako”pagpapaalam ko dito.
Hindi ko na rin hinintay sumagot si lola at tumayo na din ako pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong kumuha ng damit na maisusuot at nung makakuha na ako ay nagbihis na ako at bumaba para magluto ng pagkain.
Naghihiwa ako ng mga gulay nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. “1 Friend Request?”basa ko sa notification na dahilan kung bakit nag-vibrate ang cellphone ko kaya tiningnan ko kung sino ang nagfriend-request sa akin.
Kaizer Ashola sent you a friend request.
“Paano niya nalaman ang pangalan ko sa Facebook?”tanong ko sa aking sarili hindi kaya sinabi ni Anniah ang pangalan ko sa facebook?pero hindi ko pa naman nasasabi sa kaniya ang name ko sa facebook.
Nag-iisip ako ng biglang may nagpop-up sa cellphone screen ko kaya tiningnan ko kung ano iyon Kaizer Ashola sent you a message request(s).kaya naman agad-agad kong pinindot yun at napakaraming message ang bumungad sa akin.
“Hey!Ms. Zaimin can you accept my request?”Unang message niya sa akin. “Can I call you Zaimin or Zaimin Yaz?”
“Hello Zaimin notice me PLEASE!!”“HAHAHA just kidding (:”sunod-sunod na message niya kaya nung nabasa ko ang unang message niya ay ini-accept ko na ang friend request niya sa akin.
“Sorry Kaizer ngayon ko lang nabasa”paghingi ko ng paumanhin.
“Hayss!Thank God nag-reply akala ko nga snobber ka eh haha pero wala yun mukhang naabala pa nga kita”reply niya.
“Hindi wala yun pero paano mo nalaman ang name ko sa Facebook?”pagtatanong ko dito.
“Sinabi sa akin ni Anniah”sagot nito sa aking tanong pero paano nalaman ni Anniah name ko sa Facebook?
“Ah ganun ba?sige Kaizer wait lang”sabi ko kay Kaizer dahil nakulo na ang niluluto ko kaya inihalo ko na rin yung mga gulay nung matapos kong ilagay ang gulay ay inihanda ko na ang mga plato at mga kubyertos sa lamesa,naglalagay ako ng plato nang hindi ko napansin na nandun pala si Lola Arcelli.
“Zaimin apo ano ba iyang niluluto mo?”tanong sa akin ni lola.
“Sinigang po lola”Sagot ko sa tanong ni lola.
“Iyan pa rin lang baa ng alam mong lutuin?”tanong ulit sa akin ni lola “Hehehe lola syempre hindi na lang iyan ang kaya kong lutuin”sagot ko dito
Tama yun kaya ko ng magluto ng iba’t-ibang putahe hindi tulad noon ay talagang ang alam ko lang lutuin ay sinigang dahil iyun lang ang itinuro sa akin ni Lola dahil ako lang pati ang laging kasama ni lola tuwing magluluto siya.
“Lola nasaan po si Innah?”tanong ko.
“Ang sabi niya ay pupunta lang siya sa convenient store”Sagot ni lola Anong sa Convenient store?sa ganitong oras pupunta sa convenient store?nakakapagtaka na ang isang babae na hindi naman nalabas nang ganitong oras ay lalabas ngayon para pumunta sa isang convenient store.
“Lola bakit niyo po pinayagan pumunta sa Convenient store ang isang yun?”may konting inis na tanong ko kay lola.
“Sabi niya kasi ay malapit lang iyon kaya pinayagan ko.”
“Sige na po lola kumain na po kayo diyan nakahanda na po yung kakainan at pagkain susundan ko lang po si Innah.”pag-papaalam ko kay lola.
“Sige mag-ingat ka sa daan”Pag-payag ni lola.
“Sige po lola aalis na po ako”Pagkasabing-pagkasabi ko kay lola ay isinilid ko ang cellphone ko sa bulsa ko at lumabas na ng bahay hindi na naman ako nahirapan na makapunta sa malapit na convenient store sa amin.
Pumasok ako sa loob ng convenient store at napansin kong maunti lang ang customer at nakaagaw pansin sa akin ang isang anggulo nang isang lalaki.
YOU ARE READING
Love Until December
RomanceIsang babae na hindi kagandahan,lampa at di gaanong katalino ang makakakilala ng isang lalaki na matalino,mayaman at gwapo sa madaling salita almost perfect pero gusto nang mawala sa mundo paano kaya mapipigilan ng babaeng ito ang pagpapakamatay ng...