Yuri
Naglalakad ako ngayon papuntang park nang may nakasalubong ako.
Si Woojin.
"San ka pupunta?" tanong niya.
"ah. diyan lang" sagot ko naman sakanya.
"bat wala kang kasama?" tanong ulit niya.
"Wala lang hehe." sabi ko.
"samahan na kita." sabi niya pero magsasalita pa lamang ako pero hinigit na niya kamay ko at naglakad na papuntang park.
inshort, magkaholding hands kami habang naglalakad.
napangiti ako ng palihim.
tangina bat ka ganyan woojinnn
"Ah, woojin yung kamay ko." sabi ko sakanya.
tinignan niya muna ako tas sinabi niyang "ayaw mo ba?"
"Ah eh, ang awkward lang kase hehe." sabi ko naman sakanya.
Hindi pa rin niya binitawan yung kamay ko hanggang sa makarating na kami sa park.
"Bat ka pupunta dito?" tanong niya.
"Ah, magkikita kami ni kenta eh" sabi ko.
"Ah." sagot lang niya.
"Yuri, hindi mo pa sinasagot yung tanong ko." sabi ni woojin sa akin.
taeee eto nanaman siyaaa.
Tinitignan niya ako sa mata pero hindi ko siya matignan pabalik.
"Yuri?" sabi niya.
"Yuri, mahal mo ba ako?" pagdederetso na niya sa akin.
TAEEEE. YAW Q NAA. HINDI KO NA ALAMMMM.
Parang linya yan ng mga malapit nang magbebreak ha.
"Woojin, ma-" sasabihin ko palang pero
"YURII!! Oh, hi woojin! ano ginagawa mo rito?" biglang sabat ni kenta sa amin.
kenta, tangina mo. panira ka ng moment.
super. ang ganda ng timing mo.
"Ah, sige na yuri. una na ako." paalam ni woojin. shit kenta bat ba ang wrong timing mo.
"Yuri, bat magkasama kayo ni woojin?" tanong agad ni kenta sa akin.
"Nakita ko lang siya kanina" sabi ko.
"Ahh, bat pala gusto mong kong makita? May pupuntahan ba tayo? Gusto mo gumala? Gusto mo kumain? Gus-" hindi ko na siya pinatapos.
"Kenta, tigilan na natin to." sabi ko sakanya. nabigla siya sa mga sinabi ko.
"Ha?" ang nasabi ni kenta.
"Kenta, tigilan mo na ako. Tigilan na natin to. Tigilan mo na akong ligawan." sabi ko sakanya. Gusto nang makawala ng mga luha ko.
"Kenta, patawad pero wala akong nararamdaman para sayo. Oo, alam kong nag eeffort ka pero patawad talaga kenta. Hindi ko gustong saktan ka." sabi ko habang umiiyak na. Tangina parang ang sama ko nang tao.
"Okay lang yuri. Alam kong hindi ako ang nilalaman ng puso mo. Hindi ko naman mapapalitan yung nandyan sa puso mo eh. Alam kong siya ang gusto mo, yuri. Pero salamat na rin at sinabi mo. Salamat dahil hindi mo na pinatagal. Salamat sa lahat yuri, na kahit sa iilang araw na nagkasama tayo, naging masaya ako. Salamat." Hindi na rin napigilan ni kenta ang sarili niya at naiyak na rin. pero nakangiti pa rin siya.
"Yuri, kahit sa huling pagkakataon lang, sana pagbigyan mo ako." sabi ni kenta.
"Sige kenta." sabi ko.
Bigla niya akong hinalikan............
Sa pisngi at niyakap niya ako agad.
"Salamat yuri." sabi niya habang nakayakap pa sa akin.
"salamat din kenta" sabi ko.
Habang nakatingin ako sa malayo, may isang nilalang ang nakatingin sa amin. Nakatulala lang siya na para bang pinapanood kami.
Si Woojin.
✨
BINABASA MO ANG
sml? | woojin x yuri
Fanfiction𝐏𝐑𝐎𝐃𝐔𝐂𝐄 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 𝟐 ☞𝙘𝙤𝙢𝙥𝙡𝙚𝙩𝙚𝙙☜ ❝sungki, gusto kita!❞ -yr ❝sml?❞-wj ⑅from /share mo lang/ to /so much love/⑅ ➳𝔀𝓪𝓷𝓷𝓪 𝓸𝓷𝓮 & 𝓲𝔃*𝓸𝓷𝓮➳ •epistolary •narrative •tagalog pwj x jyr Date Started: October 6, 2018🌺 Date Finishe...